Kabanata 3
MayroonNgumiwi ako dahil sa paulit-ulit na pag hampas sa akin ni Shiara.
"Omg! Omg! Omg! 12 chapters pero may vote na ni kib?" Pinanlakihan niya ako nang mata na parang hindi makapaniwala. Natawa naman ako. Hindi ba siya naniniwala sa kakayahan ko?
Humalakhak ako."Syempre! Ako pa." Pagmamayabang kong sabi. Dapat lang nuh. Ilang gabi ako nag-isip. Minsan nga halos Dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko.
Tumatalon talon siya sa tuwa. Namumula ang pisngi niya. Nabasa niya kasi ang isang line nya sa story. Yung pag-amin niya kay Kib...
Hinablot niya ang kamay ko at dali-daling hinila palabas ng gate.
Ngumiti ako sa guard. Habang itong isa ay hindi man lang binalingan. Dahil sa excitement siguro.
"Teka nga! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang hinawi ko ang pagkakahawak niya dito. Napatigil kami. Dahil kanina pa kasi ako nababaliko. Natatawa sya'ng tumingin sa akin. Parang sinasabi ng mata niyang duh-isn't-it-obvious look.
Bumuntong-hininga siya. "Mag sho-shopping at kakain tayo sa labas. My treat. Syempere, dapat i-celebrate na natin ang pagiging one step closer ko to become Kib's Wife!"
Bahagya akong napangiti. Umiling-iling na lang ako habang dire-diretso ang lakad. Nakita ko naman na ngumiwi si Shiara. Dali-dali siyang sumabay sa paglalakad ko.
Napadaing naman ako dahil sa biglang pagsapak niya sa braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin and vice versa. Walang balak saaming dalawa ang magpatalo. Pero sa huli ay nauwi ito sa tawanan. Haay. Namiss ko ang kabaliwan namin tulad ng dati.
"Pero seriously love, feeling ko konti na lang talaga at magiging kami na. Una ay baka hingin niya sayo ang number ko. Magte-text kami tapos maiinlove siya sa akin tapos magiging mag bf-gf na kami, tapos magpapakasal kami. And Finally, magkaka happy ever after na sa mundong ito." She said dreamily.
Napangiwi ako.
"Adik ka talaga! Mag te-text? Hihingin ang number? If you don't know may naimbento na ngayon na social media. At mukhang planado mo na talaga ang future niyo, ah? Pag narinig siguro yan ni kib na yan, sigurado tatakbuhan ka nun. And lastly, happy ever after? Sus. Neknek mo! Kahit kasal na kayo either divorce or annulment lang ang abot nyong dalawa. Masyado ka nanonood ng fairytales kaya ayan, antaas na ng standards mo. Feeling mo perpekto ang mundo. Well, news flash! Nasa 2017 na tayo. Walang happy ending. Walang forever." mahabang sabi ko.
"Eeew! Bitter alert! Tigilan mo ako. Grabe ka ah. Ang lakas makasira ng imagintation. Minsan nagtataka talaga ako kung bakit nagkaroon ako ng napaka suportive na bestfriend tulad mo." full of sarcasm na wika niya.
Kaya nga meron tayong friends at bestfriends. Sila ang gumigising sa atin sa masakit na katotohanan. Nasabi ko lang naman iyon, kasi ganoon ang opimyon ko sa buhay. Pag ako nagka anak, hinding-hindi ko sila pababasahin ng mga Fairytales na yan. Yung mga Prince at Princess. Malayo kasi iyon sa katotohanan.
I'd rather let them face the harsh reality than to have them hurt by hoping for impossible fairytales.
"Magco-commute tayo?" tanong ko.
"Ano ba sa tingin mo Ms. Expert love adviser but never been inlove? Himala! Mukhang 'di nag fa-function ng maayos yung utak ni Ms. ELANBIL -slash- smarty pants. Yan kasi ang dami mong alam kaya ayan nakalimutan mo na atang nasa earth ka! Kita mo na ngang naglalakad tayo papunta sakayan e."
Napasimangot naman ako sa pinagtatawag nya sa akin. Binelat-an niya ako at ngumising parang unggoy. Yung nakaka-asar. Well played Shiara.
Naka sakay namam agad kami sa jeep. Ilang minuto rin bago kami bumaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/123010146-288-k810271.jpg)
BINABASA MO ANG
Story For My Bestfriend (KnightinBlack's)
Cerita PendekWhat if your bestfriend is inlove with an author who she bearly even knows? And asks you to write a story about them. Just when everything was turning out so well. The most unbelievable thing happened. Tama nga sila, You can't expect everything to...