"Nakita mo ba kanina?! Si Seth at Diana magkasamang pumasok sa school!"
Wow! ang saya naman ng pambungad ng mga kaklase ko kakapasok ko palang. Sina Seth at Diana na agad ang topic.
Shete! Nakaka-bitter!Si Kean Seth Santos, ang kaisa-isa kong crush. Si Diana Reyes, ang pinsan kong mang-aagaw -_-
agad akong umupo at dumukdok sa armchair..
"Mukhang totoo ngang si Seth at Diana na.. Akala ko joke lang eh.. Pero inferness bagay na bagay sila!"
"Tama ka diyan. Ang ganda tas gwapo, Perfect match!---"
"KEEP QUIET! May natutulog dito!" galit na sigaw ko sa mga kaklase kong mga chismosa.
Bastos na kung bastos, bitter na kung bitter, masakit kaya! T-T palit tayo ng pwesto, DALI!
Napatingin ako sa may pinto ng room. Shete ayoko na talaga!
Hinatid lang naman ni Seth si Diana sa room namin.. Ngiting-ngiti pa sila.. pwede na kayong endorser ng close-up. Ngumiti din sa akin si Seth. Yung ngiting sinasabing pakibantayan si Diana. psh.
Iniwas ko na lang ang tingin ko at nagsulat.Shete ang sakit..
hindi ko namalayan, tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko maiwasan na bayolente ko itong pinahiran gamit ang likod ng kamay ko."F-Faith.. Ayos ka lang?"
Huh. Tinanong niya pa. Hindi ba halata?
"Oo. Ayos na AYOS." I answered her in a sarcastic way at idiniin ko pa ang panghuling salita.
Ang manhid nila! Iniwas ko ang tingin ko at saktong dumating ang teacher namin sa first period.
BINABASA MO ANG
Crush Kita
Teen FictionWarning: This is a CLICHE story. But it makes a great story because i'm the author. just kidding :) It's about a 3rd year high school girl who has a crush on our not-so-typical campus hearthrob because he's a nerd. Yes, he wears big glasses, a book...