Isang linggo na ang nakalipas.. Pero as usual, bitter pa rin ako. Masakit eh!
Nasa rooftop ako ngayon at payapang tinitingnan ang buong campus. Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang dalawang taong masayang naglalakad ng sabay. Mas nakikita ko na ngayon ng mas malinaw na bagay nga sila.
Normal lang akong tao. May insecurities din. Ilang araw ko na ring hindi nakakausap ang pinsan ko. Aaminin ko. Namimiss ko na yung pinsan ko, sobra. Pero masyado akong nasaktan eh.
Panahon na siguro..
Kakalimutan ko na si Seth.
Malapit na namang mag-end ang High School life ko dito sa Notre Dame dahil buo na ang desisyon nila mama at papa na hindi ako dito mag-aaral sa Senior High ko. haist.. but it's gonna be okay, right? mas mapapadali ang pagmomove-on.
Napangiti nalang ako ng mapait.
Nang binuo ko na ang desisyon ko ay saka ko na napagdesisyunang bumaba at pumunta sa classroom. Pagkadating na pagkadating ko dun ay kumpleto na ang buong klase. Halatang inaantay nalang ang next subject teacher.
Umupo na ako at napatingin sa tabi ko.. Si Diana..
Nakangiti siya at halatang masaya.. Wala akong karapatang magalit sa kanya at harangan silang dalawa.
"Yanna" pagtawag ko sa nakasanayan kong nickname niya.
"huh?" tumingin siya sakin.
Ngumiti ako ng malapad na ikinagulat naman niya.
"Masaya ako para sa inyo ni Seth. Congrats nga pala.." then I finished those words with a genuine smile.
I'm a good actress and good at hiding emotions. Sigurado ako na malaki ang porsyento na mapapaniwala ko siya sa aking ibinigay na ngiti but I'll doubt that she would accept what I have said. Alam niya na baliw ako sa boyfriend niya tapos after just a few days ay masasabi ko nang masaya ako para sa inyo ni Seth?
huh. And I can also tell if someone is doubting of what i've said or acted to them even without an eye-to-eye contact.pagkatapos ko ding sabihin yun ay dumating na ang Professor namin kaya't hindi na nakapag-react si Diana pero nakita kong umiling siya..
Na nakapagtaka sa akin.
BINABASA MO ANG
Crush Kita
Teen FictionWarning: This is a CLICHE story. But it makes a great story because i'm the author. just kidding :) It's about a 3rd year high school girl who has a crush on our not-so-typical campus hearthrob because he's a nerd. Yes, he wears big glasses, a book...