Chapter Two

18 1 0
                                    

It's already Lunch Time kaya't nandito ako ngayon sa cafeteria.



Kahapon ang last na nakausap ko si Diana. Ewan ko nga kung pag-uusap ba yun.



Napatingin ako sa kabilang table ng cafeteria.



Andun sila. Masayang kumakain.
May balak ba talaga silang ipamukha sa akin na sila na talaga?



Shete. Makaalis na nga!



Agad akong tumakbo papunta sa room. Hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko kaya't pagkaupo ko sa upuan ko ay agad akong dumukmo at umiyak nang umiyak. Sheteng luha..



Alam ko naman kasing wala akong karapatang umiyak at masaktan. Hindi kami. At ang sakit-sakit nun sa parte ko.



TRUTH HURTS nga naman.



Isa lang akong hamak na nagkagusto kay Seth. Haish. Bwisit na buhay nga naman.



Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng nag-uusapan sa likod at isa sa mga boses na iyon ay pagmamay-ari ni Diana. Pagkakataon nga naman..



"Diana, kayo na noh?" pagpapatuloy ni Kaklase1

"Obvious naman eh.. Aminin mo nalang" pagsang-ayon naman ni Kaklase2



"T-Teka! haha. Hindi kami ni Seth" pagtutol naman ni Diana.



"Wag mo nang i-deny, obvious na obvious na eh ayiieeh" pagtutulak naman ni Kaklase1



Tsk. Pahumble pa siya. Wala ngang sinasabing sila na pero base sa kilos nila, hindi ka magdadalawang isip na sila na.



Action speaks louder than Words, right?



"Hindi nga kami. Tinutulungan ko-"



*RIIIIIIIINNNGG RIIIIIIINNNGG*



Time na. Tsk. Tinutulungan? bakit hindi nalang siya magpatulong saken? I mean bakit siya pa marami naman diyang iba diba. Shete -.- umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko.

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon