DISMISSAL
Aalis na sana ako dahil dismissal na at gustong-gusto ko nang umuwi at magpahinga. Nagpaka-plastik na kase ako sa harapan nila. Ngiti ako ng ngiti pero gusto ko na talagang humagulhol sa pag iyak.
Tatayo na sana ako ng hinawakan ni Diana ang braso ko. Napatingin ako kaagad sakanya with a questioning look. Nakangiti lang naman siya.
"Bakit?" pagtatanong ko kung ano ang pakay niya kung kaya't hinawakan niya kaagad ako nung papaalis na sana ako.
"Bukas pumunta ka dito" diretsong sagot niya.
"Eh? Yanna Sabado bukas eh at kakailanganin kong magpahinga"
"Basta! pumunta ka! hahaha.. sorry natatawa lang talaga ako dahil--ahahaha--a-ang to--Bwahahaha!!!" ayun na! tuluyan na nga hong nabaliw ang pinakamamahal kong pinsan! kulang nalang sakanya ngayon ay ang humiga sa sahig at umikot-ikot.
pero ano bang pinagsasasabi niya? nagtataka ako habang nakataas ang kaliwang kilay ko.
Mukhang nabasa niya naman ang ibinibigay kong mukha sa kanya at nagawa na niyang pigilan ang kanyang nakakalokang tawa.
"Haha.. Basta pumunta ka. Good luck ah!"
at dun ay umalis na siya. May naririnig parin akong maliliit na tawa mula sakanya kahit papalayo na siya at unti-unti nang nawawala sa paningin ko.What in the world is wrong with her?
Shete naman.. Nakaka-stress! halos yun lang ang iniisip ko habang pauwi ako. Hindi ko maiwasang mag-isip.
Pupunta kaya ako?
para kasing may parte sakin na sinasabing pumunta..
Dumapa ako sa kama at saka nag-isip.
Hala! anong oras naman ako pupunta dun?tsk gaga.. hindi ko natanong matext na nga lang si Yanna!
Ilang sandali lang ay narinig ko ang pag-beep ng phone ko, hudyat na may mensaheng dumating.
From Yanna Insan
ah. haha 9 a.m nakalimutan ko. Tsk! Grabe pa naman ang na-effort ko. Anyways, Good Night insan! mwa :*
Ay? Ano toh surprise party? Sa pagkakaalala ko Pebrero pa ang kaarawan ko at tandang-tanda yun ng lahat ng kamag-anak ko. Shete nakakaloka. Kung pumunta ako bukas, wala namang mawawala tas tutal baka mabored ako bukas. Bahala na nga bukas nang makatulog na ako ng mahimbing ngayon! ><
BINABASA MO ANG
Crush Kita
Teen FictionWarning: This is a CLICHE story. But it makes a great story because i'm the author. just kidding :) It's about a 3rd year high school girl who has a crush on our not-so-typical campus hearthrob because he's a nerd. Yes, he wears big glasses, a book...