Chapter Five

9 1 0
                                    

MORNING



nag-inat-inat ako.. Yes! Sabado ngayon, walang pasok ang sayaaa!!



ngumiti ako at kinuha ang phone ko habang patuloy pa ring ibine-bend ang katawan ko mula sa pagkakatulog.



I opened my phone and I just stared blankly at the numbers at the screen saying 8:30 A.M


















=_=










⊙_⊙

OH GOD! It's already 8:30 A.M! shete oo nga pala pupunta ako sa school!



agad naman akong tumayo at naligo.. Bwisit naman! Ba't ko nalimutan yun!



Teka nga-- ano nga ba talaga ang gagawin ko dun? tsk nakakacurious. Ang sabi lang naman sakin ni Diana ay ang pumunta ako dun!



Halos liparin ko na yung kwarto ko. Dali-dali akong nagbihis. Jeans, tennis, shirt, at saka blazer.. I looked at myself at the mirror. I look-- UGH! OKAY NA YAN!



sinuklay ko ng mabilis ang buhok ko. Feeling ko nga namanhid na ang anit ko sa sobrang pagmamadali.



Bakit nga ba ako nagmamadali?!



shete! bahala na.
I checked my phone again and Oh My Goodness Gracious! It's 8:51 A.M already!! waahh!



agad akong bumaba at nakasalubong ko naman agad si mama.



"Ma alis muna ako may group project kasi kami at late na late na po ako bye!" sabay mabilis na paghalik sa pisngi ni mama.



Hindi ko na sya hinintay na maghabilin na parang pari sa isang misa at tumakbo na ako sa labas. Narinig kong tinawag pa ako ni mama pero hindi na ako lumingon. Sumakay agad ako ng jeep. Shete, Ba't ako kinakabahan, ano ba talagang meron?!



8:58 A.M.. aish! malelate na ako, nakakakaba.. Hindi naman kase ako nagpapa-late kapag may ganito.. minsanan lang.. bwisit grabe.



Kalma lang Faith.. Makakarating ka din dun.

Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon