PART XIV

3.9K 74 0
                                    

MY EX-BOYFRIEND GOT ME PREGNANT.
.
.
.
.
.
.

Grace Pov.

Pakagising ko wala yung kambal sa tabi ko.
Kaya napabangon ako ng wala sa oras sa higaan.

At lumabas ng kwarto.
Hinanap ko sila. Pati si sic wala? Asan yung tatlong yun?

Tinignan ko kung anong oras na.
Shemay? 9:30 am na? Late na ako ng gising .

Pumunta ako sa kusina, may nakita akong nakapaskil sa may ref.

Love, may binili lang kami ng mga bata, kumaen kana. Tulog mantika ka e. We love you. - Sic and twins.

Napangiti ako sa sulat.
Tinignan ko naman yung pagkaen niluto ni sic.

Napailing iling na lang ako. Pati ba naman itlog hugis puso?
Kaloka!

Pati kanin.
Tas yung ketchup 'iloveyou' nakasulat. Ang korni hahahaha.

Saan naman kaya pumunta yung mga yon?

Bonding ng mag ama. Napangiti ako dahil sa naisip ko.

Pero anong gagawin ko sa bahay na to? Tch. Makapag linis na nga lang.

Nagsimula akong maghugas.
Pagkatapos ko pumunta ako sa sala.

Bago ako maglinis sinalpak ko muna yung cellphone ko sa speaker ni sic.

Playing: SWALLA by jason derulo

Napapasayaw ako dahil sa beat ng kanta, kaya habang naglilinis ako sumasayaw na din ako.

"S-swa lla lla~" Pagsasabay ko.

Umakyat ako sa taas, at duon na naglinis.

Pumasok ako sa kwarto ni sic. Inayos ko lahat ng gamit niya sa loob na nakakalat.

At yung mga libro niya. Kwarto pa ba ito? I mukhang office na to e. May table tas may mga lagayan ng libro.

Merong isang bagay nakaagaw ng pansin ko.

Parang photo album?

Curiosity kills mah men.

Kinuha ko yun at tinignan ko.

"My everything?" Pagbasa ko sa title nung album

Pagbukas agad bumungad sakin yung mukha ko.

"What da eff? Bakit nandito mga picture ko?" Takang tanong ko.

At nilipat ko pa mga pages. Puro mukha ko. Mga stolen pics.

Mukhang luma na yung album.

Nagtaka ako bata palang ako mag litrato niya ako ? Siguro mga 12 years old pa ako nun? Hindi ako nakatingen sa camera pero alam kong ako yun.

Nakita ko yung mga mukha ko, mga stolen lahat, walang nakatingen sa camera.

May nahulog na parang letter sa album kaya agad kong pinulot ata agad kong ding binuksan.

'Walang makakatalo sa bawat pag ngiti mo, Queen Nery. Mahal na mahal kita' -sicwade stalker mo

May nakita ulit akong paper na nakadikit sa album.

Bata palang tayo, mahal na kita pero nagawa kitang ligawan mga 13 pero bata parin.
Ikaw ang firstlove ko. And sisiguraduhin kong last na din.

May isa pang letter sinigurado kong last na to. Pero hindi pa. May isa.

I love you queen nery, unti nalang mapupuno ko na yung album na to. Alam mo ba goal ko? Pag napuno ko to papakasalan na kita.

Binuksan ko yung huling letter.

Love, Please umuwi kana? Hindi ko kasi mabubuo tong album pag wala ka. Parang ako, hindi ako buo pag wala ka. Kaya sana bumalik kana, kasi hindi ko kayang mawala ka saakin sa buhay ko. Kasi ikaw na ang buhay ko love. Alam kong hindi mo mababasa to, pero ito lang yung paraan para malabas ko yung damdamin ko. Mahal na mahal kita. Sabi nila pwede akong mag move on kasi nabuhay daw ako dati na wala ka sa tabi ko, pero para saakin ikaw na ang buhay ko. Kaya please bumalik kana saakin? Maghihintay ako sa pagbalik mo gaano pa katagal. Mahal kita Queen Nery Trivas.
Alam mo bang? Tatlong page nalng ng album mapupuno ko na, pag napuno ko to papakasalan kita. Promise!    -lovingyousecretlySWT

Sic, Gaano mo ako kamahal? Dahil lahat ng nalalaman ko sayo, nagugulat ako lagi. Hindi ko ineexpect na sobrang tagal mo na pala akong gusto.

Pero bakit tayo humantong sa ganto?

Nakarinig ako ng pag park ng kotse kaya inayos ko yung album at lumabas ng kwarto ni sic.

Tumakbo ako ng mabilis at umupo sa sala habang pinipigil yung hingal ko.

"mommmmy" rinig ko sigaw ni fyra.

Pinagbuksan ko sila ng pinto, nakita kong may dala silang pizza coke and DVDs?

Tumakbo si fyra at fynn sa sala

"Anong trip niyo?" Takang tanong ko kay sic.

"Movie marathon Hon" sic said.

Kaya napatingen ako sakanya. Pagtingen ko naman hinalikan niya ako sa labi

Nanghina ako kahit hindi matagal yung halik na yun.

Pagkadampi ng labi niya
Ngumiti siya saakin

"I'm home" sabi ni sic.
At pumunta nadin sa sala.

Para akong tangang sinarado agad yung pinto at tumakbo papunta sa sala.

Nakita kong nakasandal si fynn at fyra sa dibdib ni sic.

Kaya napangiti ako sa itsura nila. Close na close na talaga sila.

Ganto ba nagagawa pag naramdaman mo na yung lukso ng dugo?

Tumabi ako kay fynn , kaya saakin na humiga si fynn.

Kaya magkadikit yung braso namin ni sic.

"Anong papanuorin naten baby?" Tanong ko kay fyra 

"Mommy, beauty and the beast po" sabi ni fyra at plinay yung story.

Bumababa si fynn para kumuha ng pizza.

"Say aahh mommy" sabi ni fynn.

Ito yung gusto ko sa babies ko e ang lalambing sana pag laki nila hindi sila mag bago.

"Aaaah" sabi ko at kumagat sa pizza ni fynn.

"SSaaaay aaaah daddy" napatingen kami ni fynn dahil kay sa sinabi ni fyra.

Selosa talaga tong isang to sabi ko habang napapailing.

"Aaaah" sabi ni sic habang nagpipigil ng tawa.

Pagkakagat ni sic tumingen siya sakin at may binulong.

"Pareho kayong selosa" sabi ni sic at hindi mapigilan ang pag ngiti.

Nek! Nek! Mo! Sabi ko sa isip ko.

Namg magsimula ang movie hindi na umimik yung dalawa. SSeryoso silang nanunuod.

Kaya nanuod nalang din ako.

Nakaramdam ako ng pangangalay ng leeg kaya sumandal ako sa balikat ni sic.

Naramdaman kong natigilan siya.

"Sic, Huminga ka" sabi ko.

At narinig ko yung paghinga niya. Naramdaman ko naman yung kamay na nasa balikat ko.
HHinayaan ko nalang.

Nakaramdam ako ng antok bago ako paka tuluyang hilain ng antok
Narinig ko pa yung sinabi ni sic.

" i love you my grace " sabi ni sic at hinalikan ako sa noo.

At tuloyan naman akong nakatulog ng may ngiti sa labi.

To be continued.

My Ex-Boyfriend Got me Pregnant #Wattys2018Where stories live. Discover now