Chapter 2 ♬ New To Me

19 0 0
                                    

First day of school, medyo kabado ako dahil alam kong alien ako sa lugar na ito, i haven't seen any acquainted person o kabatchmate ko man lang na pwedeng pumasok din dito.

Naglibot-libot muna ako bago ako pumasok sa classroom ko, nakita ko naman sya kanina dahil nasa 2nd floor ng main building ang classroom namin. All 1st year students in Bachelor of Music doon sa 2nd floor ang classroom, maaga naman akong pumasok kaya mahaba pa ang oras ko to familiarize myself sa school na ito.

Malawak ang sakop na lugar ng university na ito, mayroong apat na building na hanggang limang palapag ang taas. Hindi naman mahihirapan ang mga estudyante na umakyat-baba ng building dahil sa kasosyalan ng university na ito,mayroon lang naman syang elevator. Oh diba, san ka pa?Kung titignan mo nga eh parang isang hotel lang naman ito lalo na sa may hallway dahil sa mga nakadisplay na paintings, mga vase at halaman. Nang napunta ako sa gym ng school, namangha talaga ako sa laki at lawak nito, daig lang ang Araneta Coliseum sa laki.

Habang naglalakad na wala pa sa sarili akong napapangiti sa ganda ng university na ito, all the things in this university that I had seen was new to me and it amused me. Excitement and joyfulness ang nararamdan ko ngayon, habang iniisip ko ang mga magagandang bagay pa na mararanasan ko dito. Dahil sa lutang ang akin isip sa pagkamangha hindi ko namalayan ang bulto ng lalaki sa harap ko.

"Ay palakang kokak!" gulat na sambit ko na napahawak pa ako sa dibdib ko. Medyo matangkad sakin yung lalaki kaya napatingala ako. 

"Hi! Ham, how are you?" bati sakin ng kapatid nung batang tinulungan ko nung nakaraan. Wait what is his name again? Buti pa sya tanda niya pangalan ko, nahiya naman ako.

"Eh?" hiyang sabi ko.

"Uhm it's VI." nakangiti na namang banggit niya sa akin. Maybe he notice ang pagkunot ng noo ko at di ko masabi ang pangalan niya.

"Oh hello VI!" may pagkapilit na ngiting bati ko din. Oh how I wish di niya mapansin."Im fine, doing great sa paglilibot ko dito sa university."

"Good to hear. Congratulations! Im happy to see you here."

"Thanks. And thank you din uli sa pag-assist sakin last time nung exam." I said while smiling. Mukang si VI ang unang magiging kaibigan ko dito, magaan na ang loob ko sakanya lalo na ang mga ngiting pinapakita niya sakin, nararamdaman kong mabait at masayahin syang tao.

"Welcome!" Lumapit pa sya sakin at tumabi sa gilid ko pagkasabi nun.

"By the way Ham, what course mo?" dugtong na tanong niya na sumasabay na sakin sa paglakad.

"Ahm Music!" I said calmly and continue walking towards the main building. Papunta na ko sa classroom ko, coz God! Napagod ako sa paglalakad so I think I need to rest.

Hindi ako tumitingin kay VI, at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Really? Pareho tau! What section are you?" VI seems so much excited after hearing what I had said.

"Music 1-2." I just said.

"Oh it seems like we're classmate Ham! hehe" tumingin ako kay VI, and I had seen a face of a very amused and excited man. What's with this guy? masyado syang natutuwa.

"Nice! Mukang hindi na ata ako loner dito, finally my kakilala na ko". tipid na ngiti ko while saying this to him and I ask him if can we be friends. VI agreed with very amuse look in his face again na parang batang binigyan ng bagong laruan. Really, what's with him? Napapailing na lang ako while walking with him and papunta na kami ngayon sa classroom namin.

Stupid LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon