"Hmn sweetie, tomorrow is your day. Anong gusto mo regalo galing kay Mommy? Nakangiting tanong ng Mommy Divine niya kay Yvonne.
Napangiti siya sa tanong ng kanyang mommy.
"I want Daddy's presence on my birthday, Mommy."
Biglang nag iba ang expression ng kanyang Mommy.
"Let's see, baby. But I'll do my best, okay?" Nakangiting sagot sa kanya nito.
Wala pa kasi siyang naaalalang birthday niya na nandoon ang kanyang Papa. Nataon kase na ang busiest month sa kompanyang pag mamay-ari ng kanilang pamilya ay pasok ang kanyang birthday.
Kinuha ng mommy niya ang phone para tawagan ang Daddy niya.
"Hon?.. It's about Yvonne. She's requesting about your presence in her birthday... Oh.. Is that so??"
Bumuntong-hininga ang mommy niya.
"... Okay I'll tell her... Bye. I love you."
Alam na niya ang sagot nito. Siguradong hindi nanaman ito makakapunta.
"Wag ka nang malungkot, anak. I'll make sure na magiging special ang birthday mo kahit na ako lang ang present."
Ngumiti nalang siya sa sinabi ng mommy niya.
*
"Happy birthday to you...."
Sabay sabay na nagkantahan ang mga bisita sa araw ng birthday ni Yvonne.
"Oh, blow your candle na anak. Make a
wish!" Sabi sa kanya ng kanyang Mommy.
Sana sa susunod kong birthday, nandiyan na si Daddy. Then she blew the candle.
Habang kumakain ang mga bisita ay binulungan siya ng kanyang Mommy.
"You wanna see your gifts? Andun na sila sa kwarto mo."
She wasn't excited at all. Every year kase ay nakakatanggap na siya ng gifts. Pero pagdating nila sa kanyang kwarto, something catch her attention. It is a red velvet box with a card attached on it. Agad agad niyang kinuha ito.Dear My Princess,
I'm sorry if I can't make it today. But i have something for you. Lagi mong isuot ito, anak. With these, araw araw mong maaalala na mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. Happy 8th birthday, anak. I love you."With Love,
DaddyNapangiti siya sa regalo ng kanyang dad. Isa iyong Diamond necklace. Niyakap niya ito.
"Osige, anak. Stay here muna ha? Aasikasuhin ko lang yung mga bisita. I love you, anak." Hinalikan siya nito sa pisngi.
Pagkalipas ng ilang minuto, biglang dumating ang pinsan niyang si Kate.
"Wow, andami mong regalo!"
Ngumiti siya sa pinsan.
"Gusto mo ba bigyan kita? Tutal madami naman yan.
Kuminang ang mga mata nito. "Talaga?"
Lumibot ang mga paningin nito at tumigil sa hawak niyang box.
"I want that."
Napatingin siya sa tinititigan nito.
"Kate.."
"Oh ano? Diba sabi mo bibigyan mo ako?"
"Pero Kate.."
Nagtaas ito ng kilay.
"Sabihin mo, maramot ka. Akin na nga yan!"
Hinablot nito ang box sa kanya.
"No, Kate..."
Sa pag aagawan nila ay biglang bumagsak sa sahig si Kate.
"Aray!" Sigaw nito.
Narinig naman ito ng Mama ni Kate at dali daling tumakbo upang saklolohan ang anak.
Nakita nitong nakaupo sa sahig ang anak.
Bigla nitong tinitigan ng masama si Yvonne. Sinampal nito at sinabunutan ang bata.
"Walang hiya kang bata. Sutil! How dare you hurt my daughter!"
"Aray, Tita Minerva! Nasasaktan po ako.."
"Yan ang dapat sayong bata ka."
Binitawan na siya nito subalit dinuro siya nito.
"Subukan mong magsumbong sa Mommy't Daddy mo, di lang yan aabutin mo sa akin."
"H-hindi naman po ako.. mag..magsusumbong" Sagot ni Yvonne sa pagitan ng pag-iyak.
"Dapat lang." Nakangisi naman si Kate na nakatingin sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minutong paglisan ng mag-ina ay dumating ang kanyang Mommy.
"Oh anak, why are you crying?" Niyakap siya nito.
Pinahid niya ang mga luha.
"This is nothing, Mommy. I was just happy with Dad's gift."
"Oh, anak..."