Chapter 4: Claire

27 1 0
                                    

"Two multiply by four is equals to eight."
Kasalukuyang nagkaklase sina Claire. Kanina pa siya bagot na bagot. Gusto na niyang umuwi dahil sigurado siyang nag uumpisa na ang kanyang pinapanuod na cartoons. Subalit mukhang walang balak ang teacher niya na pauwiin sila ng maaga.
"Okay, children. Isulat nyo nalang ang mga ito sa notebook then after ay pwede na kayong umuwi, okay?"
Naligayahan siya. Sa wakas.
Magsusulat na sana siya ng napansin niyang nawawala ang pencil case niya. Imposible siyang magkamali. Alam niyang dito lang niya nilagay sa desk niya ang pencil case na iyon. Napansin niyang hindi mapakali ang katabi niyang si Hilary.
  Hinarap niya ito.
  "Open your bag."
   Nagulat naman ito.
   "Ha?"
   "I said, open your bag."
   "Ayoko."
   "Bakit ayaw mo?"
   "Sabi kong ayoko e."
   "Sige, ako na gagawa."
   At nag agawan sila sa bag nito.
   "Ayoko sabi e."
   Naiinis na siya. Pinaka ayaw niya ay iyong inaagawan siya ng gamit.
   Tinulak niya ito at nabuksan niya ang bag. Hindi nga siya nagkakamali. Andun ang pencil case niya.
   "What's happening out there, Claire and Hillary?"
   Umiiyak na sumagot si Hillary.
   "Si Claire po kase. Inagaw po niya yung bag ko."
   Hinarap siya ng kanyang teacher.
   "Claire?"
   Sumagot naman siya agad. "She stole my pencil case. Nandito o."
   "Is it true, Hillary?"
    Yumuko ito.
   "Okay, mamaya kayong dalawa, maiwan kayo dito ha? Gusto kong makausap ang mga parents nyo maliwanag ba yon?"
    Tinignan niya ng masama si Hillary. Dahil dito ay malelate sila ng uwi.

-

   "Anak naman, sana ay nagsumbong ka nalang sa teacher mo. Bat mo pa pinwersa si Hillary?"
    She rolled her eyes. "Mama, that pencil case is mine. Wala ba siyang pambili?"
    "Mabibilhan naman kita ng maraming ganon, anak e."
     "Basta ma, what mine is mine."
     Napabuntong hininga na lamang ang mama niya.
     Simula ng mamatay ang asawa niyang si Ferdinand ay ipinangako niyang aalagaan niya ito. Ibibigay niya ang lahat ng gusto nito mapasaya lang ang kanyang anak.
    Biglang nag ring ang cellphone niya.
    Napansin ni Claire na biglang nagbago ang aura ng kanyang mama. Bigla itong namutla.
    "Mama, are you alright?"
    "Sumakay ka na sa kotse, Claire. We need to go home, now."
     Clueless pero sumunod nalang siya sa sinabi ng kanyang mama.

-

Napakabilis ng pangyayari. Parang kanina lang ay nakasakay siya sa kanilang kotse, pero ngayon ay wala na. Kinuha na ito sa kanila.
Pati na din sa bahay na tinirhan nila, pinaaalis na sila.
"Sir naman, magbabayad naman ho kami. Kaunting extensions lang, Mr. Guia. Pangako, magbabayad kami."
"Pasensya na, Mrs. Castillo pero nabigay na namin lahat sa inyo ang extensions na hinihingi nyo. We have given you two months yet wala paring nangyayare. That's why the bank decided na kunin nalang sa inyo ang mga properties nyo.
Base sa narinig niya ay parang alam na niya ang nangyayare. Bago mamatay ang tatay niya ay nag undergo ito ng napakaraming treatment. Kasabay nito ang napakaraming ginastos nila para dito. Nagkasakit kase ito ng cancer at ginawa nila ang lahat lahat para mailigtas ito. Pero makalipas lang ang anim na buwan, hindi na rin nito kinaya at iniwan na sila. Her father was so dear to her. Lahat ng gusto niya ay sinusunod nito, sabi nga nito, kaisa isang anak siya kaya ibibigay nito lahat ng gusto niya.
    Wala na rin silang nagawang mag-ina at matapos ang ilang oras ay pareho silang nakatanga ng kanyang mama.
    Niyakap siya nito habang umiiyak.
    "As of now, anak. Sa Tito Johny mo muna tayo titira." Ito ay ang kapatid ng kanyang ama. "Nakausap ko na siya."
    Inisip niya kung papaano na sila bukas. Their house, car at lahat lahat. Wala na. They are now poor. Mahirap pa sa dagang kinatatakutan niya.

JewelsWhere stories live. Discover now