Chapter 2: Denise

29 1 0
                                    

  Paano nga ba nagiging mayaman ang isang tao? Sabi nang tatay niya, tanging sipag at tiyaga lamang daw ang kailangan upang maging mayaman. Kung ganon, sadya bang tamad ang kanyang nanay at tatay kaya sila hirap ngayon? Kasalukuyang nakatanod sa pintuan ng kanilang bahay si Denise. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang tatay galing trabaho. Nakikita niya ang mga bata sa daan na nagtatakbuhan at naghaharutan. Napakadungis ng mga ito at nanlilimahid sa dumi. Naisip niyang kahit na pare-pareho silang mahihirap na nakatira dito sa kanilang lugar ay hindi naman siya ganoon karumi.
     Natanawan na niya ang kanyang tatay na parating kaya patakbo siyang lumapit dito.
     "Tatay!" Kinarga naman siya ng kanyang tatay.
     "Hmn. Miss na miss ko na tong anak ko na to.
      Napatingin si Denise sa hawak nitong supot.
      Ngumiti naman ang kanyang ama. "Akala mo ba makakalimutan ko yung pasalubong ko sayo? Hindi no."
      Agad naman itong kinuha ni Denise at ngumiting nagpasalamat sa tatay.

-

    "Aba at talagang binilhan mo pa yang anak mo. Pambayad nga ng kuryente at tubig wala kang maibigay sa akin." Sabad ng nanay niya sa pagtatawanan ng mag-ama.
    "Dolores naman. Maliit na bagay lamang to. Gusto ko lang pasayahin yung anak natin."
     "Ayan. Kaya lumalaking spoiled yang anak mo. Binibigay mo lahat tapos nyan magpapabuntis lang yan paglaki sa kung kaninong lalaki dyan sa kanto katulad ng--"
     Tinignan ng masama ng kanyang ama ang kanyang nanay.
      "Magtigil ka, Dolores."
      Siya naman ang binalingan ng ama. "Mabuti pa anak, matulog ka nang maaga para bukas, bago ako umalis ay maratnan mo pa ako ha?"
      "Opo, tay."
      "Goodnight, anak."
      "Goodnight, tay."

-

     Kasalukuyang nakaupo si Denise habang isa isang nilalabas ang kanyang mga notebook sa bag.
     "Mabuting pang Sabado palang, tapusin ko na ang mga assignments ko, para bukas, makasama ako kay Tatay sa bukid."
     Makalipas ang ilang minuto ay siyang dating naman ng kanyang nanay.
     "Hoy, Denise. Mag-ipon ka na ng tubig don."
     "Opo, nay. Pero pwede ko po ba munang tapusin ito? Malapit na po kasi.."
     Nagtaas ng boses ang kanyang nanay.
     "Anong sandali?! Palamunin ka nalang ngang bata ka dito sa bahay na ito e tatamad tamad ka pa!"
     Bigla itong lumapit sa kanya at kinuha ang kanyang notebook na pinagsusulatan.
     "Nay!"
      Sinubukan niyang kuhanin ang notebook. Alam niyang mayroong di magandang gagawin ang kanyang nanay.
     "Eto ba yung pinagkakaabalahan mo? Hmn. Assignment pala. Sino ba kasi ang nagsabi sayong mag aral ka ha? Wala ka na ngang silbi, dagdag ka pa sa gastusin!"
     Pumunta ang nanay niya sa lutuan at agad agad siyang sumunod.
     "Nay, akin na po iyan!"
     Agad agad na itinapon sa kalan ng kanyang nanay ang notebook niya.
     "Nay, wag!"
     Sinampal naman siya agad nito.
     "Tandaan mo ha? Wag na wag mo akong ginagalit na bata ka?! Wala kang pakinabang! Wala kang silbi.
     Eksakto namang pagpasok ng kanyang tatay sa bahay. Agad siya nitong nilapitan at sinaklolohan.
     "Dolores, ano ba yan?!"
     "Yang batang yan! Napakatamad at marunong ng magdahilan!"
      "Dahil don sasaktan mo na yung bata?"
      "Bakit nga ba hindi, ha Dante? Kanino pa ba magmamana ang batang yan kundi.."
      "Magtigil ka na, Dolores at baka hindi kita matantiya." Tinignan ito ng masama ng kanyang tatay.
      "Sige! Kampihan mo yang batang yan! Magsama nga kayo dyan!"
       Iniwan na sila ng kanyang nanay.
      "Ayos ka lang ba, anak?"
      Tumango tango naman siya.
      "'Tay, yung notebook ko po."
      Sinubukang kuhanin ng kanyang ama ang notebook niya subalit kalahati nito ay sunog na.
      "Tay bat ganon ho si nanay?"
       Pinunas nito ang mga luha sa kanyang pisngi. "Siguro anak ay dahil walang pera o pagod lang ang nanay mo. Wag kang mag-alala, sigurado akong bukas ay okay na din ang nanay mo."
       Hindi siya naniniwala. Wala siyang naaalalang minahal siya ng kanyang ina simula nung siya ay ipinanganak. At hindi na rin siya aasa na magbabago pa ito.
   

JewelsWhere stories live. Discover now