8 years later...
"We really need to check out Julian Hernandez. According sa pag-iistalk ko ha? Dito daw siya papasok. Sobrang excited na ako mameet siya."
"Seriously?!" Gulat na sagot ng kausap ng babaeng nasa likuran ni Denise.
Halos hindi na niya marinig ang usapan ng mga ito dahil na rin sa kaba niya. Ngayon lang siya nakapasok sa pribadong paaralan. Nang makatanggap kase siya ng scholarship sa foundation, agad agad siyang inilipat nang kanyang tatay sa St. Therese University. Kinakabahan siya na baka may magawa siyang mali at matahin siya ng mga ito. Mukha pa namang mayaman ang mga ito.
"Hi. Meron na bang nakaupo sa tabi mo?" Tanong ng isang babae na maganda.
Umiling siya.
"Dito na lang ako uupo ha?"
Tumango siya.
Umupo ito sa tabi niya at makalipas ang ilang sandali ay hinarap siya nito.
"Hi. Ako nga pala si Yvonne. Wala ka bang kakilala rito?"
Napansin niya ang pagiging friendly nito kaya napag pasyahan niyang maging palagay na ring makipag usap dito.
"Wala e. Ikaw ba?"
"Meron. Pero she has some friends kaya mag-isa ako. There she is."
Napatingin siya si itinuro nito.
"That's Kate. Pinsan ko."
"Ahh." Sagot niya.
"Mamaya bang lunch, may kasama kang kumain?"
"Wala e." Gusto man niyang ayain ito pero nahihiya siya dahil alam niyang hindi pagkain pang mayaman ang pinabaon sa kanya nang kanyang tatay. Atsaka baka sa labas ito kumain at hindi nagbabaon tulad niya.
"Sige, pwede bang samahan nalang kita? Wala din kase akong kasama e. Sabi ni Kate, sa bahay daw ng kaibigan niya siya kakain. So surely, mag-isa lang ako."
Nag-aalangan siyang tumango.
"Wag kang mahihiya sa akin ha? Ganito lang talaga ako. Madaldal pero mabait ako. Di ako nangangain ng tao." Humagikgik ito.
Natawa siya.
"Oo na. Hindi na ako mahihiya sa iyo. Mahirap lang kase ako kaya nahihiya akong makisama sa inyong mayayaman."
Napakunot ang noo nito.
"Alam mo, walang masama sa pagiging mahirap. Ang masama, ipinanganak ka nang mahirap tapos mamatay ka na mahirap parin."
Oo nga, tama nga naman ito.
-"Haynako, late na late na talaga ako."
Sa sobrang ka-adik-an ni Dorothy sa Koreanovela ay halos hindi niya napansin na alas-dos na nang madaling araw ay hindi pa siya natutulog. Napansin nalang niya na nakadukmo siya sa kanyang laptop, gulong gulo ang buhok at pagtingin niya sa orasan na nasa laptop niya ay pasado alas siyete na nang umaga. Dali dali niyang sinuot ang salamin at nag-ayos siya papuntang banyo.
Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya sa baba. Nadatnan niya si Yaya Doring.
"Oh anak, gising ka na pala."
"Yaya naman. Bat hindi mo ako ginising ng maaga."
"Aba't yan na nga ba ang sinasabi ko sayong bata ka e. Sa kakanuod mo ng Koreanovela e siguradong napuyat ka nananaman."
Dali-dali pumunta ng pintuan si Dorothy.
"Hindi ka man lang mag-almusal, Dorothy!"
"Nay, late na ako."
"Magtigil ka. Kumain ka."
"Pero 'nay.."
"Kumain ka."
Pinal ang boses nito kaya alam na alam niyang kailangan niyang sundin ito.
Napabuntong-hininga siya at napilitang umupo sa lamesa.
"Ang breakfast ang pinakamahalagang meal. Kailangan mo yan sa buong araw."
Matapos niyang kumain ay inabot nito sa kanya ang kanyang baon.
"Where's mom?" Tanong niya.
"Hindi ko alam, anak. Nag-iwan lang dito nang pang grocery at nang pang baon mo.
"What's new?" She smiled sarcastically.
Hindi nakakibo ang yaya niya.
"Sige na, nay. Mauna na 'ho ako."
"Osige, anak. Mag-iingat ka ha?"
Niyakap niya ito. "Opo 'nay."
Pagdating niya sa skwelahan ay dali dali siyang pumasok sa room na kung siya nakatoka.
10-St. Jude
Pagpasok niya ay napansin niyang halos lahat ay nakatingin sa kanya.
Nilibot ng kanyang paningin ang buong classroom at tinignan niya kung may bakante pang upuan pero napansin niyang wala na.
Ang teacher ng mga ito ang bumasag sa katahimikan.
"Yes? Are you suppose to be here, miss?"
Kinalkal niya sa bag niya ang schedule niya at chineck niya ulit ang kanyang section.
Grade 10-St. Peter
Patay.
-
Iritang irita si Claire sa unang araw ng klase.
Paano ba naman ay kulang na kulang ang baon na perang ibinigay sa kanya ng kanyang Mommy. Sabi nalang nito ay dadagdagan nito ang baon niya bukas dahil wala pa daw masyadong benta sa palengke sa araw na iyon. May pwesto ang kanyang nanay sa palengke at nagtitinda ito ng karne. Pagpasok niya sa gate ay binati siya ng guard.
"Goodmorning."
Nagtaas siya ng kilay. "What's good in the morning?"
Napamaang ang guard.
Dumirediretso na siya patungo sa corridor.
Napansin niyang halos wala nang tao sa corridor. Napatingin siya sa orasan. 7:40 na nang umaga. Malamang ay nagkaklasi na ang sila. Late na siya pero wala siyang pakialam. Masyado siyang badtrip para isipin pa iyon.
"Sige na o. Late na ako. Bigay niyo na sa akin yang salamin ko."
Napansin niya ang dalawang lalakeng tumatawa at isang babaeng pilit kinukuha ang salamin sa isa sa mga lalaki.
"Siguro type mo ang isa sa amin kaya kunwari ay mali ka nang classroom na napasukan."
"Feeling nyo naman. Akin na nga yan."
"Ibigay mo muna samin ang number mo."
"Ayoko. Bakit ko naman ibibigay sa inyo ang number ko?"
"In exchange for your glasses."
"Both things that you are asking for, is her property. Kaya who are you to offer her such a deal?" Sabad ni Claire. Alam kase niyang pinagtitripan nang dalawang lalaki ang babae.
Nahiya naman ang dalawang lalake at binalik dito ang salamin nito.
Pagkasuot nito sa salamin ay agad agad siyang nilapitan nito at nagpasalamat. Tumango naman siya bilang tugon dito.
"You shouldn't let those people bully you.
You have any rights para lumaban."
Ngumiti naman ito.
"Ako nga pala si Dorothy. Salamat ulit."
Inoffer niya ang kamay niya rito. Pero tinignan lang ito ni Claire.
"I'm Claire. I'm sorry I have to go. Sobrang late na ako."
"Ako din. San ba ang classroom mo?"
"Grade 10- St. Peter"
"Classmate pala kita. Tara na sabay na ako sayo."
Sabay na silang nagtungo sa kanilang classroom.