Chapter 3: Dorothy

24 1 0
                                    

"Aray!" Bumagsak sa lupa ang maliit na katawan ni Dorothy. Tinulak siya ng kanyang kalaro.
"Ano ba yan? Napakalampa mo naman. Kung ganyan ka ng ganyan, hindi ka na namin gustong kalaro!" At nagsialisan na ang kanyang mga kalaro.
Naiyak naman siya. Bakit parang lahat nalang e ayaw sa kanya?
Napansin siya ng kanyang Yaya Doring na nasa lupa kaya madali itong tumakbo upang saklolohan siya.
"Anak, ayos ka lang ba?"
Tumango naman siya.
"Malilintikan sakin yung mga kalaro mo na yon sakin bukas. Aba'y kababata bata'y napakasalbahe."
"Hayaan mo na, Nay. Kasalanan ko din naman e, napakalampa ko."
Napameywang naman ito. Aba kahit na ba! Hindi iyon sapat para saktan ka nila. Tinignan siya nito ng may awa sa mata.
"Mabuti pa ay umuwi na tayo at nang makakain ka na din. Aba'y mag aalasdose na pala."
Bigla namang binaha ng ligaya ang puso niya. Balita niya kase ay ngayon ang uwi ng Daddy niya galing Amerika. Matagal tagal din itong nawala dahil busy daw ito sa trabaho doon.
Sobrang excited na sumakay siya sa kotse.

-

Pagdating nila sa bahay ay excited na bumaba ang kanyang alaga sa kotse. Napailing nalang siya.
Sadyang naaawa talaga siya sa kanyang alaga. Nag-iisang anak lamang ito dahil nagkaroon ng sakit sa matris si Gracia, ang nanay nito. Dati pa ay sa kanya na malapit ang loob ng bata dahil na din sa palagiang wala sa bahay ang mommy at daddy nito.
Tinawag niya si Kaloy, ang driver.
"Ipasok mo na yang gamit ni Dorothy sa loob at dito nako sa likod dadaan. Oras na at hindi pa ako nakakapag luto ng pananghalian."
Tumango naman ito.
Pagpasok niya sa kusina ay nakarinig siya ng malalakas na sigawan mula sa sala.
Ang kanyang alaga!
Dali-dali siyang tumakbo sa sala
Nasaksihan niya ang eksena na bumababa ng hagdanan si Nestor, ang tatay ni Dorothy, at nakasunod naman si Gracia.
"Nestor, wag mo naman kaming iwan ng anak mo. Gagawa ako ng paraan. Pero wag mo naman sana gawin to sa amin!"
"Hindi, Gracia. Nakapagdesisyon na ako. Aalis ako at magsasama na kami ni Margarita. Buntis siya, at lalaki yon. Matutupad na rin sa wakas ang pangarap ko.
"Please, Nestor!" Niyakap nito ang asawa.
Umiiyak naman si Dorothy at hindi ito pinapansin ng dalawa, parang hangin lang para sa mga ito ang bata.
Biglang kumalas si Nestor sa pagkakayakap ni Gracia.
Kahit na magmakaawa pa si Gracia ay hindi na nila ito mapigilan.

-

Dahang dahang kumatok si Dorothy si kwarto ng kanyang mommy. Ng walang sumagot at mapansin niyang nakabukas naman ito ay pumasok na siya.
"Mommy?"
Napakadilim ng kwarto nito. Nakaupo ito sa gilid ng kama at umiinom ng isang bote ng wine.
Agad siyang lumapit dito.
"Anong kailangan mo?"
"Mommy, nagtatanong na po kase si teacher sa school kung bakit ilang PTA meeting na po ang dumaan pero wala pa pong akong parents na nag attend."
"Lumabas ka na."
"Pero, Mommy.."
Biglang nitong binasag ang bote ng wine na hawak nito.
"Bingi ka ba? Diba sabi ko lumabas ka na?!"
Umiyak ng umiyak si Dorothy.
"Wala nang mag aattend sayo dahil simula ngayon wala ka nang Mommy! Dahil sayo ay iniwan ako ni Nestor. Dahil sayo!"
Dumating naman si Yaya Doring upang saklolohan siya.
"Wag mo naman pagsabihan ng ganyan ang anak mo, Gracia."
"Ilabas mo na siya, Nay Doring at baka hindi ko pa yan matantiya."
Dali dali naman siyang inaya nito palabas sa kwarto.
"Yaya, bakit ganon? Lahat nalang sila ayaw sa akin. Wala na bang nagmamahal sa akin?"
Ngumiti naman ito. "Wag mong iisipin yan, anak. Ako, nandito ako. Hinding hindi kita iiwan."
Agad naman niyang niyakap ito.

JewelsWhere stories live. Discover now