Simula

324 16 0
                                    



"Cha, please wake up. Please.. wag mo kaming iwan ng anak mo. Gumising ka."








"Glaiza... please... wake up. Kailangan kita. Mahal na mahal kita."











"Cha? Chaaaaaaaaa. Wag mo kaming iwan....."











/






"Marx....."






"Sino ka? Nasaan ka?"






"Bakit ka tumatangis riyan? Kung pwede ka naman gumawa ng paraan para magising ang asawa mo?"






"Naguguluhan ako. Anong sinasabi mo? Sino ka ba? Nasaan ka? Bakit hindi ka magpakita sakin?"






"Nandito ako para tulungan kang maibalik ang taong minamahal mo."




"Paano?"




"Handa ka bang gawin ang lahat para maibalik sya?"




"Oo. Oo! Bumalik lang sya sakin."





"Kahit kapalit nito ay bumalik kayo sa umpisa?"





"Anong ibig mong sabihin?"






"Gumising ka.. at muli mong masisilayan ang iyong minamahal....."






"Sandaliii... sino ka?"






--








"Marx? Gumising ka na dyan."



Dumilat si Marx at dahan-dahang lumingon sa paligid nito.



"Gumising ka na mahal. Baka ma-late ka na sa trabaho mo. Masermunan ka na naman ng boss mo."



Laking pagtataka nya ng makita nya ang asawa nya na nasa tabi nito.




"B-buhay ka?" Takang tanong ni Marx sabay bangon nya at umupo ng maayos. Hinawakan nya sa magkabilang pisngi ang asawa. "Buhay ka Cha! Nananaginip lang ako."




"Hahaha. Ano ba yang sinasabi mo Mahal. Buhay ako. Panaginip lang yan. Tumayo ka na dyan at hinihintay ka na din ni Sev sa baba. Ihahatid mo pa sya sa school." Tumayo si Glaiza at hinalikan nya sa noo ang asawa nito. "Sumunod ka na sa baba ha."




"Oo. Susunod ako."




Tumayo si Marx at sinundan si Glaiza pababa sa sala nila. Pinagmasdan nya ang asawa habang inaasikaso ang anak nila. Napangiti sya. Totoo ngang buhay ang asawa at panaginip lang ang nangyaring trahedya dito.




Tumingala si Marx. "Kung sino ka mang kumausap sakin sa panaginip ko. Salamat sayo at binalik mo ang asawa ko."





//





Marx's POV





Matapos kong magbihis. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Naabutan ko ang anak namin ni Glaiza na si Sev na nanunuod.




Napahinto ako... sumakit bigla ang ulo ko. Bakit parang nangyari na 'to? Bakit parang naulit lang ang mga ito? Parang nakita ko ng ganito ang ayos ni Sev. Pero di ko maalala.



ChancesWhere stories live. Discover now