Nasa isang fast food chain kami ngayon nila Rocco, Ruru, Gabbi, Sanya at Glaiza. Nagkayayaan kasi silang kumain na ng dinner sa labas. Hindi sana ako sasama pero nung nalaman kong kasama si Glaiza, hindi na ako nagdalawang isip pa. Inasar pa ako nila Rocco at Ruru na ang lakas sakin ni Glaiza. Kung alam lang nila kung bakit. Or kahit siguro sabihin ko hindi naman sila maniniwala sakin.Nasa counter kami ngayon nila Rocco at Ruru. Kami na ang nagsuggest na oorder for girls.
"Teka, natanong nyo na ba kung anong gusto ni Glaiza?" Tanong samin ni Ruru.
Napangiti ako. Naalala ko ang lagi nyang kinakain noon sa mga gantong kainan.
"No need. Ako ng bahala sa food nya." Sagot ko sabay tingin sa direksyon nila Glaiza na ngayon ay nagtatawanan.
Naramdaman ko nalang ang pag-akbay sakin ni Rocco. "Iba rin ang tama mo sakanya no?"
"Iba talaga." Nangingiting sagot ko sakanya habang pinagmamasdan pa din si Glaiza.
Seeing her like this is gave me a hope na magbabalik din sya sakin one day. Babalik din sakin ang asawa ko at anak kong si Sev. Hindi man ngayon but someday. I know.. ramdam ko yun.
Pagbalik namin sa table, dala na namin ang mga pagkaing inorder namin. Una kong nilapag yung food na inorder ko for my wife.. este kay Glaiza pala. Nasanay na ata akong tawagin syang asawa ko.
Nilapag ko sa harap nya yung spaghetti with fried chicken at fries and sundae. Ito ang madalas nyang kainin noon tuwing mag-aaya syang kakain sa fastfood chain. Sana lang ngayon, ganun pa din.
"Wow.. paano mo nalaman yung gusto kong kainin?" Nakangiti nyang tanong sabay tingin sakin.
Hindi ako agad nakasagot. Nakatingin lang ako sakanya. Pero muli akong natauhan ng tapikin ako ni Rocco sa balikat.
"Ano? Tulala, tsong? Hindi alam ang sasabihin?"
"Ano.. ahmf.. nahulaan ko lang." Alibi ko na sana paniwalaan nya. Kahit naman sabihin ko sakanya kung paano ko nalaman eh hindi maniniwala si Glaiza. Sa tamang panahon.. malalaman din nya ang lahat.
"Thank you Marx. Tingin ko magkakasundo tayong dalawa."
Ngumiti si Glaiza ng pagkatamis kaya pati puso ko napangiti din. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ako hindi ko maiwasanag hindi mapatingin sa asawa ko. Sa ngayon kuntento na ako sa ganito naming dalawa. Nag-uusap at nagkakasama. Masaya akong makita syang masaya at nakangiti. Gagawin ko naman ang lahat bumalik lang sya sakin eh.
After namin kumain, hinatid na nung dalawa sila Sanya at Gabbi. Naiwan kaming dalawa ni Glaiza. I don't know how to act normal infront of her. Gusto kong hawakan ang kamay nya. Gusto ko syang yakapin but I can't.
Naglakad kaming dalawa papuntang sakayan nya. I insist na ihatid sya pero tinanggihan nya ang alok ko. Hindi ko nalang sya pinilit pero ininsist ko pa din na ihatid sya hanggang sakayan. Pumayag naman sya agad at hindi na ako tinanggihan pa. Lahat ng nangyayari samin ngayon, lahat to pakiramdam ko nangyari na.. lahat to tama. Lahat to alam ko kung saan papunta. And I can't wait the day na magiging isa ulit kaming dalawa.
Tatawid na sana kaming dalawa pero napahinto ako ng mapansin kong natanggal sa pagkakabuhol yung sintas ko. Pero napansin ko yung pusang puti na nasa kabilang lane at nakatingin sakin. Napansin ko din si Glaiza na dire-diretso sa pagtawid at may paparating na kotse. Kaya mabilis akong tumakbo sakanya at hinatak sya sakin. Halos kumawala ang puso ko ng muntikan na syang masagasaan ng kotse.
***
Glaiza's POV
Hind ko agad napansin yung kotse na paparating. Hindi ko din namalayan ang panandaliang paghinto ni Marx. Nawala kasi ako sa sarili ng mapansin ko yung puting pusa na parang nakatingin sakin at tila nakangiti pa. Hindi ko maintindihan pero nakuha nya talaga ang atensyon ko. Natauhan nalang ako ng biglang magliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng kotse at ang paghila sakin ni Marx.
Napayakap ako sakanya at ganun din sya sakin. Naramdaman ko yung mahigpit nyang yakap sakin. Pati yung pagtibok ng puso nya naririnig ko sa sobrang lakas.
Unti-unting bumitaw si Marx sa pagkakayakap sakin. Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at nakita ko sa mga maya nya yung takot at pag-aalala para sakin.
"Please huwag mo na akong iiwan ulit." Sabi nya ng halos bulong nalang. Nakita ko yung pagpatak ng luha nya. "Please.."
Hindi ko man maintindihan yung sinasabi nya.. napatango nalang ako. Ano bang nangyayari kay Marx? Bakit takot na takot syang mawala ako?
Naramdaman ko nalang ulit yung pagyakap nya sakin ng mahigpit. With his hugs? I feel safe. Ramdam kong ligtas ako sa lahat ng oras. Iba ang nararamdaman ko sa mga titig nya at yakap sakin. I don't know pero pakiramdam ko.. nangyari na ang lahat ito. Parang nangyari na ang lahat. Hindi ko maintindihan ang mga pictures na pumapasok sa isip ko. Pinikit ko nalang ang mata ko. Pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Pagkauwi ko sa bahay. Naabutan ko pa si Edel na nanunuod ng tv. Tumabi ako sakanya at sumandal. I need someone to lean on and I think I made a right choice na kay Edel ako sumandal. Sa dami ng nangyari ngayong araw parang hindi ko na kakayanin pang madagdagan pa yun ng kung ano pang pwede kong maisip pag mag-isa lang ako.
Sinamahan ko nalang syang manuod ngayon ng mga teleserye. After namin manuod, umakyat na kami sa kanya-kanya naming room. Nagpalit ako ng damit ko at humiga na sa kama.
Habang hinihintay ko si Mr.Antok biglang pumasok sa isip ko yung pusa kanina na nakita ko. Iba ang naramdaman ko ng makita ko sya. Ewan ko ba. Baka napapraning lang ako.
I closed my eyes at pinilit na makatulog. Kahit walang pasok bukas. Gusto ko pa ding makapagpahinga ng mahaba ngayon.