Nasa mall kami ngayon ni Edel to buy some things para sa projects nya. Bonding na din naman itong magkapatid since we both busy. Ako sa trabaho at sya sa studies nya. Sunday lang ang free time namin dalawa to bond at hindi naman pinapalagpas yun kahit sobrang pagod kami the whole week because of the busy sched of mine and hers.
Napasok na namin ang ilang store dito. Nakabili kami ng new shoes and dresses for her at kay Nanay.
Huli naming pinuntahan yung bookstore malapit sa korean restaurant na kinainan naming dalawa. May kailangan syang bilhin para sa gagawin nyang project.
Busy pa sya sa pagtitingin tingin ng may makita akong isang pamilyar na tao. Sumilip pa ako ng bahagya para makita sya and tama nga ako. Sya yun.
"Edel, wait lang ha. Dito lang ako sa labas. Puntahan mo nalang ako." Paalam ko sakanya.
"Okay, Ate."sagot naman nya.
Lumabas na ako ng bookstore at saktong paglabas ko ay pagdaan nya sa harap ko.
"Marx.." tawag ko sa pangalan nya.
Napalingon naman sya sakin. I don't know pero nung ngumiti sya sakin, parang sumaya yung puso ko. Parang nakita ko na ang mga ngiti na yun from someone in my past. Pero hindi malinaw sakin kung sino. Sumasakit lang ang ulo ko sa kkaisip.
Namalayan ko nalang na nasa harap ko na sya ng magsalita sya.
"Cha, a-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. And his voice, it's really sounds familiar to me. Ano bang nangyayari sakin. Bakit parang may mga naaalala ako from the past pero hindi naman malinaw. "Cha? You okay?"
"Ah.. Yes. Ano sinamahan ko yung kapatid ko sa bookstore."
"Oh, si Edel?"
Kumunot ang noo ko. Bago palang kaming magkakilala ni Marx. Paano nyang nalaman ang name ng sister ko?
"Kilala mo ang kapatid ko?"
"H-ha? A-ano...."
"Ate, tapos na ako. Nabili ko na lahat."
Hindi na naituloy ni Marx ang sasabihin nya ng dumating na si Edel.
"Ah kapatid ko. Si Edel. Edel, si Marx. Workmate ko."
"Hi po." She shyly greeted Marx sabay wave ng kamay nya.
"Hi." Tipid na ngiti lang ang iginanti ni Marx sa kapatid ko.
Hindi ko pa din maintindihan. Paano nyang nalaman yung name ni Edel? Wala naman akong maalalang nabanggit ko na yun sakanya since day 1!
-
Marx's POV
Muntikan na kong mahuli ni Glaiza. Bakit ba kasi hindi ko naisip na hindi nga pala alam ni Cha na alam ko ang name ng kapatid nya. Wala nga syang maalala sa nangyayari diba, Marx? Mabuti nalang pala at dumating si Edel. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. She saved me.
At para makalimutan nya yun, inaya ko silang kumain muna pero tumanggi na dahil katatapos lang daw nilang kumain. Wala na akong maisip na pwedeng sabihin o ayain sila somewhere kaya si Edel na ang nagsalit at sinabi nyang sumama nalang ako sakanila. Nung una, nagdadalawang isip ako. Tinignan ko lang si Glaiza. Pero dahil sa pangungulit ni Edel. Sumama na ako. Wala na ring nagawa si Glaiza kundi ang um-oo na din sa kapatid nya.
Nakakatuwa pa din hanggang ngayon si Edel. Parang nung unang kita ko sakanya noon. Ganito din yun, sa isang bookstore din. She's with Glaiza din nun.
Pagdating namin kila Glaiza. Bumalik lahat ng ala-ala ko sa bahay na yun. Nung unang beses akong makapunta doon. Nung mga panahong nanliligaw ako sakanya at hinahatid sundo.
Pinagbuksan kami ng pinto ng Nanay nya. Malaking ngiti ang sinalubong nya sakin. Knowing na para sakanila, ito ang unang pagkakataon na magkikita kami.
Abala si Edel sa ginagawa nyang project habang si Nanay naman nasa kusina at nagluluto ng tanghalian namin.
Magkatabi kami ni Glaiza sa couch at tahimik lang na nanunuod. Ano bang pwede kong sabihin o gawin para masimulan ko ng maibalik sya sakin?
"Inumin..."
"Cha..."
Halos sabay pa kaming magsalita.
"Ah, tubig nalang..."
"Ano yun?"
Sabay na namin kaming magsalita. Napangiti nalang kaming dalawa.
"Kukuhaan nalang kitang inumin. Wait lang."
Tumayo na sya at nagpunta sa kitchen nila. Hindi din naman nagtagal at bumalik na sya na may dalang dalawang baso ng tubig. Binigay nya yung isa kay Edel at isa sakin. Maasikaso talaga sya sa pamilya nya. Kaya hindi ako nagkamaling mahalin sya noon hanggang ngayon.
Umupo na ulit sya sa tabi ko at inabot yung water sakin.
"Thanks." Sabi ko after kong uminom.
"So, ano yung sasabihin mo dapat kanina?"
"Ha? Ah, w-wala naman." Wala na akong lakas ng loob na sabihin yun sakanya.
"Okay." Yun nalang ang nasabi nya sakin at bumalik na kami sa panunuod.
Nang matapos na sa pagluluto yung Nanay nya. Kumain na kami. Namiss ko ang luto ni Nanay Cristy. Simula ng bumalik kami sa gantong sitwasyon, never ko ng natikman to. Ngayon nalang ulit.
"Marx, sabihin mo nga sakin. Nililigawan mo ba ang anak ko?" Halos mabilaukan na ako sa tinanong ni Nanay Cristy sakin. Yan din kasi yung tinanong nya sakin noon nung unang beses kong pumunta dito. At mukhang alam ko na ang kasunod nun....
"Nay naman. Bumisita lang sya. Edel invites him." I knew it. Napangiti ako dahil doon.
"Bakit nakangiti ka dyan, Kuya Marx? Siguro crush mo Ate ko no? Ayiiieh. Aminin." Panunukso ni Edel sakin.
"Edel!" Saway naman ni Glaiza.
"Bakit anak? Masama ba kung magtanong kami sakanya?"
"Nay naman eh."
"Hahahaha. Si Ate, nangangamatis na ang ilong. Woshoo."
Nakangiti lang ako habang pinapanuod silang asarin si Glaiza.
Masaya pa din ako sa mga nangyayari ngayon kahit alam ko na kung anong sunod na mangyayari sa buhay namin ngayon. Kahit halos wala ng surprise parang ganun pa din dahil si Glaiza to eh. Lagi naman akong masaya pag sya ang kasama ko.
After ng lunch namin. Nagpaalam na akong aalis na. Walang kasama si Kate sa bahay ngayon. Kaya kahit gustuhin ko pang magstay na kasama sya ngayon, hindi pwede. Marami pa akong araw na pwedeng makasama ang asawa ko. Sobrang dami pa lalo na at gagawin ko ang lahat para lang bumalik sya sakin.
"Pakisabi nalang sa Nanay mo na thank you sa lunch. Masarap pa rin syang magluto...." napahinto ako sa thoughts na pumasok sa isip ko. Nadulas na naman ba ako? Napansin kaya nya?
"Okay. Sige. Thank you. And I am really sorry sa kakulitan nila Nanay. Hwag mo nalang silang intindihin ha." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nya napansin.
Ngumiti ako. "No worries. Sanay.. I mean.. masasanay din naman siguro ako."
"What do you mean?"
Huminga ako ng malalim. "Tama Nanay at kapatid mo. Liligawan kita.."
"Marx..."
"I know. Mabilis diba? Pero anong magagawa ko Glaiza. Mahal kita eh. Hindi naman ako nagmamadali. Hihintayin kita until you're ready. I'm willing to wait."
Hindi sya sumagot. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Tama lang ang ginawa ko. Binigyan ako ng chance na bumalik sya sakin at wala akong sasayanging oras para mangyari yun.
"Paano? Kita nalang tayo bukas sa office. Bye Cha."
Tumalikod na ako sakanya at nagsimulang maglakad. Hindi ko na hinintay na sumagot sya. Naalala ko kasing may Benjamin nga pala na nageexist ngayon sa kwento namin. Pero hindi naman ako magpapatalo sakanya. Asawa ko si Glaiza at nagmamahalan kami... Noon.. biglang pumasok sa isip kp yan. Asar naman oh!