Kinabukasan, maaga akong nagising. Gumising na naman ako ng wala sa tabi ko si Glaiza. Pwede ko bang ipikit nalang ang mga mata ko at huwag ng gumising pa? Pero hindi.. hindi man ako naaalala ni Glaiza ngayon, alam kong darating yung isang araw na babalik sya sakin. Hindi ko pwedeng sukuan ang asawa ko ngayon. Kailangan nya ako.. kailangan ko sila ng anak ko.
Bumangon ako sa kama at nagpunta sa closet para kumuha na maisusuot ko. Maya-maya lang sigurado akong kakatukin na ako dito ni Kate para kumain. She used to it, halos morning routined nya na nga ata yung gisingin ako ng maaga. Pero ngayon, naunahan ko na sya. Nakakaproud naman sa self ko.
After kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako sa kwarto at nagpunta sa kusina. Naabutan ko doon si Kate na katatapos lang magprepare ng almusal namin.
"Wow. Ang aga natin ah? Inspirado ka atang gumising ng maaga? Siguro may girlfriend ka na no? Iiwanan mo na din ako? Kuya, ikaw nalang ang meron ako oh." Nagdadrama nyang sambit sakin.
"Sira. Ayaw ko lang malate. Kumain na tayo."
Umupo ako at ganun din sya. Malapit naman kami ni Kate sa isa't-isa. Pero ewan ko ba. Bakit nag-iba bigla ngayon. Siguro dahil may kinakaharap aki ngayon kaya hindi ko magawang makipagbiruan sakanya.
After namin kumain, hinatid ko na sya sa school nya at ako dumiretso na rin sa office.
Pagdating ko doon. Nakita ko ng nakaabang sakin sila Ruru at Rocco. Ano na naman kaya ang trip ng dalawang ito at iba na ang tingin sakin ngayon.
Hindi ako nagpatinag sa mga mata nila sakin. Tuloy-tuloy lang ako sa desk ko at nilagpasan silang dalawa. Pero alam kong hindi pa rin nila ako nilulubayan ng tingin nila. Ramdam ko yun eh. Sakin pa rin sila nakatingin.
Hindi na ako nakatiis pa. Hinarap ko na silang dalawa.
"Problema?"
Biglang sumilay ang ngiti ng dalawa at sabay na lumapit sakin. Inakbayan nila ako.
"Ikaw naman. Hindi mo naman sinabi samin na binata ka na. Hahaha."
"Oo nga. Bakit hindi mo agad sinabi na gusto mo si Glaiza? HAHAHA."
Teka. Saan naman nanggaling yun? Wala naman akong pinagsabihang iba. Kaibigan ko nga tong mga to. Lakas makaramdam eh. Grabe.
"Hindi ko sya gusto.."
"Sus. Deny pa! Nahuli ka na nga. Hahaha." Natatawang sabi ni Ruru.
"Hindi ko sya gusto...kasi mahal ko sya."
Saktong pagkasabi ko nyan bigla syang lumabas galing office ni Mr.Legazpi. Napatitig tuloy ako sakanya. Gusto ko na syang lapitan, yakapin at sabihin ang tunay kong nararamdaman.
Natatawa ako sa naiisip ko. Para bang first time lang to.
"Asus. Inlove na nga ang kalbo. Hahaha."
Napatingin ako kay Rocco pagkarinig ko ng sinabi nya. "Ano?" Kunot-noo kong tanong.
"Oh bakit hindi ba? Hahaha." Biro nya pa.
Lokong mga to ha. Pinagtitripan na naman nila akong dalawa.
"Bahala na nga kayo dyan. Magtatrabaho na ako." Bago ako tuluyang bumalik sa mesa ko. Muli kong sinulyapan si Glaiza. "For the future." Halos pabulong kong sambit. Pero may ala elepante ata ang tenga ni Ruru at narinig yun.
"HOY GLAIZA. SABI NI MARX, MAGTATRABAHO DAW SYA PARA SA FUTURE NYO. HAHAHA." Sigaw nya.
Halos maubusan ako ng hangin. Ewan ko ba.. kinabahan ako bigla. Siraulong Ruru to. Kung hindi lang sya biglang tumakbo malamang sa malamang hinila ko na sya at sinapak. Nilaglag ako kay Glaiza eh. Nakakahiya tuloy. Alam ko namang narinig nya yun eh. Alam ko yun dahil napatingin sya sakin at ngumiti.
"Hayaan mo na. Tulong lang namin to para sa future mini Marx and Glaiza. Hahaha." Sabi din ni Rocco sabay takbo pabalik sa mesa nya.
Ang gagaling nilang mang-asar pero ang bibilis din tumakbo. Alam na siguro nilang makakatikim talaga sila sakin eh.
Lunch break namin. Nagpunta ako sa canteen and I saw Glaiza na nag-iisa sa table nya. Hindi sya sinamahan ngayon nila Gabbi at Sanya?
Pagkatapos kong umorder.. naglakas loob akong lumapit sakanya. Medyo malayo pa ako pero tumingin na sya sakin. Siguro naramdaman nya na lalapit ako sakanya. Bago ako tuluyang lumapit.. huminga ako ng malalim. Kaya mo yan Marx. Kaya mo. Pangungumbinsi ng isip ko sakin.
"Pwede ba akong makitable?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
Ngumiti si Glaiza. Nakita ko na ulit yung ngiting lalong nagpamahal sakin.
"Yeah. Sure." Tipid nyang sagot.
Nilapag ko yung binili kong pagkain ko at umupo na. Hindi sya tumitingin sakin kaya panay ang tingin ko sakanya. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ng asawa ko. Kung pwede ko lang sabihin sakanya na asawa nya ako, na nagmamahalan kaming dalawa ginawa ko na. Pero alam kong hindi pa pwede. Ayaw kong lumayo sya sakin. Ayaw kong makaramdam sya ng pagkailang sakin.
"Tititigan mo nalang ba ako?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla syang magsalita. Hindi ko inaasahan na napapansin nya palang nakatingin ako sakanya. Ang lakas talaga makaramdam ng asawa ko. Napangiti ako sa iniisip ko.
"You're crazy, Marx." Natatawa nyang sambit. "Kanina seryoso kang tinitignan ako. Ngayon naman nangingiti ka dyan. Haha." She laugh on what she said.
Nakakatuwang isipin na tumatawa sya ng ako ang kasama nya.
"Hindi naman. Naisip ko lang. Hindi ka pala suplada." Alibi ko. Alam ko naman na hindi talaga sya suplada eh. Mabait kaya tong asawa ko.
"At kanino naman nanggaling na suplada ako? Kanino? Sabihin mo ng masugod ko na. Dali. Haha." Biro nya pa. "That was a joke. Haha. Hindi ko magagawang manakit. At hindi naman ako suplada."
"Alam ko naman yun."
"Ha?" Biglang kumunot ang noo nya.
"What I mean is...alam kong hindi ka suplada. Ano lang. Kasi.. hindi mo ako pinapansin eh. Kaya naisip ko lang.. aray." Tinapik nya ako sa braso. Ang haba naman ng braso ng asawa ko. Naabot nya ako.
"Ikaw naman pala ang nag-iisip na suplada ako. Hahaha."
Natawa nalang kaming dalawa. Nagkakaroon na ako ng pag-asa na magiging malapit na ulit kami ni Glaiza sa isa't-isa. At nararamdaman kong babalik din sya sakin. Ramdam ko na yung papalapit na pagbalik sakin ng mag-ina ko.
After namin kumain. Sabay kaming bumalik sa mga desk namin. Nagpaalam na ako sakanya. Marami pa ata syang gagawin dahil nagmamadali sya kanina. Pati tuloy ako napadali ang kinakain ko. Konting oras na magkasama kami kuntento na ako.. pero hindi ako titigil na bumalik kami sa dati.