Chances- 2

118 12 6
                                    

"Alam mo napansin ko lang ha." Tumingin sakin si Ruru. "Kanina mo pa tinitignan yang si Glaiza. Trip mo no Marx?" Napatingin tuloy ako kay Glaiza na ngayon ay kausap sila Sanya. Nakakatuwa syang pagmasdan. Yung tawa nyang malakas. Namiss ko yun.

"Naaalala nya kaya ako? Sya ang asawa ko." Sambit ko ng halos pabulong lang. Pero mukhang narinig ni Ruru at Rocco.

"Ano yun pre? Asawa mo si Glaiza? Hahahaha."

"Nakatulog ka ba ng maayos? Hahaha. Ang lakas ng tama mo Marx." Ruru tap my shoulder. "Itulog mo lang ulit yan."

Hindi ko sila pinansin. Kailangan kong makaisip ng paraan para makausap sya ng sarilinan. Lagi nya kasing kasama sila Sanya at Gabbi eh.

"Guys, back to work. Kailangan nating matapos ang presentation as soon as possible. Galingan nyo ha." Utos ni Kylie samin.

Nagsibalik na sila Ruru at Rocco sa desk nila. Pati sila Sanya at Gabbi bumalik na din. Nakatingin lang ako kay Glaiza habang gumagawa sya sa desk nya.

Hindi ko maintindihan eh. Bakit kailangan pa ibalik kami sa gantong sitwasyon? Ano bang nagawa kong mali noon para ibalik kami ulit sa una?

/

After ng ilang oras kong pagtitig sakanya na halos yun lang ang ginawa ko sa buog oras ng pagtatrabaho ko sa wakas.. makakausap ko na sya. Kanina ko pa sya gustong lapitan pero hindi ko magawa. Kasi natatakot ako.. natatakot akong malaman ang totoo kahit alam ko na naman na hindi na nya ako naaalala. Yun yung masakit eh. Naaalala ko sya pero ako? Hindi na nya naaalala.

Pupuntahan ko na sana sya pero bigla akong hinarangan ni Maxene. "Saan ka pupunta?"

"Kakausapin ko lang si Glaiza."

Nagtaas sya ng kilay as if binabasa nya ang nasa isip ko.

"Hay naku Marx. Kanina ko pa napapansin yang pagtitig mo sakanya. Nagseselos ako." Tinitigan ko lang sya. Alam ng lahat n may gusto sakin si Max pero hindi ko pinapansin ang sinasabi nila para hindi na lumaki. "Charot. Go on. Kausapin mo na sya. Goodluck."

Ngumiti lang ako at iniwan na sya. Pero hindi na ako nakalapit sakanya ng makita kong nasa tabi na nya si Benjamin. Eto na naman kaming dalawa ni Benjamin.

Naalala ko noon... halos magkainitan na kaming dalawa sa panliligaw kay Glaiza. Halos parehas kami palagi ng dinadala para sakanya. Pero bandang dulo naman ako ang pinili ni Cha.

"Nangingiti ka dyan? Gusto mo si Glaiza no?" Napalingon ako sa nagsalita. Umakbay pa sakin si Ruru. "Kung ako sayo, unahan mo na yang si Benjamin. Mas bagay ka naman kay Glaiza eh."

Napangiti ako. Natatandaan ko tong sinabi nya sakin noon. Ganto din yun eh. Parehas na parehas sa sinabi nya noon sakin.

"Nakangiti ka na naman. Nababaliw ka na Marx. Haha. Dyan kana nga."

Hindi ko alam. Pero nakakamis din pala ang noon. Ang daming nangyari noon na sobrang laking bagay para sakin. Na naging bahagi ng buhay namin ni Glaiza.

/

General's POV




"Ateeeeee." Sigaw ng nakababatang kapatid ni Glaiza pagkauwi nya galing trabaho.

Agad na lumapit sakanya ang kapatid at niyakap sya.

"Eto namang si Edel kung mamiss ang Ate nya akala mo ang tagal nawala si Cha." Sambit ng Nanay nila na kalalabas lang sa kusina.

Natawa naman si Glaiza sa sinabi ng Nanay nila. "Hayaan mo na Nay. Naglalambing lang 'to. Kamusta ang school mo Edel?"

"Ayos lang Ate. Ikaw.. dali. You make kwento na dali. Kamusta ang unang araw mo sa work mo?"

Umupo ang magkapatid sa sofa. Nagkwento si Glaiza na akala mo ay matagal silang hindi nagkita ni Edel.

Habang nagkikwento si Glaiza. Naalala nya ang panay tingin sakanya ni Marx. Na sobrang ikinailang nya.


//


Glaiza's POV



Ano bang meron sa Marx na yun at ganun nalang sya kung makatingin sakin kanina? Parang ang tagal na naming magkakilalang dalawa. But I'm pretty sure na ngayon lang kami nagkita.

"Ate? Okay ka lang?" Bumalik ako sa ulirat ko ng bigla akong tapikin ni Edel sa balikat. "Natahimik ka bigla eh."

"Ha? Baka.. napagod lang ako sa trabaho."

"Kayong dalawa dyan. Dumito na kayo at kakain na." Sigaw ni Nanay na nasa kusina.

Tumayo kaming dalawa ni Edel at sabay na pumunta sa kusina. Naabutan namin si Nanay na naghahanda na ng hapunan namin.



/



Marx's POV





Pabagsak akong humiga sa kama pagkauwi sa bahay. Laking panghihinayang ko ngayong araw dahil hindi ko nakausap si Glaiza kahit saglit lang. Hindi na kasi sya tinigilan nila Sanya at Gabbi na kausapin.

Wala din akong lakas ng loob na kausapin sya dahil natatakot ako.. baka masabi ko bigla na 'ako to. Si Marx. Ang asawa mo' ayaw kong matakot sya sakin. Sino ba naman kasi ang maniniwala sakin diba? Kahit nga sila Ruru tinatawanan ako kapag sinasabi kong asawa ko si Glaiza.

Gusto ko din ipakita sakanila ang mga pictures ni Cha sa phone ko pero kahit yung mga yun wala ng natira. Wala akong makita kahit isang picture namin sa phone ko. Burado ang lahat. Wala akong mapapakita kay Glaiza kapag sinabi ko sakanyang asawa ko sya..



"Hindi mo pwedeng sabihin na asawa mo sya."

Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig akong magsalita galing sa bintana ng kwarto. Nakita ko na naman yung puting pusa.

"Hindi mo pwedeng sabihin sakanya. Kailangan mong paghirapan na maibalik sya sayo."

"Bakit?"

"Malalaman mo sa tamang panahon."

"Paano kung sabihin ko sakanya?"

"Maaaring magising ka isang umaga na tuluyan na syang mawawala sayo. Mag-isip ka Marx. Ito na ang huling pagkakataon mo para maibalik ang asawa mo. Magtiwala ka lang. Sa oras na maibalik mo ang asawa mo sa dating kayo.. gigising ka isang umaga na nasayo na ulit sya."

"Sandali..."

"Hanggang sa muli Marx."

Pipigilan ko pa sana sya pero hindi ko na nagawa. Umalis na sya. Nababaliw lang ba talaga ako? Nananaginip?

Sana hindi nalang nangyayari ang lahat ng ito. Sana...





Sana magising ako bukas kasama ko na ulit si Glaiza.

ChancesWhere stories live. Discover now