Chapter five: First Day

36 1 0
                                    

Lily's POV

*Dug.dug**Dug.dug*

Sound yan ng heartbeat ko kasi....KINAKABAHAN NA TALAGA AKO!!

First day of school ngayon, at nakatayo na ako sa harap ng Melrose International School suot ang school uniform ko. Naka sneakers lang ako, sira kasi yung school shoes ko dati eh. Yung socks ko naman, medyo yellow na dahil matagal ko na yon ginagamit. Naglakad lang ako papunta dito kasi hindi naman masyado malayo ang apartment namin galing dito.

Pinagmasdan ko lang ang paligid ko at ang school sa labas. Grabe, ang gaganda ng mga sasakyan ng mga estudyante!! At ang laki ng school!! Parang castle!  *O* Nai-insecure na tuloy ako sa sarili ko. Parang hindi ako bagay sa school nato.

"Lily!!!"

Lumingon ako at nakita ko si ate Soo Mi na tumatakbo papunta sakin.

Ngumiti at kumaway lang ako sa kanya.

"Excited ka na ba?" - ate

Excited?!? More like kinakabahan na halos matatae na. T-T

"A-ah excited na po ako, he-he-he."

"Huwag kang mag-alala, masanay ka rin dito. Tara! Pasok na tayo. :)"

This is it!! Kaya mo yan Lily!!

Pagkapasok namin, naririnig ko ang mga pinag-uusapan ng mga estudyante. 

"I actually got grounded, and my dad got all my gadgets! I mean like, does he even know that I can't live without those?" - student # 1

"Well then just go buy a new one. I heard that you just received 5 million pesos from the shares of your family's company, right?" - student # 2

O.O

WHAT THE?!? 5 MILLION PESOS? WOW *O*

"Well, yeah, but it's definitely not enough. Ugh I'm so pissed off right now." - student # 1

O.O 

NOT ENOUGH?! KUNG AYAW NIYA EDI AKIN NALANG! I WILL ACCEPT IT WITH OPEN ARMS!! MAG-VOLUNTEER PA AKO! :D

"Uhh Lily, okay ka lang?" - ate Soo Mi

Ay, na-notice niya siguro na ang laki na ng mga mata ko at halos malaglag na ang panga ko sa narinig ko. XD

"Ay, okay lang ako ate."

"Soo Mi!!"

Lumingon kami ni ate para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya. Parang kaibigan niya ata.

"Ui Stacy!!" - ate

"Ay teka lang muna Lily ha, pupuntahan ko lang sandali yung kaibigan ko." - ate

"Okay lang ate, dito lang ako." - ako

 Haaay buti pa si ate, may kaibigan na siya dito. Grade 12 na si ate Soo Mi, habang ako Grade 11 na. Sana ---

"Ouch!!"

Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na parang natumba at nalaglag ang kanyang mga gamit sa harap ko.

"Pick all of that up",  sabi niya. Ano daw?!? AKO??

"Hey, are you deaf? I said pick that all up. Faster, you're wasting my time."

WOW ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NIYA PARA PAGSABIHAN AKO NG GANYAN. AT PA-ENGLISH ENGLISH PA EH NASA PILIPINAS NAMAN SIYA. NAKAKAIRITA SIYA HA. >:(

"Excuse me, pero hindi ako isang katulong kaya huwag mo sakin ipakuha ang mga iyan. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ka natumba eh. At try mo kayang mag-tagalog minsan, wala ka sa Amerika."

Parang nagulat siya sa sinabi ko. Pati narin ang mga estudyante sa paligid namin. Bakit, may masama ba akong nasabi?

"Did you just talk back to me b*tch?! Do you even know who the f*ck I am?"

Ang hilig niya ring magmura noh?

"Sorry, pero new student kasi ako dito, edi malamang hindi kita kilala. At nagsabi ka sana ng "please", edi sana tinulungan kita. At for your information, isa akong tao, hindi isang babaeng aso."

Tsk, tawagan ba daw ako ng b*tch? Bulag ba siya? Hindi ba obvious na tao ako? -_-

"How dare yo--"

"That's enough Chloe, wala siyang ginawang masama sayo kaya pabayaan mo na siya." biglang sumulpot si ate sa tabi ko.

"Walang ginawang masama? She talked back to me! How cou---"

"It's because she has the right to. Everyone does. So please, stop this non-sense and just go to your classroom." - ate

"Ughh fine. But who is she anyway?"

"She's my cousin, Lily Ambrose. She's new here, so please bare with her." - ate

"What do her parents do? What company do they own?"

PAKSHET. O.O 

"She just got rich a month ago because of her dad who works abroad as the owner of the Orange Caramel Company." - ate

ANO?!?! ANO BA TONG MGA PINAGSASABI NI ATE?

Tiningnan ko lang si ate ng may pagtataka pero ngumiti lang siya sa akin at parang sinasabihan akong "just go with the flow". OMG parang narinig din yun ng mga estudyanteng nakapaligid sa amin. >.<

"Really? Well then, I'll let her go this time. But please, tell her who I am. Cause I'm someone who no one wants to mess with in this school." 

Che. Ang feeler niya naman masyado. >:(

"Okay, I will. But I hope this won't be happening again. Let's go Lily." - ate

Nang makalayo na kami sa lugar na iyon, nagsalita kaagad si ate.

"Lily, nawala lang ako sandali sa tabi mo, may kaaway ka na kaagad?! Si Chloe Brooks yung nakaaway mo. Ang mom niya ay isa sa mga pinakasikat na fashion designers around the globe. Yung dad niya naman, owns a company who makes or invents gadgets and imports them to different countries." - ate

"Wala akong pakialam kung sino siya. Ang suplada niya masyado eh, ayaw ko talaga sa kanya. Atsaka ate, ba't mo sinabi yun? Ang dad ko ay ang owner ng Orange Caramel Company? Kailan pa yun nangyari? Alam mo naman na wala na si papa eh." - ako

"Sinabi ko yon para protektahan ka. Kung sinabi ko sa kanya na isa kang scholar, mas lalong iinit ang dugo nun sayo, at ibubully ka na niya palagi. Gusto mo yon?" - ate

"Ayaw ko. Pero pano yan? Mukhang narinig na ng maraming estudyante yung sinabi mo kanina."

"Edi, magpanggap ka nalang na mayaman ka. Tutulungan kitang taguin yung sikreto mo. Trusted naman ako."

Magpanggap? Hindi talaga ako magaling sa mga ganun. Huhuhu ano ba tong napasok ko??

Pero wala naman akong choice eh....Ayaw ko namang mabully.

"Haay, sige ate, i-ttry kong magpanggap. Pero natatakot talaga ako na baka malaglag yung sikreto ko at pagsabihan pa akong sinungaling."

"Hindi yun mangyayari, basta ako lang ang may alam sa sikreto mo. This is pretty exciting!! ^_^ "

Uh-oh. This is going to be a loooong journey. 

First day of school pa lang, may nakaaway na ako, at naging anak pa ako ng may-ari ng Orange Caramel Company. WOW what else could go wrong? -_- 

Mr. Bully, Can You Keep a Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon