Chapter two: To Transfer, or Not to Transfer...?

56 1 0
                                    

Lily's POV

Yes!! Malapit na ang summer!! Woot Woot! Pero wala naman akong pera :( Well atleast free na ako sa mga terror teachers and stressful assignments. Mag-extend nalang ako ng oras sa part-time jobs ko para hindi naman ako ma-bored sa bahay at maka-ipon ako ng mas maraming pera. Nagtataka ba kayo kung ano ang mga part-time jobs ko?

"HOY IHA ANONG TINATANGA TANGA MO DIYAN? NAGHIHINTAY NA ANG MGA CUSTOMER!"

"Ay sige po, sorry. Hindi naman po ako bingi bakit ba kayo sumisigaw"  -_-

"ANO YON IHA?"

"Wala po, nag-iisip lang naman po ako ng ways para iwasan ang global warming. Masama po ba iyon?"

"Naku iha! Hindi ikaw ang Ina ng Kalikasan kaya kunin mo muna ang mga order ng mga customer at mamaya na iyang pag-iisip mong yan."

"Okay po."

"Ano po pala ang order niy-- Ate Soo Mi!! Miss na miss ko na po kayo!"

Si ate Lee Soo Mi ang pinaka-close kong pinsan. Mabait at maganda si ate. Older siya by 1 year sakin at isa siyang pure Korean, pero lumaki siya dito. Para ko na rin siyang kapatid, kasi palagi siyang nandiyan para sakin. Ang kanyang pamilya ay ang may-ari ng mga sikat na ospital dito sa Pilipinas, pati na rin sa Korea. Palagi nga silang tumutulong sa amin eh pero siyempre, may hiya naman kami ng ina ko kaya hindi namin inaabuso ang tulong na binibigay nila.

"Na-miss rin kita Lily! Sorry, busy lang kasi sa school and sa company namin."

"Ah ganun po ba, ano nga pala order niyo ate? Mapapagalitan kasi ako kung makipag-usap ako sa mga customer."

"Ay isang medium-sized pepperoni pizza lang. Sabayan mo ako sa pag-kain, ako na ang bahala sa boss mo."

"Talaga? Sige, thank you ate!! Labyoo talaga!" :*

"Hahaha! O sige maghanap ka na ng table natin."

Isa sa mga part-time jobs ko ay ang pagiging cashier sa "Da Vinci", isang sikat na pizzeria. Waiter din ako sa "Coffee Hub", ang coffee shop na hindi masyadong sikat, at sa "Black Pearl", isang restaurant. Nakakapagod nga eh....pero okay lang, para naman sa mama ko. :3

"Lily! Kain na tayo, alam kong favorite mo ang pizza." :)

"Hahaha! sige ate, thank you ulit."

"Uhmm, may sasabihin nga pala ako sayo Lily."

"Ano yun ate?"

"Gusto mo maging scholar sa paaralan ko?"

O.O

*cough* *cough*

"ANO?!? Sa Melrose International School? Nagj-joke ba kayo ate? Alam niyo naman na ayaw ko sa school mo kasi puro naman mga spoiled brat ang nandun. Pera lang ang laman ng mga utak nila. Except sayo ofcourse ate, ang layo nila sayo."

"Hahaha! Akala ko kasali ako dun. Pero seryoso talaga ako Lily. Diba pangarap mong matulungan ang iyong ina paglaki mo? Kapag maka-graduate ka sa aking paaralan, malaki ang posibilidad na tanggapin ka kaagad sa mga malalaking kompanya. Tutulungan kita, okay? Kaya you don't have to worry."

Haaaay may point nga si ate. Pero ayaw ko talaga sa school na iyon eh. Hindi rin ako sanay sa mga kaarte-artehan doon.

"Uhm, sige ate, pag-isipan ko lang muna at pag-usapan pa rin namin toh kay mama"

"Actually, nandun si mommy sa bahay niyo ngayon. For sure, pinag-usapan na nila iyon doon ngayon."

"Ano?!? Nandun si auntie sa bahay namin?"

"Oo, gusto niyang kamustahin ang mama mo."

Hmm...Ano kayang reaksyon ni mama kapag sinabihan siya ni auntie about sa pag-transfer ko...Ay teka, magt-transfer nga ba talaga ako o hindi? Haaay ang gulo ng isip ko ngayon -_-

Iniimagine ko palang na mag-aaral ako dun ay parang nasa hell na ako.

Mr. Bully, Can You Keep a Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon