Chapter six: New Bestfriends

44 0 0
                                    

Lily's Pov

Pumunta muna ako ng CR para ayusin ang sarili ko bago ako papasok sa classroom. Marami pa naman akong time eh, maaga kasi ako pumunta dito.

Tsk, Naalala ko nanaman yung nangyari kanina.

"Chloe Brooks pala pangalan niya? Grabe ang suplada. Porket mayaman siya, hindi ibig sabihin nun na hindi ko siya papatulan. Ughh naiinis talaga ako!! Gawin ba daw akong maid?" -_-

*blag**blag*

Biglang bumukas yung dalawang stalls sa CR at lumabas ang 2 babae.

O.O

PAKSHET!! Narinig nila?!?

Lumapit sila sa akin na may seryosong mukha. HALA!! Mukhang narinig nga nila. T-T

"Ayaw mo ba kay Chloe Brooks? Sabihin mo sa amin ang totoo. Huwag kang magsinungaling." - sabi nung isang girl na may parang brownish ang kulay ng buhok.

Uh-oh. Anubayan Lily ang tanga mo!! Bakit sa CR ka pa nagsasalita ng ganyan? Hindi mo man lang ba naisip na pwedeng may ibang tao dito? >.<

Haaay, sasabihin ko na nga lang sa kanila ang totoo, total narinig naman nila yung sinabi ko kanina.

"U-uh, Oo, ayaw ko nga sa kanya.", sabi ko sa kanila.

Bigla silang tumingin sa isa't isa at........ngumiti?? Ang weird nila.

Bumalik ang tingin nila sa akin na nakangiti parin sabay sabi ng

"APIR!!", at itinaas nila ang kanilang kanang kamay.

Huh?? ANO?!? APIR?!? BAKEEEEEET?? O.o

Nag-apir na lang ako sa kanila kahit nalilito parin ako.

"Naguguluhan ka ba kung bakit masaya kami? Ayaw din kasi namin kay Chloe eh, masyadong spoiled brat.", sabi ng isa pang girl na may black na buhok. "Ako nga pala si Rorie Peyton."

"At ako naman si Hazel Dawson.", sabi nung girl kanina na may kulay brown na buhok.

WOOOH! Kinabahan ako dun ah. Akala ko isusumbong na nila ako kay Chloe. Ayaw din naman pala nila kay Chloe. Hahaha! Hindi lang pala ako ang nag-iisa. :)

"Ako si Lily Ambrose." - ako

"Hi Lily!! Ang ganda mo naman! New student ka ba dito? Hindi kasi familiar sakin ang mukha mo eh." - Rorie

"Yup, new student nga ako dito."

"Ah, ganun ba. Teka, pano mo pala nasabi kanina na ayaw mo kay Chloe?" - Hazel

Kinuwento ko sa kanila ang nangyaring away namin kanina ni Chloe. Para lang kaming mga baliw dito. Nag-uusap lang naman kami ng matagal sa CR. XD Ang gaan na ng feeling ko sa kanila. Ang sarap naman nilang kasama.

"Talaga?? Idol na kita!! Nagawa mong sabihin yun lahat sa kanya! Sana nandun ako nung time na yun para makita ko yung reaksyon niya. It would've been priceless! Hahaha!" - Rorie

"Oo nga! Ang suplada niya kasi. Tapos ang kapal pa ng make-up niya, mukha na siyang clown hahaha!" - Hazel

"Hahaha! Oo, bagay sa kanya ang circus! Kahit wala pa siyang gawin dun, tatawa pa rin ang mga audience sa kanya kasi nakakatawa na mismo ang mukha niya hahaha!" - ako

"Pwede na rin siya sa horror booth! Kahit wala pa siyang make-up o hindi siya mag-costume, siya na ang pinakanakakatakot na multo dun hahaha! Magka-trauma pa ang mga tao dahil sa mukha niya!! XD" - Rorie

"Hahaha! Tapos-------"

*blag*

Biglang bumukas ang pintuan ng CR at bumungad samin ang babaeng pinag-uusapan namin.

Mr. Bully, Can You Keep a Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon