Chapter one: Lily Ambrose

75 3 0
                                    

Lily's POV

Bullying is a form of aggressive behavior that is intentional, hurtful, and/or threatening and persistent. There is an imbalance of strength.

"Grabe nakakatakot naman ang mga bully. Kawawa naman ang mga magiging biktima nila. Buti nalang walang nambubully sakin."

Nagre-research ako ngayon sa internet cafe about sa topic namin sa Values. Siyempre gusto kong magparticipate para ako ulit ang magiging number 1 sa paaralan namin. Pero grabe naman ang mga bully, ngayon ko lang nalaman na meron palang mga taong ganun. Yung mga taong walang awa at ang kaligayahan nila ay ang pananakit sa mga tao. Scary >.<

Ay, ako nga pala si Lily Ambrose. Maganda, mayaman, sikat, perpekto, hinahabol ng mga lalake, at spoiled brat.

JOKE! Kabaliktaran nga lahat eh. Except sa maganda :)

Okay seryoso nato. Take two.

Hahaha! ang abnormal ko XD Ako si Lily Ambrose. Siyempre maganda, matalino, maawain, mabait, matiyaga at may pangarap sa buhay. Galing ako sa mahirap na pamilya. Nagtatrabaho ang aking ina bilang isang labandera. Tumutulong naman ako sa kanya sa pamamagitan ng pagkuha ng mga part-time jobs para maka-ipon kami ng pera at para hindi mahihirapan ang aking magandang ina. Love na love ko kasi siya eh.

Namatay ang aking ama noon dahil nakuha niya ang sakit sa pasyenteng tinulungan niya. Nag-volunteer kasi siyang tumulong sa mga may sakit sa isang maliit na clinic. Miss ko na siya.T-T

Nasa 10th grade na ako ngayon. 2 more years until maka-graduate na ako sa highschool, may K to 12 na kasi ang paaralan namin eh, kahit public school lang siya -_- Nag-aaral ako sa Science High, paaralan ng mga scholars. Ako ang number 1 sa school namin kahit marami akong part-time jobs. Tinatawag nga akong nerd ng mga kaklase ko eh, pero wala akong pakialam. Kaya nga wala akong mga kaibigan doon, kasi wala akong oras para sa kanila.

Pero meron akong lalaking bestfriend, si Tristan Grayson. Bestfriend ko siya since 5 years old palang kami. Pero ang layo na niya sakin, di ko ma-reach :'( Eh kasi pareho lang kaming mahirap noon. Karpentero lang ang kanyang ama noon, pero tinulungan sila ng isang matalik na kaibigan, kaya ngayon, secretary na ang kanyang ama sa isang malaking kompanya.

Haaay, miss na miss ko na yun. Matagal na talaga kaming hindi nagkita. Sana yumaman na rin kami ng aking ina para naman makaranas din kami ng masarap na buhay at walang mga utang. Iyan ang number 1 pangarap ko sa buhay. Gusto kong pasayahin ang aking ina bilang pasasalamat sa mga sakripisyong ginawa niya para sa akin. 

Hmm....Ah! may nakalimutan nga pala akong sabihin. Isa akong certified Exotic/Exostan!! Hihihi Ang gwapo kasi nilang lahat eh!! Bakit ba ang layo ng Pilipinas sa Korea T_T Gusto ko talaga silang makita sa personal!! Especially si Luhan my love <3

Teka, magd-daydream muna ako na nag-date kami ni Luhan. Ang gwapo niya talaga!! 

"Lily! Umuwi ka na, handa na ang pagkain." - mama

"Ok ma!" 

Tsk, magkikiss na sana kami ni Luhan eh >3< HAHAHA! Ang landi ko XD

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hahahaha! Sorry, umaandar na naman ang pagiging fangirl ko XD Sa mga hindi pala alam kung ano ang exotic/exostan, iyon ang tawag sa mga fans ng isang sikat na kpop group na "EXO". 12 members silang lahat sa grupo, at mga gwapo at talented. Bias ko si Luhan :) Kaya sa mga exotics out there na bias din si Luhan, wala na kayong chance kasi asawa ko na siya eh. Kaya shoo-shoo na kayo :P hahaha!  Si Lily nga pala yang nasa picture na nasa side, below sa media...

Mr. Bully, Can You Keep a Secret?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon