Scene 9:
[Kate's POV]
It has been a week ever since the cool-off. I think I gave him enough time to think. I also made my resolve. Trevor's just a friend... a very good friend. Kahit naman noong una magkaibigan lang kami. It is like I'm torn between Scylla and Charybdis. I wanted to be with Luke as his girlfriend but I also wanted to be with Trevor as his friend.
Since third year high school boyfriend ko na si Luke. He's the typical ideal guy person. Matangkad, maputi, gwapo, matalino, gentleman, approachable and mabait. Nagulat na nga lang ako ng malaman ko ang sikreto niya. Ang sikretong simula first year pa niya tinatago. Hulaan mo. :D
Kung naiisip mo na mabaho ang paa niya, tama ka!
Kung naiisip mo na Mama's Boy siya, tama ka rin!
Kung naiisip mo na crush niya ako, mali ka! HAHAHA
Ang totoo niyan, ang palagi kong seatmate na si Madge and crush niya nung first year. Nalaman ko lang iyon kasi nanghiram ako ng notes sa kanya sa Algebra tapos nakita ko doon sa likod 'yung mga doodle ng pangalan ni Madge. At first hindi ako nagsuspetsya ng kahit ano kasi hindi lang naman si Madge ang nag-iisang Madge sa buong mundo 'di ba? So ang ginawa ko hindi ko na lang pinakielaman. Tsaka si Madge ang one and only lang niya ay ang ever 'di makabasagpinggan na student council member na si Ken.
Until one day, break time, nangapitbahay ng upuan si Luke, to be specific doon siya sa upuan ni Madge naupo. I will be lying kung sasabihin kong hindi ko naging crush 'yang si Luke. Syempre kilig ang lola mo. Nagrerelease kasi siya ng soothing and kilig aura. Naaalala ko tuloy nung unang beses na humingi siya ng favour sa akin.
*flashback*
"Kate, can I ask you a favour?" bulong ni Luke. Grabe nakakakilig.
"Milkita lollipop muna. Haha. Sure. Ano ba 'yon?" I told him.
"Kasi ano... Argh! Pwede magpatulay?" mahinang sabi niya.
"TULAY?!" sigaw ko. Nakakagulat. Bakit sa akin pa?
"Shhh!" habang tinatakpan niya ang bibig ko. Grabe ang bango ng kamay niya. Kaso ang pait, lasang alcohol!
"Kanino?!" tanong ko sa kanya. I can hear the sound of my shattering heart. Kay Madge siguro ano? Hashtag huehue
"Dito... sa inuupuan ko..." sabi ni Luke.
"Sa upuan?!" biro ko. Trololol ang korni ko.;3
"Hindi! Kay *whispers* Madge" bulong ni Luke. Ramdam na ramdam mo nga 'yung hiya niya ng sinasabi niya ito sa akin.
ASDAEOHFACOENCLAC@#%@$^! Tama ang hinala ko :O
"Eh... bakit ako?" tanong ko sa kanya.
"How should I put this? Siguro... kasi... I trust you. :D" sabi ni Luke sa akin. Sus. Persuasion techniques mo! Joke lang! :)
Pwede na rin at least may tiwala daw siya sa akin at may chance na maging magkaibigan kaming dalawa.
"Loko! Seatmate kasi kami. 'Yan ang sabihin mo. :) Siya sige. Paano natin gagawin?" panloloko ko sa kanya.
"May mga bibigay ako sa'yo tapos palagay na lang sa upuan niya. Para hindi halatang ako. Please? Hehe" said Luke.
Lord parang magiging masokista ako nito ah. 'Di bale na nga!
Naging smooth sailing naman ang lahat for the past 4 months. Alam mong kinikilig din si Madge. Kaso si Ken nga lang daw ang gusto niya. Kaya isang beses I decided to tell Luke kung ano ang nalalaman ko. Ayokong makita siyang nasasaktan tsaka aasa lang siya ng aasa 'di ba?
BINABASA MO ANG
The Broken Promise
RomanceA complicated love story about a girl name Kathleen and her boyfriend turned enemy Luke as they uncover each other’s secrets.