Scene 12:
Kate's POV
Ang saya. Hihi. Bati na kami. :)
Si Luke ang isa sa piiiiinaka importanteng tao sa buhay ko. Dati tagahatid impormasyon lang ako para kay Madge tapos ngayon eeport eport pa ang koya mo para maayos ang relationship namin. This was the second time na nagkaroon kami ng misunderstandings.
"Iha, good morning! Magdedeliver ka na ulit?" tanong ni Lola na taga kabilang subdivision.
"Good morning rin po! Eh kailangan po kasing mag-ipon. Ah Lola, bibili po ba kayo ng pandesal? Ako na lang po bibili. Mapagod pa po kayo. Hehe." sabi ko sa kanya.
"'Wag na Iha, exercise din 'to! Tsaka magdedeliver ka pa ng mga dyaryo 'di ba?" pagtangi niya.
"Ok lang po 'yun 'La! Wala pa naman pong alasingko. Hmmm. Ah alam ko na! Aangkas ko na lang po kayo." pangungulit ko.
"'Etong batang 'to talaga. Basta mag-ingat ah?" sa wakas nakapayag na rin siya. Mehehehe
Nagbike na ako pababa. Expert kaya ako sa pagbibike. Bata pa lang ako hobby ko na 'to eh. Nag-usap pa kami ni Lola ng kung anu-ano. Ilang buwan ko pa lang siya kilala pero parang matagal ko na siya talagang kilala. Lukso ba 'to ng dugo? Charot! XD Bakit ba kasi hindi ko kilala mga lolo’t lola ko?
Nakarating na kami sa bakery at buti na lang walang nangyaring masama. Makasali na rin kaya sa competitions for biking? Trololol. Nagpaiwan na rin si Lola doon kasi may pupuntahan pa daw siya. Tapos binigyan niya ako ng tinapay. Yey libre!
Nanginain na ako ng habang nagdedeliver ng mga newspaper. For a year isa na ‘to sa part time job ko. Kasi naman unti unti nang nauubos dolyares ko. Joke. Ano na kayang ginagawa ni Luke? Parang nung bago pa lang na naging kami. Hahahaha. Ilang dyaryo pa ba ‘to?
“IHA! UMIWAS KA!” sigaw ng isang lolo.
[Third Person POV]
Habang nagdedeliver ng dyaryo si Kate, may isang tao na nakatago sa isang madilim na parte ng lugar kung nasaan ang bida. Iniintay na lang niya ang tamang oras at tyempo para magawa na niya ang kanyang plano. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang isang numero.
“Start the plan.” sabi niya.
Wala pang isang minuto, may isa nang dalagang sugatan dulot ng pagkakabangga ng kanyang bisikleta sa isang kotse.
Scene 13:
Kate’s POV
“IHA?! Miguel iho, kumuha ka ng bimpo, tubig, alcohol… ah! ‘Yung first aid kit dalian mo!” sigaw ng lolo na nasa tabi ko.
What in the world happened? Oh God. ‘Yung bike ko nasira! Tapos yung mga dyaryo nalukot na. Buti na lang lima na lang ‘to. Kukuha na lang ulit ako. Hay. Bawas na naman ‘to sa sweldo ko. -_-
“Iha ‘wag ka na muna gumalaw. Ang dami mong sugat!” sabi ulit ng lolo.
Sugat? Ahhh. Kamuntikan na nga pala akong mabungo.
“Hahaha. Ayos lang po ako ‘Lo. Malayo ‘to sa bituka!” pangungumbinsi ko. Kaya siguro wala akong nararamdaman kasi adrenalin rush? Teka adrenalin ba ‘yon? Tanga. Wrong. Hindi adrenalin. Pero ano ng aba ‘yon?
Sinimulan ko na kunin ‘yung mga nalaglag na dyaryo at kamuntikan nang mayupi na bike. Huhu. ‘Yung bike ko.
“Miguel iho!” sigaw ulit ni Lolo na naalalay sa akin.
“Lo, ok lang po ako promise! Dugo lang ‘to! I’m stronger than a carabao ‘Lo! XD” pangungulit ko sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka.” sabi ulit ni Lolo.
Dumating na ‘yung Miguel na tinatawag ni Lolo na tumutulong sa akin. Tsaka ko lang narealize na madamidami nga akong sugat. LOLOLOLOL. Katangahan ko lang ba ‘to o kasalanan ng kung anong kampon ng kadiliman?
“Lo and Miguel thank you po talaga! Uuna na po ako :D” pamamaalam ko sa kanila.
“Sigurado ka bang ayos ka na iha? Mag-iingat ka ha? Miguel iho alalayan mo siya.” utos ni Lolo kay Miguel. Ang bait naman nitong dalawa. Kung ganito lang mga tao sa mundong ibabaw ang say asana mabuhay sa mundong ‘to.
Inalalayan ako ni Miguel hanggang matapos ako pagdedeliver ng mga natirang dyaryo. Hindi naman ganoon kalala mga sugat ko. Meron ako sa mukha (huhu peslak ko) sa may forehead, sa siko, tuhod at binti. Ang dami ano? XD
“Ate, mag-iingat ka po ha. May pakiramdam po kasi ako na may mga susunod pa na ganito. Please take care of yourself Ate.” sabi niya sa akin.
“Yeeeeep. Thank you talaga. Pasabi na rin kay Lolo na maraming maraming salamat. Pasensya na kayo sa abalang nagawa ko.” sabi ko sa kanya.
“No worries Ate. Nandito lang kami. :)” sabay ngiti niya sa akin at pagtapik sa balikat ko.
Kung sino man gumawa nito maititeargas ko ‘yon.
Scene 14:
*Dark room | Phone ringing*
“How is it?” tanong ng tao na nag-utos para maaksidente si Kate.
“According to the plan Ma’am.” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“Good. Sa susunod na araw mo na gawin ‘yung isa. I’ll meet you tomorrow. Itetext ko sayo kung saan.” utos niya sa kanyang kausap.
Pagkababa niya ng telepono, nabanggit niya sa kanyang isip na…
Kathleen Rioso, this is only the start. Expect for more. *laughs*
BINABASA MO ANG
The Broken Promise
RomanceA complicated love story about a girl name Kathleen and her boyfriend turned enemy Luke as they uncover each other’s secrets.