Chapter 7

8 0 0
                                    

Scene 22:

Nagsimula ang tagpong ito mula sa lumilipadlipad na imahinasyon ng ating bida.

Katawan: Tayo
Kaliwa at kanang braso: ilebel sa balikat
Ulo: Tumingala

Yumukyok

"Bakit hindi ako tinubuan ng pakpak? Bakit palpak? Bakit... bakit... bakit palpak lahat? Itinakwil. Isinumpa. Wala kwenta! Wala akong kwenta! Wala kang kwenta! Wala kayong kwenta! Wala tayong kwenta!
HAHAHA HAHAHA

Burahin! Buburahin ko kayo! Papatayin! Papatayin ko kayo! HAHAHA HAHAHA!
MAMATAY MAMATAY MAMATAY
LAHAT!

HINDI KA KAILANGAN SA MUNDONG ITO! KAHIT MAMATAY KA IIKOT ANG MUNDO! TATAAS ANG PRESYO NG TUBIG, NG GAS, NG BABOY, NG MANOK, NG LAHAAAAT! PAGLALAMAYAN KA NILA NG KAUNTING PANAHON PERO MAKAKALIMUTAN KA DIN NILA KASI

WALA

KANG

KWENTA.

Mamamatay ka.
Mamamatay ka.
Mamatay ka.

BANG!

*pabulong*

ISUNOD MO NA RIN SILA."

"*Malalim na paghinga* Walangya. Aba'y gagawin pa kong mamamatay tao ng panaginip ko? *buntong hininga* I can mentally kill people tho." pabirong nasabi ni Kate.

Bumalik siya sa normal niyang pamumuhay. Inisaayos ang kama, nagtanggal ng muta, tuyong laway, suminga at ngumiti sa salamin. Kinuha niya mula sa lamesa ang panaksak...

panaksak na biluhaba ngunit patusok ang dulo at sa tuwing ilalapat sa mga bagay na maaring ukitan o sulatan ay dumudugo ang dulo nito.

Inilapat niya ito sa matalik niyang kaibigan. Minarkahan ang mga lumipas na araw, inilista ang mga nagasta at naitagong salapi at isinulat ang mga tumatak na pangyayari sa kanyang nakalipas na buhay.

"Monday, Tuesday... Friday. Maaan~ Saturday na naman bukas. Yes it is my time to relax but haaay, makakuha na lang ng raket kay Tita Daisy. Sheeet! Magkakatapusan na pala! Sweldo naaaa!" habang masayang nagsasasayaw sa harap ng salamin.

"Haha I looked really stupid. O-k!" pinagpagpagpag niya ang kanyang kanang kamay, itinaas ang balikat at binaling sa kanan at kaliwa ang kanyang ulo.

"Ah sarap magpalagutok! Gameeee.

Load = Php 250 (Dapat ko na bawasan 'to. Kahirap magkaroon ng boyprend.)

Foods = Php 1000 (Nah ok lang. De joke lang. Huhu. Hanggang ngayon hindi ako makapagbudget sa pagkain :<)

Apartment fee all-in = Php 1500

Ipon = Php 200 (not bad)

Gaaah, I should learn more. Hindi ko alam kung paano gumastos ng pera and how this shiz life work." nasabi niya at isinara ito.

Nagpaalam na siya sa kanyang mga natutulog na kaibigan sa tinutuluyang bahay at pumunta na sa bahay ni Luke.

Scene 23:

Pasikat na ang araw ng makarating si Kate sa bahay ng kanyang kasintahan.

Nagulat na lamang siya ng makita niya si Luke dahil hindi nga ito mahilig gumising ng maaga.

"Wooooah lalo pang gumanda umaga ko." pambobola ni Luke habang nagmamadaling lumapit kay Kate at niyakap ito.

"Bolero. Haha. Anong bago? Bakit ang aga mo ngayon? Isusurprise sana kita eh. Wala na. Sira na. Pero okay lang. I'm seeing your improvements. Good job my man!" siya naman ang yumapos at ibinaon ni Kate ang kanyang sarili sa mga bisig ng kanyang nobyo.

"No I'm... I mean thank you." may konting pagtangi niyang nasabi.

"Maliit na bagay." pang-aasar ni Kate.

Lumayo ng konti si Kate at sinabing "Are you... I mean... are we okay?".

Isa, dalawa, tatlo... tatlong minuto ang lumipas matapos inialis ni Luke ang kanyang pagkakayakap kay Kate at tinitugan niya lamang sa mata ang dalaga.

Alam ni Kate na parang may mali. Hinihintay niya lang na kusang magsabi si Luke.

Parang unti-unting lumalayo si Luke sa kanya.

Apat, lima... limang minuto na silang sinasampal ng katahimikan.

Naisip niya na "Ah, may mali nga siguro pero hindi naman niya ako tititigan sa mata kung may mali hindi ba? I know him. Mahal niya ako."

Bigla niyang binuhat ang dalaga na parang isang prinsesa at dinala sa kanyang sasakyan.

"Oy baliw. Saan tayo pupunta?" pagtataka ni Kate.

Hindi nasagot si Luke at hinawakan na lang niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ni Kate.

"Ano 'to? TV 5's Quiet Please? Okay. I'll shut up. It's my fault for asking you that. I know we're okay. I know there's nothing wrong. Please forget what I asked you earlier. Tsaka 'wag ka na manahimik bg ganyan please? Nakaka-errrrr" dare-daretcho niyang sinabi kay Luke.

"Here we are." binitawan niya ang kamay ng dalaga at bumaba sa kotse. Sumunod naman si Kate sa kanyang nobyo nang bigla itong napatigil sa paglalakad.

Sa kanyang pagkababa, may nakita siyang isang pamilyar na mukha.

"Kasama mo siya?" natanong ng taong iyon habang papalapit silang dalawa ni Luke sa kinaroroonan ni Kate.

"Huh? Wait... have we met before?" may halong pagtataka niyang natanong sa taong iyon.

"Yes. I know you well. Like reaaaally well." masaya niyong isinagot sa kanya.

"Sally." mahinang nasabi ni Luke.

"Yes Luke?" may tonong pang-aasar niyang tanong kay Luke.

"Magkakilala kayo?" natanong ni Kate.

"Yep. Like a long time ago." matapos niyang sabihin ito napahagikgik na lamang siya ng marahan.


Medyo nalilito ng konti ang dalaga. Hindi niya alam ang ibibigay niyang reaksyon sa nangyayari. Ang tanging alam lang niya ay may mali talaga.


"Kate. She's Sally. My cousin." sabi Luke habang nakatingin sa kung saan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon