Someone's POV
"good day sir welcome back"
Nginitian ko ang mga katulong namin dito sa bahay
"uhm sir maayos na po yung room mo sa taas pwede ka na po dun pumunta"
"oh ok thanks"
Umakyat ako sa room ko. Hmm walang pinag bago nakaka miss after 2 years ngayon lang ulit ako naka uwi dito sa pilipinas.
Inikot ko ang paningin ko and one thing caught my attention. Picture namin na nasa ibabaw ng study table ko. Ang saya namin dito sa litrato na to naka akbay ako na nakatingin sa kanya at sya naman naka wacky face hahaha i miss those days.
2 years ago nang nasaktan ko sya. I regret what happened back then. Sobrang nagsisi ako to the point na nahiya akong humarap sa kanya kaya naisipan kong pumunta sa States pero kahit nandun ako hindi nawala ang pagmamahal ko sakanya kaya now that Im back, its time to make things right. I have to win her back. I WILL win her back.
---------------
Jhoane's POVIts been two days nang matapos ang camping trip namin. After nung incident na nangyari sakin ay naging ok naman ako the next day at hindi ako iniwan ni Timothy baka may mangyari nanaman daw kasi. Pinanindigan nya talaga kasi kahit sa bus nakiusap pa sya sa nagbabantay samin na sya nalang ang katabi ko hahaha may pagka OA din kasi minsan yan at ako naman si kinikilig haha lol
Nga pala papunta ako sa mall para bumili ng gift kasi birthday ng kapatid ni Jam. May paparty sa kanila mamaya. She's Lexine by the way kakauwi nya lang galing States dun kasi yun nag aaral umuwi lang para sa celebration ng birthday nya. Sabi pa nga ni Jam may kasama si Lex na friend nya daw yieee may friend na sya haha di kasi yun malapit sa mga tao well except saamin and her family.
Hmm ano kaya ang pwedeng gift sa kanya? Hindi naman sya yung babaeng maarte na dapat bongga ang regalo. Simple girl lang sya.
*you have one message*
from" 09*********
I still love you and I will make sure that you'll come back to me
-J
Huh? Sino to? Psh baka wrong send lang. Itetext ko nalang si Tim hindi kasi ako nakapag paalam sa kanya
To: Timmy ko <3
Good morning boyfriend ko!!!! Nandito ako sa mall naghahanap ng regalo kay Lexine kaya wag ka ng pumunta sa bahay haha alam kong pupunta ka kasi walang pasok. No need to worry uuwi agad ako pag nakabili na ako love you see you later sa party
.......sent
Naglakad lakad ako baka may makita ako na mgandang ipangregalo. Ano kaya? Necklace? Dress?
Aha!! Naalala ko mahilig yun sa BTS lalo na kay min yoongi
aka suga. Kung bumili ako ng tshirt tapos patatakan ko ng BTS? Tapos mga posters. Ok na yunPagkatapos kong magpagawa ng tatak sa gift ko bibili naman ako ng damit para mamaya. Medyo formal kasi ang party mamaya
Dumeretso ako sa MIN's FASHION FAIRYTALE
Yup! Kena Eunice to kaya kilala kami dito
"goodmorning maam Jhoane anong iyo?" nakangiting bati sakin nung isang stuff nila. Nginitian ko muna sya then sinabi ko ang occasion
"a cocktail dress will do" sabi ko
"any specific design and color maam?" tanong nya
"hmm wala akong maisip surprise me nalang" nakangiting sagot ko kasi wala talaga akong maisip haha. Ngumiti lang sya then pumunta sya dun sa mga damit. Chineck ko muna ang cellphone ko baka nag reply na si Tim
From" 09*********
I regret what happened Im sorry please give me another chance
-J
Huh? Ito nanaman sino ba tong J na to? Tsk bahala sya di ko sya kilala
May isa pa akong message at automatic akong napangiti kasi galing kay Timothy
From: Timmy ko <3
Alright. Ingat ka see you later love you
"maam how about this?" napatingin ako dun sa nag aasist sakin
0_0
Wow as in wow. Ang ganda nung dress black and silver ang color then ang design ay mga spiral na parang naka dikit dun sa tela
"I'll take that"
"anything else maam?"
"oh shoes nga pala haha iaabot ko nalang later pag may napili na ako" tumango sya at nag assist ng ibang customer habang ako naniningin ng mga sapatos then one pair of shoes caught my attention black and white sya na may pabilog na design bagay dun sa dress. Sinuot ko sya at perfect fit. Kinuha ko sya at dinala sa counter
"5,820 pesos maam" nagbayad ako then umalis na kasi mag aayos pa ako
---------------
"you look stunning wifey"
Oh si Timothy yan. Susunduin nya daw kasi ako at sabay na kaming pupunta sa venue. Im wearing the dress and the shoes I bought. As for my hair naman naka bun sya na nilagyan ko ng silver lace para hindi sya masyadong plain. May konting naka loose sa harapan na hair at medyo pa curl sya.
"you look dashingly handsome my hubby" nakangiti kong sagot sakanya. Naka tuxedo sa na black at naka wax din ang buhok. As I said earlier formal ang party dahil nga sa birthday ni Lexine pati na din ang pag welcome sa kanya kasi matagal tagal din syang nawala dahil sa pag aaral nya.
Inalalayan ako ni Tim pababa ng hagdan. Nag paalam ako kay Mommy na aalis na then inalalayan nanaman ako ni Tim sa pagpasok sa car. Sya na din ang nag lagay ng seatbelt ko. Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang maka punta sa venue. Agad ko naman nakita ang mga kaibigan namin kasama ang mga boyfriend and partners nila. Si John Reynel also known as J.R bf ni Jam. Ang manliligaw ni Alyssa na si Christian at ang boy bestfriend ni Eunice na si Tristan. Lahat kami may mga partners na well except kay Pia kasi single yan haha may pagka boyish eh pero may crush sya si Andrei but sa kasamaang palad hindi yun pansin ni Andrei haha wawa naman friend ko
"JHOANE KIM!!!!!!!"
Nagulat ako dahil sa sabay sabay nilang pag tawag sa pangalan ko
"huh?"
"hello? Kanina ka pa namin tinatawag para kang tanga na nakatunganga lang. Anyway nag simula na din ang party and ipinakilala na din ang birthday celebrant at maya maya ipapakilala ang friend nya na kasama nya pag uwi" ang sama talaga nitong si Alyssa pero teka? Ang tagal ko nga siguron nakatunganga ang dami ng nangyari eh hayst ano ba yan
"hey your spacing out again" napatingin ako sa katabi ko. Mukhang nag aalala sya kaya ngumiti nalang ako sakanya
"Ladies and gentlemen again the celebrant with her friend let us all welcome Ms. Lexine Ann Jeon and Mr. Jonathan Montenegro"
Nanlamig ang kamay ko nang makinig ang pangalan na yun. Ang pangalan na matagal ko ng dapat kalimutan.
"oh my gosh. Hey beh ok ka lang bakit namumutla ka?" tanong ni Eunice pero di ko pinansin hanggang sa maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Si Timothy. Halata sa mukha nya na nag aalala sya. Well sino ba namang hindi eh yung taong nanakit sa girlfriend mo noon ay nandun sa harap ngayon. Of course alam ni Timothy na si Jonathan Montenegro ang ex boyfriend ko na sinaktan ang puso ko
Why? Bakit kailangan nya pang bumalik sa buhay ko? Bakit sya pa ang napiling maging kaibigan ni Lexine? Bakit!!??
....................