Jhoane's POV
I opened my eyes as I looked around the room.
Puti
Asan ako?
Aktong babangon na sana ako nang maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino ang nakahawak nito at laking gulat ko dahil si Tim pala
Hindi na ba sya galit sakin?
Napangiti ako dahil sya agad ang nakita ko
Wait!
Hala!
Bakit nga ba ako nandito sa ospital!?
Luh!!
Ay oo nga pala nahimatay ako huehue
Hinawakan ko ang buhok ni Tim at hinawi ito. Gumalaw naman sya at pakurap kurap na umayos ng upo
Para naman syang natauhan nang makita nya akong nakatingin habang nakangiti sa kanya grabe nakakatawa talaga ang mukha nya pag ganun
"Totoo bang gising ka na?" tanong nya. Grabe oa ah parang ilang araw na tulog ako. Tatawanan ko na sana sya kaso biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy
"Jhoane? Thank God after two damn days you're awake!" niyakap nya ako nang mahigpit. Ganyan talaga si Mommy nakakapag mura pag masyado syang nag aalala o kaya ay galit or what so ever
Pero teka
.
.
.
.
.
.
.
What the- two days akong tulog!? As in?"Mom ano bang nangyari sakin at dalawang araw akong tulog?" tanong ko pagkaupo ni Mom sa tabi ng kama ko. Si Tim naman ay lumabas muna para tawagin ang doctor at matignan ako
"You were attacked by your asthma kaya ka hinimatay at dahil siguro sa sobrang pagod ay mahaba ang pahinga mo" sabi nya pero bakit feeling ko may gusto pa syang sabihin?
"Pero diba Mom matagal ng wala ang asthma ko simula nung ino--" naputol ang sasabihin ko dahil sa pagpasok ng doctor at ni Tim
Tumayo naman si Mom at chineck naman ako ni Doc.
"You are fine now Ms. Kim iwasan lang ang masyadong pagod dahil mahi--"
"Uhm Doc can I talk to you for a sec?" naputol ang sasabihin ni Doc nang sumabat si Mom. Ano kaya ang pag uusapan nila?
Lumayo silang dalawa at lumapit naman si Tim sakin
"Sorry kasalanan ko to" sabi nya
"I know right hindi mo kasi ako pinakinggan. Timothy promise walang namamagitan samin ni Jonathan" Sabi ko
"Its ok sinabi na sakin ni Jonathan lahat. Now, forgive me dahil napaiyak kita"
Ngumiti ako sa kanya
"Sige papatawarin kita only if you and Jonathan will get together" nakangisi kong sabi
"What!?" Sus ang oa nya parang yun lang eh buti nga madali lang kesa naman paalaga ko sa kanya yung pusa ko hahaha ayaw nya kasi sa pusa nangangalmot daw
"Sige na nga pero kami lang ang mag geget together hah hindi kayo" pagsuko nya
Napangiti naman ako haha may pagkaseloso talaga eto and about dun sa nakita ko sa park hmm siguro ipagpapaliban ko na muna yun. Ayoko ng pag usapan yun at masakit sa kalooban hahaha o kaya maybe sa susunod na araw nalang
Maya maya pa ay bumalik na si Mom at si Doc
"Pwede ka ng umuwi. Inomin mo lang yung mga irereseta kong gamot and also bawal ka sa mga mausok or maalikabok na lugar, bawal magpapagod, iwasan mo din ang pagiging emotional at bawal ang mabalahibo especially mga pusa" sabi nya