Jhoane's POV
"Ano ba yan dapat wala ng ganito pagod lang ang makukuha natin dito eh" Inis na sabi ni Alyssa
Ngayon kasi ay ginaganap ang tinatawag na music festival ewan ko kung bakit haha tapos may mga activities din pati mga booth bale 1 week ang tagal nitong festival. Minsan may pageant pa nga eh o kaya ay competition na may kinalaman sa music. Eto namang mga kasama ko kanina pa nagrereklamo mapapagod lang daw sila tapos boring daw hay naku ewan sa kanila ang saya nga eh hahaha
--------------
Alyssa's POVHumiwalay muna ako sa mga kaibigan ko kasi ang boring eh. Actually lahat pala kami naghiwa hiwalay
Tingin lang ako ng tingin sa mga booth na nakikita ko pero ni isa wala akong nagustuhan
"Try mo kayang mag enjoy"
Napatingin ako dun sa sangsalita sa likod ko at nalaman ko na si Christian pala to yung halos 3 months ng nanliligaw sakin pero ayoko pa syang sagutin tinatamad ako eh hahaha
"Ang boring kaya pano ko makakapag enjoy" sabi ko
"Sasamahan nalang kita para masaya tara dun sa mga booth" hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya ako papunta sa mga booth. Una naming pinuntahan ang booth na magpapa drawing ka sa mukha mo ng kung anong gusto mong design face paint kung baga
"Gusto mo palagay tayo?" nakangiting tanong ni Christian
"Ayoko magkakalat lang yan mainit pa naman" sagot ko sabay hila sa kanya palabas
May nakita akong isang booth na nakalagay ay 'Jail Booth' bigla kong naalala si Pia hahaha yare ka sakin
"Kuya magkano pag may ipapahuli?" tanong ko kay kuya na nagbabantay. Nasa likod ko lang si Christian
"50 po ang pahuli para naman po makalabas ay 100" sagot ni kuya
"Sige po kuya dalawa ang ipapahuli ko pero pwede po bang mamaya nyo sila hulihin mga pagabi na dapat para masaya hihihi" Shete naiisip ko palang yung plano ko natatawa na ako panigurado maglulupasay si Pia mamaya hahaha
Sinulat ko ang pangalan ng dalawang ipapahuli ko saka kami umalis. Dahil sa plano ko nagkaron ako ng ganang mag enjoy kaya naman halos lahat ng booth pinuntahan namin ni Christian. Enjoy naman pala ang Music Fest basta kasama mo ang mga mahal mo lalo na ang lalaking kasama ko ngayon. Yep tama po kayo ng basa may feelings ako kay Christian pero ayoko pa syang sagutin kasi nga tinatamad ako hahaha baka sooner or later gagawin ko na but hindi pa ngayon
-----------------
Jamilah's POVMagkahawak kamay kami ni JR habang naglalakad at naniningin ng kung anu ano minsan pag may nagustuhan kaming booth pupuntahan namin pero may isang booth ang hindi pa namin napupuntahan ang marriage booth at gustong gusto nyang pumunta dun pero sabi ko ayoko gusto ko kasi mamayang gabi para nakabukas ang ilaw at bongga ang dating
"Sige na please punta na tayo dun" pagmamakaawa nya haha ang cute nya talaga
"Ayoko nga dun mamaya na" kunyari naiirita ako sa kakulitan nya pero totoo hindi haha
Mag sasalita na sana sya kaso may biglang nagsalita sa likod namin
"Jamilah!!" si Tiffany pala kaklase din namin
"Bakit Tiff?" tanong ko
"Pinapatawag ka ni maam hope sa office" sabi nya. Tumingin ako kay JR at nakita kong nakasimangot ito. Hayst anong gagawin ko? Hindi ko na nga sya napag bigyan tapos iiwan ko pa sya
"JR sorry hah mabilis lang ako babalik din ako agad sorry talaga Love you" mabilis akong tumakbo papunta sa office para matapos agad. Pagkapasok na pagkapasok ko sumalubong agad sa akin ang gabundok na mga papel