Timothy's POV
Its monday and still di ko pa din kinakausap si Jhoane. Tuwing naaalala ko yung nangyari last Saturday naiinis ako. Yung pag ngiti nya dun sa lalaki arrggghhh!!! alam naman ni Jhoane na madali akong mag selos but still gusto nyang sya ang masusunod pero di naman ako galit sa kanya sadyang ang sarap lang talaga nyang pag tripan. Di ako nagre reply sa mga text nya at di ko din sya pinapansin hahaha nagpapa.miss lang ako sakanya pero parang ako ang talo kasi miss na miss ko na sya
Nag aayos ako ng gamit ko ng biglang tumunog yung buzzer which means may announcement ang mga Broadcasters kasama na dun ang girlfriend ko
"Hoy Dean!!!"
teka boses ni Jhoane yun ah?
"yup?"
"pwede bang sabihin mo sa bestfriend mo na si Timothy na sorry na? Miss ko na kasi sya eh and paki sabi na din na di ko na ulitin yung ginawa ko kasi sya lang naman ang love ko. Di ko kayang wala sya sa tabi ko kasi baka ikamatay ko you know naman na para syang oxygen ko, once na mawala sya mamamatay ako"
pfft hahahaha
"Hoy Timothy! ano bang ginawa mo kay Jhoane at nagkakaganun yun? ginayuma mo sya noh?" sabi ni Rowiz kaklase ko
"baliw hindi no" sagot ko
"waaahhh Dean bakit kulay pula yung 'on air'??!!!!!!!!!!!!!!!" nakinig ko pang sigaw.nya kaya.napatawa nalang ako
ang cute talaga nun hahahaha
Pagkalabas ko ng room lahat sila nakatingin sakin yung iba parang kinikilig pa hahaha sino bang hindi? hayst mapuntahan na nga si Jhoane
----------------------
----------Jhoane's POV
aishh nakaka hiya talaga. Kanina pa ako nag lalakad dito sa hall at kanina pa din ako pinag titinginan. Yiiieee nahihiya na talaga ako waaah lupa kainin mo na ako......wait wag pala kasi baka mabawasan pa ng magaganda sa mundong ito pero huhuhu nahihiya pa din ako mga chong
Nakinig na kaya ni Tim yung sinabi ko kanina? What if nakinig nya tapos wala syang pakielam? Baka nga makipag break na sya sakin huhuhu that would be a big NO NO pero baka magpumilit sya na makipag hiwalay sakin. Di ako papayag
"Jhoane!!!"
Waaaahhh speaking guys alam kong boses nya yan kahit naka talikod pa ako
'Jhoane wag kang lilingon baka makipag hiwalay na yan sayo'
"Jhoane!!" tawag ulit ni Tim. Waaahhh ayoko na
Tumakbo na ako pero hinahabol pa din nya ako
"Huy Jhoane ano ba!??" sigaw nya
"Dont follow me na Tim!" sigaw ko din pabalik
"Jhoane tumigil ka nga at mag usap tayo"
"I dont like. Ayokong makinig sayo kasi makikipag break ka lang sakin" pagka sabi ko nun ay saktong naabutan nya ako then hinigit nya ako papuntang garden
-------------
---Pagkadating namin sa garden ay walang umiimik saming dalawa
Hala baka iniisip nya kung makikipag hiwalay na ba sya sakin oh hindi
"Jhoa-----"
Bago sya magpatuloy sa kung ano man ang sasabihin nya ay inunahan ko na
"Timothy please pwede bang pag isipan mo muna? Oh kaya wag mo ng pag isipan kasi Tim di ko kaya eh. Sorry dahil pinilit pa kita mag laro ng buset na 'jealousy game' na yun yan tuloy nagkanda leche leche tayo. Timothy please sorry na di ko na uulitin promise wag kang makipag break sakin please please please di ko talaga kakayanin Tim eh huhuhuhu" napaiyak na ako at wala akong pake kung.may makakita man
Ang sakit pala kahit hindi pa nya sinasabi ang sakit na waaaaahh ang sak---
"pffft"
Teka.......
Tinignan ko si Timothy at kumunot ang noo ko. Natatawa ba sya?
"hahahahahahahaha" tawa nya
"Yah!!! Bakit ka tumatawa?" tanong ko na may kasamang hampas sa braso nya
"hey stop it masakit na ah. And why am I laughing? Because of you haha di naman kasi ako makikipag break sayo kasi bakit ko yun gagawin? Ang tagal bago ka mapasakin tapos makikipag break lang ako? Wag na uy at tsaka gusto kitang makausap para humingi ng sorry kasi iniwasan kita, napabayaan at napaiyak. Sorry kasi ang bilis kong mag selos. Pero ang totoo di naman ako galit sayo eh gusto lang kitang pag tripan at nagpapa miss din pero di ko akalain na mas mamimiss pala kita"
Sabi nya then hinigit nya ako at.niyakap. Yumakap na din ako at ngumiti hayst akala ko makikipag hiwalay na sya sakin hahaha nakakahiya ako napaka praning ko naman kasi
"so bati na tayo?" tanong nya
Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya
"yup bati na tayo sorry hah"
"nah its ok tara date tayo para naman maka bawi sayo tignan mo oh mukha kang zombie di ka naka tulog noh" sabi sya
Kilalang kilala nya talaga ako hahaha
"sino ba namang makakatulog kung hindi ka pinapansin ng boyfriend mo tapos di pa nagre reply sa mga text mo" alburuto ko
Tumawa lang sya kaya hinigit ko na sya papuntang parking lot. Lunch break naman kaya makakagala pa kami