By Your Side

10 2 0
                                    

Jhoane's POV

Back to normal na ulit I mean aral ulit hahaha

Pag labas ko ng bahay ay walang Timothy ang sumalubong sakin. Wierd? Araw araw naman nya akong inaabangan ah hmm siguro may ginagawa kaya no choice papahatid ako

"Kuyaaaaaa!!!!!" pagtawag ko sa driver namin na kuya ang tawag ko ayoko ng manong masyadong pang matanda eh di pa naman sya ganun ka tanda

"Papahatid ka po maam?" sabi nya na tinanguhan ko. Agad naman syang pumunta sa garahe para kunin yung kotse

Pagdating ko sa school ay nakita ko si Eunice

"Yow Eunice" pagtawag ko sakanya

"Anyeong Jhoane" sabi nya. Sabay na kaming naglakad since magkaklase naman kami. Pagpasok namin ay nandun na si Prof hala late na kami!?

"Dont worry hindi kayo late sadyang napa aga lang ang pasok ko ngayon hahaha Jhoane wag ka ng kabahan dyan umupo na kayo" woo grabe si maam pinakaba ako hahaha

Nagklase na kami at itong katabi ko which is Alyssa ay natutulog. Kinurot ko nga

"Araaayyy!!!!!!" sigaw nya pfft

"Your problem Ms. Villanueva?" tanong ni Prof

"Ahh sorry maam may lamok lang"

"In this early?" takang tanong ni maam hahaha ganda ng palusot ni Alyssa eh

"Ah hehehe"

Nagpatuloy na si maam sa pag susulat sa board at pasimple naman akong sinabunutan ni Alyssa

"Ano bang problema mo Jhoane kita mong natutulog ako eh" inis na sabi nya

"Duh yun na nga eh natutulog ka sa klase pano kung nahuli ka edi wow hahahaha sinave ko life mo noh" natatawang sabi ko

"Tsk puyat kasi ako nakakapagod mag alaga kay kuya ooopps" nagulat naman ako sa sinabi nya. May nangyari ba kay Tim? Hala!!

"Anong nangyari?" tanong ko

"Uhmm ano kasi si kuya ahh may sakit ayaw nyang pasabi sayo kasi baka daw sumugod ka sa bahay at hindi pumasok shh ka lang hah baka pagalitan ako nun" sabi nya. Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat. Siguro mamaya ko nalang sya pupuntahan pagkatapos ng klase. Tsk kaya pala wala sya kanina yun pala may sakit hindi manlang nag iwan ng text gigil nya talaga si ako

Pagkatapos ng klase ay sabay sabay kaming lumabas nina Jam

"Girl balita ko wala daw ngayon si Timothy tapos diba kanina wala din si Jonathan? Di kaya may nangyari na sa kanilang dalawa? Oh my gosh" praning na sabi ni Eunice hahaha baliw talaga yan. Pero ngayon ko lang nalaman na wala pala kanina si Jonathan hmm sabagay kakatransfer lang nya kaya di pa ako sanay

"Eunice wag kang imbento ng kwento kaya wala si Timothy kasi may sakit si Jonathan naman  ay nasa States may emergency binigyan lang sya ni maam Hope ng isang linggo para ayusin yun" sabi ni Jam. Gaano kaya kaimportante yung emergency na yun at kailangan talagang puntahan take note sa States pa hayst wag na ngang problemahin yun

"Bakit mo alam yun Jam stalker ka ba ni Jonathan? Yieeee" Pang aasar ni Alyssa

"Baliw hindi noh pake ko ba dun? At FYI president ako kaya alam ko yung dahilan nya duh" sagot naman ni Jam. Tela nga pansin ko ang daldal nya ngayon

"Ay oo nga pala hahahaha" baliw talaga tong si Alyssa

"Tama na nga uwi na tayo baka gabihin tayo sa asaran nyo dyan. Alyssa sabay na tayo pupuntahan ko kuya mong abnormal" sabi ko kasi totoo pag nag simula yang mga yan mag asaran naku walang ng makakapigil sa mg yan

almost perfectWhere stories live. Discover now