May mga bagay talaga na mahirap pigilan, lalo na kung tadhana ang may gawa. Hindi ka naman puwedeng umatras dahil kung tatakbo ka patuloy ka lamang nitong susundan kahit saan ka man magtago.
Sa mundong ginagalawan natin tila ba isang malaking kasalanan ang maging isang anak sa labas. Ganiyan kamapanghusga ang tao. Kasalanan ba nila ang minsang pagkakamali ng mga taong naging dahilan ng pagsulpot nila sa mundo?
Walang sinoman ang may kasalanan sapagkat ito ay bahagi ng ating kapalaran.
Bawat isa sa'tin may lihim na itinatago, mga lihim na takot nating ibunyag. Mga lihim na kahit hanggang hukay handa nating isama. Ngunit gaya nga nang madalas sabihin ng iba, walang lihim na hindi nabubunyag sa takdang panahon.
BINABASA MO ANG
EROS ACADEMY: Khyra's First Day
Teen FictionOur life is full of mysteries, and these mysteries will only reveal when the right time comes.