Isn't it amazing? Isn't it exciting? WOAH!
Bakit ba kasi kailangan ko pang lumipat ng school?
Panibagong pakikisama na naman 'to!
Si Mama naman kasi, bakit kasi kailangan niyang sundin si Papa? Kainis naman kasi! Tsk! Haist naman talaga.
Naalala ko, noong unang araw na nakita ko siya, 'yong unang araw na sumulpot siya sa buhay ko, sa buhay naming dalawa ni Mama...
Tama kayo, I'm a big BASTARD. I don't care. Oo, anak nga ako sa labas pero 'di ko naman kasalanan kung minsan nakalimot ang mga magulang ko. Na kung bakit pa ako isinilang sa mundong 'to.
Oo nga pala, nagsasama na sila ngayon ni Papa nang legal, may 3 years na rin kasing patay ang dating asawa ni Papa. At ngayon nga 2 months na silang nagsasama ni Mama as legal husband and wife. At dahil doon, biglang nagbago ang takbo ng buhay namin ni Mama, lalong-lalo na ako. Sabi ko kasi kay Papa, tatapusin ko na lang muna 'yong school year na 'to bago ako lumipat ng school. Pero ang kagustuhan pa rin niya ang nasunod, maging si Mama, walang nagawa. Sabagay siya naman ang tatay ko kaya nakiayon na rin ako sa kagustuhan niya. Sabi niya, mas mainam daw na malapit lang sa bahay ang school. Isa pa para mabantayan din daw ako ni Khai, he's my older half-brother—Khai Milboure. Bantay, eh mukhang siya pa nga ata ang magpapahamak sa akin. My half-devil, half-brother.
Khai doesn't like me, halata naman 'yon. He's too annoying, mayabang, suplado, masungit at isang malaking kontrapelo sa buhay ko. Simula nang lumipat kami sa masyon, wala nang ibang ginawa si Khai kundi ang buwisitin ako at kontrahin akong palagi. Buti na lang at nag-iisa lang ang Khai Milboure sa buhay ko, kasi kung dalawa sila, 'di kakayanin ng powers ko. Bigti na lang.
Wait, nakalimutan ko pa lang ipakilala ang sarili ko, una ninyo pa tuloy nakilala si Mr. Annoying half-devil.
Hi, I'm Khyra Marie Milboure, 15 years old at Grade 9 na ako. At ito ang unang araw ng pakikibaka ko sa bagong school na papasukan ko, ang EROS ACADEM. 'Di ba, pangalan pa lang, nakaka-in love na?
Hayan na si half-devil, my annoying half-brother. LAGOT!
"Hoy Yra, bilisan mo nga ang kilos, baka ma-late tayo. Oras na ma-late tayo, you're dead!" Pagkawika noon ay nagtungo na siya sa garahe.
Ang sungit talaga! Saan kaya 'to pinaglihi ng Mama niya? Sa sama kaya ng loob o kay Miss Tapia?
Tsk. Nakakainis, pinanindigan niya talaga ang pagtawag sa akin ng Yra. Sabagay, okay na 'yon kaysa naman patuloy niya 'kong tawaging Khyra-Kirara. Palibhasa maputi siya, samantalang ako ay isang morena. Natural magkaiba kami ng ina. Isa pa, nakuha niya kay Papa 'yong kulay niya habang ako, kay Mama ko naman nakuha 'yong complexion ko.
"Hayan na po, your highness!" Nang-iinis kong sagot, habang sinusundan siya papuntang garahe.
"Kuya Ai, hintayin mo naman ako!" Ang totoo ayoko naman talaga siyang tawaging kuya, si Papa lang ang makulit. Mas matanda raw kasi si Ai, kumusta naman eh magka-age lang naman kami. Katwiran pa ni Papa, una raw lumabas si Kuya. Oo, una nga siyang lumabas kaysa sa akin, eh mga isang oras lang yata ang pagitan namin. Tsk. Galing, 'no?
"P'wede ba Yra, don't call me kuya, lalo na sa school. And one more thing, stop calling me Ai, it's Khai. Understood?"
"Ba't ikaw, Yra tawag sa akin?"
"P'wede ba, h'wag ka nang marami pang tanong, ayoko sa lahat maingay. Pasok at male-late na tayo."
BINABASA MO ANG
EROS ACADEMY: Khyra's First Day
Teen FictionOur life is full of mysteries, and these mysteries will only reveal when the right time comes.