EROS ACADEMY
Ilang minuto lang ay narating na namin ni half-devil ang school, medyo malapit lang din kasi ang subdivision na tinitirahan namin sa school.
“Wow ang ganda!” fascinated kong wika, habang inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng campus.
“Laway mo, nakakahiya ka. D'yan ka na nga, una na ko sa klase ko.” At nagmartsa na palayo si kuya. 'Di ko man lang natanong kung saan ang room ko.
Khai’s POV
'Di ko alam kung saang planeta ba nanggaling 'tong half-sister ko na 'to. I know she’s smart pero kung umarte akala mo galing bundok.
Noong una, hesitant ako sa pagdating nila sa buhay namin ni Papa. Pero after knowing her, nagbago ang tingin ko sa kaniya. Nakatutuwa talaga siya, lalo na kapag naiinis siya kaya nga gusto kong lagi siyang iniinis. Ang sarap pala ng piling na may kapatid ka, at isang gaya pa ni Yra. Ang saya talaga!
I’m too lucky having her as my sibling, and I do really love her. Ahahha! 'Di lang halata kasi iba ang ipinakikita ko sa kaniya. 'Di lang talaga ako showy pagdating sa nararamdaman ko.
Kung may isang bagay lang akong dapat gawin ngayon, ang protektahan s’ya mula sa mapanghusgang mata ng mga tao.
Oo at anak siya ni Papa sa iba pero hindi naman niya kasalanan 'yon. Saka biktima lamang siya, maging ako ng nakaraan. Kaya walang dapat sisihin.
Si Tita Elysse talaga ang girlfriend ni Papa noon. Sobrang mahal ni Papa si Tita pero may isang pangyayari ang naging dahilan upang paghiwalayin sila ng tadhana.
Yeah, I know the true story behind, ikinuwento lang sa akin ni Mama bago siya bawian ng hininga.
S-in-et-up or should I say pinikot niya si Papa. Ayaw niya kasing maikasal ito at si Tita. Kaya ayon, five months before the wedding naganap ang plano ni Mama.
Hindi ko naman masisi si Mama, alam kong kaya niya nagawa ang bagay na 'yon ay dahil sa labis na pagmamahal niya kay Papa. At dahil nga sa planong 'yon ni Mama, Dyaran! Nabuo lang naman ang isang gwapong ako. Dahilan upang hindi matuloy ang nakatakda na sanang kasal ni Papa kay Tita Elysse.
Dahil sa nangyari bigla na lang nag-disappear si Tita at walang nakaaalam kung saan ito nagtungo. Alam ko kung gaano kasakit para kay Tita 'yon pero nagpaubaya pa rin siya. And because of her lumaki akong may kinikilalang ama habang si Khyra naman ay wala. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat na buntis si Tita nang bigla na lamang itong naglaho noon.
Ang daldal ko 'no? But you should know, ayokong husgahan ninyo si Yra pero 'di ibig sabihin noon ay si Mama naman ang dapat ninyong husgahan, nagmahal lang si Mama. Oo alam kong mali pero hindi ko naman siya masisi.
Pasok na nga ako ng room. 'Di ko namalayan nasa tapat na pala ko ng classroom namin. Nasaan na nga ba ang Yra na 'yon?
-End of Khai’s POV
BINABASA MO ANG
EROS ACADEMY: Khyra's First Day
Roman pour AdolescentsOur life is full of mysteries, and these mysteries will only reveal when the right time comes.