Super Twins

120 6 5
                                    

ATHENA BUILDING

Naliligaw na yata ako? Saan ba kasi 'yong Room A-7? Kanina pa 'ko paikot-ikot sa building na 'to? Si Ai kasi, 'di man lang ako hinintay o sinamahan man lang bago pumunta ng room niya.

"Hey, may new student!"

"Oo nga!"

"Who is she?"

"Kilala ninyo ba siya?"

Narinig kong bulungan ng mga taong nadaraanan ko sa may corridor.

At last nakita ko rin.

Room A-7 (Grade 9: Sec. A)

Late na ako! Naman! Alam mo 'yong papasok na sana ako, tapos ay naunahan ako ng teacher namin na pumasok ng pintuan. Ang galing, 'di  ba? Si Ai kasi, iniwan ako hindi man lang itinuro sa akin kung saan  'yong building at room ko. Ang husay niya talagang kapatid, ang sarap ipatapon sa Timbuktu. 'Pag nakita ko siya mamaya, humanda siya sa 'kin, iuuntog ko talaga siya sa bones ko.

"Sorry sir, I'm late," nakayukong wika ko. Naman, nakakahiya talaga. First day of school late agad. What the...

"Do you belong in this class?" may pagtatakang tanong niya sa akin.

"Yes sir!"

"Are you a new student?" tanong pa niya.

"Yes, sir!"

"You may now enter the room, but before you go to your seat, you must introduce yourself first in front of the class," he said while smiling at me. Mukhang mabait si Sir.

Kakaba-kaba akong pumunta sa harapan ng klase habang malayang inililibot ang aking paningin sa paligid.

"Good morning. I'm Khyra Marie Milboure, 15 years old. It's my pleasure to be here at Eros Academy." Isang matamis na ngiti ang ipininta ko sa aking labi matapos kong magpakilala, mukha naman kasi silang friendly, though star section ito. At tingin ko naman, hindi encyclopedia ang lagi nilang hawak at hindi nila kabarkada si Einstein. Sa dati ko kasing school ,weird and nerd ang karamihan kong kaklase, para silang mga hindi normal, 'yong parang mga alien na galing outer space.

"Wait, you're a Milboure?" hindi makapaniwalang wika ng isa sa mga kaklase ko.

Tsk! Ano naman kung isa akong Milboure, anong issue do'n?

"Yes, I am," nakangiting sagot ko. Bakit kaya nila natanong? Siguro kilala nila si Ai.

"Are you related to Khai?" Sabay lingon niya  sa may likuran.

Ai! Huwag mong sabihing magkaklase kami? Ano ba 'yan, kung alam ko lang...disin sana, hindi na 'ko naligaw at 'di rin sana ako na-late sa klase.

"Ahm..."

"Yes, she is. She's my long lost twin sister," nakangiti pang wika ni kuya, sabay kindat sa akin. Proud? Kita mo 'tong mga 'to parang wala kaming teacher sa harapan.

"What?" Tila gulat na magkapanabayang wika ng mga kaklase namin. Ako man tulad nila ay nagulat din. Kaya nga 'di ko mapigilang hindi tapunan ng makahulugang tingin si Ai. Anong nakain no'n?

"How come?" Diskompyadong tanong  ng lalaking nasa gawing kanan ni Ai.

"'Di nga? You too look different from one another. And there's no sign that the two of you were twin?" Singit pa ng isa sa mga kaklase namin babae na naka-headband.

Napaisip tuloy ako, wala nga ba ni katiting na resemblance kaming dalawa ni Ai? Ewan, 'di ko alam? Kung kulay  nga, magkaiba na kami.

"Yeah, He's right bro...you're just kidding, right, Khai?" Singit pa no'ng isang lalaking katabi ni Ai sa gawing kaliwa niya.

"Kung ayaw ninyong maniwala, eh 'di h'wag ninyo. Long lost nga, 'di ba? Saka, 'di naman kami identical twins, kaya malamang 'di kami magkamukha." Iritabling wika ni Ai.

May tinatago rin pala kahit na katiting na kabaitan 'tong half-devil-brother ko. Kunwari lang pala siyang matigas. I think I am starting to like him na as my brother.

"Ok, that's enough." Our teacher said. "Ms. Milboure, please occupy the vacant seat beside Mr. Sanchez and Mr. Montairé," he added.

At naglakad na nga ako papunta sa upuang nakalaan sa akin. Ano ba 'yan, 'di ba marunong magtagalog mga tao rito? Malapit na kong maubusan ng dugo.

"Hi, I'm Cloud Sanchez," nakangiting wika ng lalaking nakaupo sa right side ko. Hay isa na namang feelingero. Naman, oh! Bakit ba ang daming naglipanang feelingero sa  Earth ngayon?

So, kung siya si Mr. Sanchez, 'yong lalaki naman sa left ko ay si Mr. Montairé. Hindi ko tuloy mapigilang hindi siya lingunin bago ko tuluyang ituon ang atensiyon ko sa harapan.

"Mr. Sanchez!" wika ni sir, habang makahulugan niya itong tinitigan sa mga mata.

EROS ACADEMY: Khyra's First DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon