Break Time
As usual dahil break time, isa lang naman ang palaging tambayan ko, ang LIBRARY. Tahimik kasi rito malayo at sa ingay.
Pagpasok ko ng library naghanap agad ako ng puwesto. Buti na lang may ilan pang bakante. Saan kaya ako puwedeng pumuwesto?
Lilingap-lingap ako sa paligid, nagbabakasakaling makakita ng magandang puwesto. Hanggang sa...hey, classmate ko 'yon. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Montairé, 'yong seatmate ko sa left side. Dito rin pala siya naglalagi. Hmm! Sa kaniya na lang kaya ako tumabi? Tsk! Nevermind na nga lang, mukha namang snob at aloof ang lolo mo, paki ko ba. Hanap na nga lang ako ng ibang puwesto.
Muli ay naghanap ako ng mapupuwestuhan. I got it! At ang ganda pa ng view. Wala, 'di ko naman kasalanan na nakaharap sa puwesto niya 'yong puwesto ko. 'Di ko sinadya 'to, nagkataon lang.
Ang cute niya talaga. Ay mali pala 'yong description ko, ang gwapo niya. Marunong naman ako kahit papaanong mag-appreciate ng beautiful creatures ni God at isa na siya doon, kaso mysterious and silent type ang peg ng lolo ko. Galit ba siya sa mundo?
Detective mode activated
Wait, may papalapit sa kaniya. Kailangan kong magmanman. Sino kaya 'yon? Sino kaya 'yong babaeng lumapit sa kaniya? Ang bad ko, nakikiusyoso ako. 'Di naman halata kasi, palihim naman ang pagsilip ko sa kanila, kunwari nagbabasa ako pero ang totoo minamatyagan ko sila. Descendant ata ako ni Conan.
Hmm...may iniabot ang misteryosang babae na 'yon kay Montairé na nakalagay sa isang envelope na maliit—isang love letter?
Haba ng hair ng lolo mo. Wait, Bakit 'di man lang niya inabot o tiningnan man lang 'yong laman ng envelope. Tapos, bigla na lamang siyang tumayo at umalis. Anong problema no'n?
Tsk! Hard naman niya. Suplado lang ang drama.
After 15 minutes, balik na ako sa room namin, may 15 minutes pa naman bago mag-start 'yong susunod naming klase.
Pagpasok ko ng room sinalubong agad ako ni Ai. Hinila niya 'ko papunta sa mga kaibigan niya.
"Nga pala Khyra, saan ka galing? 'Di kita nakita sa canteen, kumain ka na ba?" usisa pa ni Ai.
"Sa library, at oo kumain na ako kuya."
"KUYA?" Halos magkapanabayang wika ng mga kaibigan ni kuya, tila mo ba mga hindi kumbinsido sa kanilang narinig.
"Yeah, he's 1 hour or less older than me. Kaya kuya. Get it?" I gave them a fake smile. Nakakainis na kasi. Tsk! Alam kong masama ang magsinungaling, si Ai kasi eh. Nakabuti rin siguro na magka-birthday kami, though obvious naman na malabong maging kambal kami. Hay, hanggang kailan kaya namin mapapanindigan ang palabas na 'to?
Hinila ko si Ai palayo sa kanila, at kinausap ko siya nang sarilinan.
"Ai, Ano ba namang palabas 'to? Bakit kailangan mong magsinungaling sa kanila? Eh, sooner or later din naman, malalaman nila ang katotohanan." Inis kong wika sa kaniya. 'Di ko kasi makuha ang punto niya. Ginagawa ba niya 'to para sa future plan niya na pabagsakin ako? 'Di ko kasi mabasa ang nasa isip niya. At bakit kailangan niyang gawin ang isang malaking kasinungalingang kagaya nito?
Oo, alam kong hindi kami in good terms ni Ai pero hindi ko makita ang punto niya. Bakit?
"Dahil ayokong husgahan nila ang pagkatao mo. Prinoprotektahan lang kita, kasi ayokong masaktan ka...kasi kapatid kita at mahal kita. Maybe I am a fool when I tell them a big lie. Pero iyon lang kasi ang nakikita kong paraan para maprotektahan kita," deryosong wika ni Ai. Nakita ko na, he really mean what he say.
BINABASA MO ANG
EROS ACADEMY: Khyra's First Day
Teen FictionOur life is full of mysteries, and these mysteries will only reveal when the right time comes.