Author's Note
Here comes the next chapter, but do not expect too much with this.
**************
"Khyra, anak kumusta naman ang unang araw mo sa school." Salubong na tanong ng mama niya sa kaniya, hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng mansiyon.
"Okay naman po ang unang araw ko, nakakatuwa po 'yong mga klasmeyt ko. At alam mo ba, Ma, classmate ko si Kuya Khai." Masayang pgbabalita niya.
"Talaga! O, kumusta naman kayo ni Khai sa school? Baka naman para kayong aso't pusa na nagbangayan doon, gaya nang madalas niyong gawin dito sa bahay." Sabay tingin nito kay Khai na abala naman sa pag-aayos ng gamit sa nito loob ng sasakyan.
"Hindi po Ma, sa totoo nga po niyan..." Bigla sayang napatigil sa pagsasalita nang maalala niya ang sinabi ng half-brother niya habang nasa daan sila pauuwi na kanilang tahanan.
"Don't be too assuming Yra, ginagawa ko lang 'yon para kay Papa. Isa pa, it doesn't mean na okay na tayo pagkat ang lahat nang iyon ay pawang palabas lamang. Ito ang tatandaan mo, do not mess up with me, o makikita mo ang hinahanap mo. Maliwanag ba?" wika nito habang seryoso pa rin sa pagmamaneho.
So, pawang palabas lamang pala ang lahat at isang malaking kasinungalingan. Sabagay, hindi naman mababago noon ang katotohanang sampid lamang kami ni Mama sa buhay nila. Sa isip-isip niya habang malayang minamalas ang tanawing nadaraanan nila.
"As you wish, my young master." Walang kabuhay-buhay niyang wika.
"Alam mo Ai, medyo plastic ka rin, 'no? Sabagay at least lulutang ka at hinding hindi ka lulubog," komento pa niya.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin. ginagawa ko lang 'to para pangalagaan ang pangalan ni Papa. Kaya kung ako sa 'yo, just pretend." Seryosong wika nito.
Isipin mo na ang gusto mong isipin Yra. Bahala ka na kung sa palagay mo ay isa akong mapagpanggap. Sabagay, tama ka naman pero bukod kay Papa, gusto ko rin kayong protektahan. Tama na 'yong isipin mong selfish ako, gusto ko lang din protektahan ang sarili ko. At sa pamamagitan nito, maipapakita ko sa 'yo kung gaano ka kahalaga sa akin, kahit na sa paniniwala mo, isang malaking palabas lamang ang lahat. Wika niya sa sarili habang seryoso pa rin sa pagmamaneho.
"Okay lang naman po kaming dalawa ni Ai sa school, saka promise Ma, hinding-hindi po ako makikipagbangayan sa kanya ro'n...liban na lang po kapag nandito kami sa bahay." Nakangiting sagot niya sa Ina at iginiya na siya nito papasok ng bahay.
>>>>>>
may kasunod pa 'tong bahagi na 'to...
BINABASA MO ANG
EROS ACADEMY: Khyra's First Day
Teen FictionOur life is full of mysteries, and these mysteries will only reveal when the right time comes.