Kapag gusto, may paraan.
Kapag ayaw...
'Wag mong sukuan!
'Yan ang motto ko sa lahat ng aspeto ng buhay. Mapa-career man o love. Kahit naman kasi lumaki ako sa isang may kayang pamilya, my parents raised us na talagang nagbabanat ng buto at may sariling diskarte; hindi dapat nakaasa. Dapat makuha ko ang gusto ko sa sarili kong paraan, sa tama at patas.Kaya heto ako ngayon. Hard working to get what I want. Ang lalaking para sa 'kin.
"Hi, goodmorning. Pogi natin ngayon ah?" bulaga ko sa sinasabi nilang: pinakabaduy, one dimensional, epitome of boring and predictable type of guy dito sa University na pinapasukan ko; si Terrence Miguel Faulkerson III. A guy with a thick eyeglasses and blue braces, na responsable sa pagka-delulu ko. Ang kauna-unahang lalaki na nagpatibok sa puso ko.
Well, hindi lang kayo ang nagsasabi at naghuhusga sa katangahan ko ano? Dahil sa kabila ng kagandahan at kasikatan ko bilang campus queen sa isang suplado at sobrang choosy na geek ako na-fall.
Everything is unpredictable nga kasi. Kapag tinamaan ka ng palaso ng pag-ibig, wala na! Susundin mo na lang kung ano ang tibok ng puso mo. Ganun!
Kagaya ngayon. Mahigit trenta minutos ko na siyang inabangan dito sa may labasan ng school, para lagi kaming sabay pumasok. Pero ito nga, sa kabila ng matagal na paghihintay ko - na halos tubuan na ako ng kulani sa paa at ugat sa binti - isang dead glare pa ang ganti nito sa akin.
UGH! HUSTISYAAAAA!!!
"A.YO.KO! Capital letters with exclamation point, Tarah. Kaya tigilan mo na ako, please. Busy ako, wala akong panahon sa kakulitan mo." Pagsusuplado pa niya. Gahd. Ikinagwapo eh!
"Wow, ah! Ang ganda ng bati ko tapos, ganyan?! Daig mo pa init ng ulo ko kapag may monthly period. Ano ba? Wala naman akong sinasabi ah? Ba't ba ang sungit mo?" Reaksyon ko. Alam ko naman na nakukulitan na sya sa akin, kakatanong kung pwede ko ba syang ligawan; pero naman... kapag mahal mo, dapat um-effort ka, ganoin.
Bigla siyang huminto sa paglalakad and then he faced me, "Fine. Goodmorning, Miss cheerleader. Sorry if I am 'road'." Anya sa tonong nang-aasar at talagang in-emphasize yung in ngayon na road instead of rude. "Is that okay now? Titigil ka na ba?" He added.
"Yun! Better." Hirit ko sabay ngiti. Yung pinakalaglag panty kong ngiti. "Titigil? Ako? Pwede... kung sasagutin mo na ako at magiging boyfriend na kita." Punto ko pa, straightforward dapat. Ganda ko eh!
He make a face at napailing sa sinabi ko. Wow! Siya na talaga grabe!
"Tarah, alam mo ba yang sinasabi mo? Pinagtitinginan tayo oh? Hindi ka ba naaalibadbaran sa pinaggagawa mo? Itong pagkukulit mo sa 'kin? You're the campus queen, the cheerleader, the muse. Kinaiinggitan ka ng lahat ng babae dito sa campus; at halos lahat ng boys, lalong-lalo na sa varsity team, ikaw ang pinapangarap na maging girlfriend nila. Now what? Sa isang unpopular, nerdy - baduy na katulad ko lang, nagpapa-cute ngayon? Napaka-bored na ba ng buhay mo at wala kang ibang mapaglaruan kundi ako ah?!" Mahabang punto niya sa akin, at kitang-kita ko sa mga mata niya: ang sakit, pagdududa, inis at awa sa sarili.
Actually isa 'yan sa rason. Naaawa din ako sa kanya, parang wala siyang kaibigan.
"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala na sincere ako sa nararamdaman ko? Lakumpake kung sikat at hinahangaan ako ng iba. Hindi ko hinangad ang maging ganun, in the first place, ikaw lang ang gusto kong humanga sa 'kin. At saka, porke't ganun - eh, wala na akong karapatan na magkagusto sa taong malayong-malayo sa mga taong araw-araw kong nakakasalamuha? Hindi ka lang OA, judger pa." Untag ko. Kainis na rin kasi.
He hissed, "OA, judger, boring, baduy, pangit. Oo, ako ang lahat nang 'yun! Kaya stop. Quit playing, Tarah."
Napabuntong hininga na lang ako. Malalim. Para mailabas ang pagkadismaya ko.
"Tsk. Pwede ba, ilayo mo nga sa utak mo na pinaglalaruan kita - kasi hindi naman! At enumerate mo man ang lahat ng kapangitan ng genes mo, never akong ma-di-disappoint. Magmukha man akong engot dito, kakahabol sa 'yo, Terrence Miguel Alonzo, I don't give a damn! Believe me or not, I like you..."
After I said that heartful confession at the middle of the street, while surrounded by different pairs of judmental eyes; biglang lumakas ang ihip ng hangin. Tumabing sa mukha ko, ang ilang hibla ng nakalugay kong buhok; maging ang salamin ni Terrence, pinalabo na rin ng alikabok; pero nakatingin pa rin kami sa isa't-isa.
"Are you done?" Basag nya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"O-oo. Ano tayo na ba?" Diretsahan kong tanong.
"Hindi pa rin. Pero mahuhuli na tayo sa first subject natin, kung ipagpapatuloy mo 'yang kakornihan mo."
Para akong dinaanan ng libo-libong kalapati dahil sa 'Kroooo! Krooo! Krooo!', na umuugong sa loob ng utak ko. Ang sarap magpakain sa lupa ng buhay.
"Ano? Magha-hang ka pa ba riyan? Kung oo -- mauuna na ako." Dagdag pa niya, at tuluyan na nga akong tinalikuran.
Ugh! Talaga naman. Hays...
So eto na nga ang aking kwento. Ako si Tamarah Nicole Mendoza, na nakatamo ng pagkabasted not just once but twice sa kauna-unahang lalaking niligawan ko. Pero pasensya siya! Laking Bona kaya ako. Batang may laban! Kaya hindi ako susuko, until I get what I want. Ang matamis niyang, "oo".
***
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Short StoryMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...