“Bakit may transformation?” Tanong ko kay Terrence, during our lunch break, dito sa lover’s place namin.
“Para bumagay ako sa ‘yo, at hindi ka na nila pagtawanan kapag nakikita nilang magkasama tayo. Bakit ayaw mo ba?”
“Hindi naman. Kaso, hindi mo naman kailangang gawin ‘yun. Kagaya nga ng sabi ko sa ‘yo noon, tanggap kita mula ulo hanggang dulo - este, paa.” Napakagat labi ako at napapikit dahil sa pagkadulas ko sa huling sinabi ko. Mas naging hot kasi sya tignan sa get up nya ngayon, and I cannot.
Bigla nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinarap sa kanya. He looked at me sternly.
“Salamat, Tarah. Hindi ko alam kung ano bang meron ako, para tratuhin mo ng ganito. Ilang buwan rin akong indenial at pinipilit alisin sa sistema ko ang existence mo, to guard myself on the possibilities.”
Inalis nya ‘yung baunan ko na nasa lap ko at mas inilapit ako sa kanya. Hindi ko manguya ‘yung natitirang pagkain na nasa bibig ko kasi ang intense ng ganap.
“But everytime I’m doing that lalo kong nararamdaman ang pagmamahal mo and it can’t stop me from… Falling for you. Hard.”
Sa pagkakataong ‘yun, nalunok kong bigla ‘yung kanin sa bibig ko. Nagulat ako sa confession nya. I didn’t see that coming.
“A-ano? Mahal mo ako?”
Pinunasan nya ang gilid ng labi ko with his thumb and soon, he licked it while meeting my gaze. Ang tease na hayp!
“Yes, Tarah. Noon pa, mahal na kita. Pero kuntento na akong mahalin ka mula sa malayo.”
Napatingala ako. Annoyed. Mahal nya ako pero pinahirapan ako ng lokong ‘to. Hinampas ko nga.
“Aray! Nanakit?!”
“Kainis ka kasi. Ikaw pala ‘tong nanti-trip sa ‘kin all this time. Kaasar ah!”
Instead of saying anything, he pulled me into a hugged. I felt the warmth again - the comfort, the feeling of safety in his arms. Napapikit ako.
“I’m sorry, Tarah. I’m sorry, if naging selfish ako at naniguro. Natakot lang kasi ako and--”
I cut him by a ‘Shhh’, tiningala ko sya mula sa pagkakasubsob ko sa dibdib nya to see his face. I looked at him earnestly.
“I understand. At ayos lang sa ‘kin. Ang mahalaga ‘yung ngayon. Mahal mo na ako at masaya ako. Salamat, Tee.”
He smiled. A lopsided smile, saka pinupog ang mga palad ko ng halik.
“Salamat, Tarah. Pero... may itatanong lang sana ako.”
“Hmm… Ano ‘yun?”
“Valid pa ba ‘yung tanong mo sa ‘kin noon, kung pwede mo ako ligawan?”
Napahalakhak ako. Tarantado!
“Ikaw? Kailangan pa ba? ‘Wag na. Kiss na lang tapos tayo na, ganun!”
Napatingin sya sa mga labi ko, then he bit his lower lip, “Kahit baka magkalagnat ulit ako, after this - sige, I’m ready.”
Napangiti na lang ako, when I felt his lips brushed into mine. He kissed me sensually, and I kissed him back, habang magkayakap na nagkukubli sa malapad na katawan ng punong mangga. And this time, parehas na ang amoy ng mga hininga namin. Amoy binaguongan, and it taste good.
The perseverance taste good. Finally...
..
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Short StoryMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...