Lunch break na. Hinahanap ko si Terrence - oo, hindi pa rin ako sumusuko. Wala sa vocabulary ko ‘yun - at ngayon nga, sasabayan ko siyang mag-lunch. Lagi kasi siyang mag-isa sa canteen. Inu-ungasan pa siya nila Josh - dati kong manliligaw na binasted ko dahil sa pagka-arogante at mayabang - akala mo naman kasi ikina-cool eh. Tss! Kay Terrence na lang ako. Hindi man sya ‘yung mala-hearthrob na kinababaliwan ng mga babae at varsity player katulad nya, o astig na mala-badboy ang datingan na may service na big bike at muntanga na naka-leather jacket kahit tirik ang araw - sa kanya naman umiikot ang buong mundo ko.
Kahit pa, ubod ng manhid at suplado.
Napa-pout ako sa ideyang ‘yun, habang luminga-linga sa loob ng canteen at hinahanap sya. Pero wala si Terrence do’n, kaya naglakad na lang ako paikot sa likod ng university kasi malamang andun ‘yun sa usual place nya - sa puno ng mangga.
At hindi nga ako nagkamali. Napangiti ako nang makita ko sya doon, habang nakasandal ang likod sa puno at kumakain ng paborito nyang sausage on stick. Ang araw-araw nyang baon.
“Hindi ka ba napoporga nyan?”
Bulaga ko sa kanya. At muntik na syang mabilaukan sa pagkagulat, dahil do’n. Oh, G!
Inabutan ko agad sya ng mineral water na dala ko.
“Sorry. ‘Di ko sinasadyang magulat ka.”
“Ghad. You will be the death of me, Tarah.” he said between breath, annoyed, with that signatured dead glare, bago niya inumin yung laman ng bottled water. “Ano na naman bang kailangan mo sa ‘kin? At paano mo ‘ko nahanap dito?”
“Sorry na nga. Eh, sasabayan kita mag-lunch kasi, at alam kong mag-isa ka na naman kakain. Ang lungkot kaya nun. At saka, para namang ang hirap mong hanapin ano? Sa mga movies na napapanood ko, sa ganitong mga lugar madalas magmukmok ang mga tulad mong may sariling mundo. Calm, peaceful and quit. Ganern!”
“Tss. Not anymore. Nandito ka na eh. Gumulo na.”
“Grabe ka talaga sa ‘kin. Pero ayos lang. Mahal naman kita--oppss, ‘wag ka ng komontra. Here, nagbaon ako ng afritada for two, kumain na lang tayo.”
He let out a deep sighed, wala naman talaga syang magagawa sa kakulitan ko. “Fine. You’re such a hard headed. Pero kumain ka rin nitong sausage ko, para hindi masyadong nakakahiya.”
Napangiti ako, iba ang dating e. May double meaning.
“Talaga? Gusto mong kainin ko ‘yang sausage mo?” me on my smug face. Weeh!
“Etong sausage na baon ko. Ewan ko sa ‘yo!"
“Sus. Sabi ko nga, etong sausage mong maliit na, malambot pa.”
Natawa sya sa sinabi ko. Hindi lang ako ang green minded dito, right?
“Kumain ka na nga lang. Ang daldal mo.”
“Ang KJ mo naman. Here, eat!”
Oh well, 'di ko maalma ang sarili kong kilig when he ate up the sausage that I make subo in his mouth. Gosh! Parang mapupunit na yata ang bibig ko sa sobrang ngiti.
IS.THIS.A.SIGN NA BAH?
***
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Short StoryMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...