“Tao po? Terrence?” Tawag ko kay Terrence, mula sa may labasan nila. Sarado kasi ang gate. Wala namang doorbell or whatsoever. Mabuti na lang at sa ilang katok ko sa tabla, iniluwa na sya ng pinto - on his naruto printed shirt. Hmm, consistent...fanboy.
“Pumunta ka nga talaga.”
“Of course. May word of honor kaya ako.”
He hissed sabay kamot. Natawa na lang ako.
“Halika na nga. Pasok ka. ‘Wag kang judger sa barong-barong namin.”
“Uy, grabe sya. Ikaw ‘tong judger, hindi ako, fyi lang.”
Banters namin sa isa’t-isa habang papasok ng bahay.
“Terrence apo, ‘yung bisita mo na ba iyan?” Anang lola nya, na busy sa may kusina nila.
“Opo, La.” Sagot ni Terrence, pero annoyed na nakatingin sa ‘kin.
“Goodafternoon po.” Nakangiting bati ko sa lola nya, na nasa 70 years old yata. Sinalubong ko ito paglabas nito sa kusina at inabot ang kamay upang magmano. “Ako nga pala po si Tamarah Nicole Mendoza, kaibigan po ni Terrence. Gusto ko rin po ‘yang apo nyo.” nakangiti at diretsahang sabi ko rito, na naging dahilan ng pagkabigla ni Terrence, at kamuntikan nang mabitawan ang bitbit na pitsel ng orange juice, na inabot sa kanya ng lola nya.
Napahagikhik naman ang matanda sa sinabi ko. Ibig bang sabihin nito eh...gusto ako ng lola nya?
“Naku po, ‘La. Bipolar po ‘yan, ‘wag kang nagpapaniwala sa sinasabi nyan.”
“Ako? Bipolar? Nagsasabi po ako ng totoo, ‘La. Hindi po joke ‘yun. Gusto ko po talaga sya.” Ungot ko sa Lola ni Terrence. Mukhang naniwala naman sa akin.
“Aba, Miguelito, apo. ‘Wag kang choosy. Ay kaganda nitong kaibigan mo, ano pa ba hahanapin mo? Tumaas na ba grado nyang salamin mo?”
Nagpabebe-hawi buhok na lang ako. Tinamaan ako ng hiya eh. #flattered
“‘La, naman. Wala pa po sa isip ko ‘yan,” untag ni Terrence sabay walkout. Pumasok sa malapit na kwarto sa sala.
Napailing na lang ang lola nya. Malamang katulad ko eh, frustrated din sa apo nya.
“Naku ineng, pagpasensyahan mo na ‘yang apo ko. Ganyan talaga ‘yan, may sariling mundo. Dala na rin siguro ng makaluma kong pagpapalaki sa kanya, kaya naging mailap sa tao.”
“Ayos lang po, ‘La, sanay na po ako. Sa loob ng dalawang buwan na paghahabol ko sa kanya eh, gets ko na po ugali nya. At saka, I can wait naman po.”
“Kahit hindi magandang tignan na ikaw pa itong naghahabol sa apo ko, sa kabila ng kagandahan mo eh, hindi kita pipigilan. Ikaw pa lang ang kaibigan at babaeng nakaapak sa pamamahay ko, kaya ineng, sana hindi ka katulad ng mga naging kaibigan nya noon ano? ‘Wag mo syang iiwan ah? ‘Wag mong lalayuan kahit ang lakas ng sumpong nyan madalas.”
Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ng matanda. Saka pinisil.
“Opo, ‘La. Promise po ‘yan.”
“Salamat naman, Ineng. Pero may tanong lang ako ano? Wala bang sira ‘yang mata mo? Ang ogag kaya ng apo ko. Sigurado ka bang gusto mo sya?”
Natawa naman ako sa sinabi nito. Joker din pala si Lola.
“Yes po. 101 percent.”
***
Knock! Knock! Knock!
Katok ko, kasunod ng boses ni Terrence mula sa loob ng kwarto nya.
“‘La, bukas po.”
Akala nya yata, ako ang Lola nya. Pinihit ko ng dahan-dahan ang doorknob at tahimik na pumasok sa loob. Nakita ko syang tutok na tutok sa nilalarong online games sa desktop nya. Inilibot ko pansamantala ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Puro posters ng paborito nyang manga series. Pero karamihan kay Naruto.
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Historia CortaMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...