First day of the week, and as usual, handa ko ulit hintayin si Terrence sa labasan ng University, para sabay kami pumasok. Pero pagkababa ko pa lang sa service car ko, si Lola Alicia ‘yung bumungad agad sa paningin ko sa tabi ni Manong Guard.
Hala! Bakit kinukutuban ako? May nangyari kaya kay Terrence? “Hi, Lola Alicia, goodmorning po! Mag-isa po kayo? 'Asan po si Terrence?” Kako habang nagmamano rito.
“Uy, Ineng. Magandang umaga rin. Kaawaan ka ng Dios. Hayun nga, kagagaling ko lang sa advicer nyo, pinagpaalam ko si Miguelito. Ang taas kasi ng lagnat ‘nung isang araw pa. Hindi ko muna pinapasok.”
Mas lalong lumakas ang kaba ko sa narinig kong sinabi ni Lola. 'Yung pag-aalala ko 'di makatarungan.
“Oh, lord... Ano ba kasi pinaggagawa non? Sinabi ng ingatan ang sarili eh. Hays! Pero 'La, nagpa-check na po ba siya sa hospital? Baka kung ano na po kasi 'yun." Sunod-sunod kong tanong.
“Ay, oo. Pinacheck-up ko na lang siya sa health center sa Baranggay namin, ayaw magpadala sa hospital kasi mahihirapan lang daw ako. Ewan ko ba sa batang 'yun. Masyadong maalahanin, ganung siya itong may sakit." Sagot ni Lola, yumapos sa puso ko. Ang bait talaga ng mokong na 'yun, hays... sino ba ang 'di tatamaan don? kahit literal na makulit at matigas ang ulo niya madalas.
"Naku, nagsimula lang ‘yun lagnatin pala no'ng gabi na pagkagaling mo sa bahay. Biro ko nga sa kanya, ang lagnat niya eh, feelings na hindi masabi kaya hayun, sobra nang umapaw kaya sumingaw. Hehe."
Ang cool at ang gaan talaga kausap ni Lola Alicia. Kaya sino ba naman ako para 'di rin siya mahalin?
"Hahaha! Grabe ka sa kanya, 'La! Naiimagine ko po kung gaano kasalubong ang kilay ng apo n'yo dahil sa sinabi mo. Hahaha!"
Dahil sa pagtawa ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero di pa rin naaalis ang pag-aalala sa kalagayan ng mokong. Kaya 'yung tawa ko biglang nawala. Napansin naman yata ni Lola ang change of mood ko at nabasa ang pagka-miss at pagka-worry ko sa apo niya.
"'Wag ka nang mag-alala, Ineng. Umalma na ang lagnat niya at maayos na. Hindi ko lang talaga muna siya pinapasok at baka mabinat.” Ani Lola habang hawak ang kamay ko. Nginitian ko siya. I feel relieved.
“Ganun po ba? Mabuti naman po kung ganun. Ite-text ko na lang po sya.”
“Oo, Ineng. Mukhang ikaw miss ka. Kagabi, habang nagdedeperyo eh, pangalan mo sinasambit. Malakas talaga ang kutob kong may tama rin ang apo ko sa ‘yo eh! Nauunahan lang ‘yun ng pagka-torpe nya.”
Kinilig naman ako sa sinabi ni Lola. At saka, ramdam ko rin naman. I won’t be this persistent wooing him, kung hindi ko nababasa sa mga kilos nyang gusto nya rin ako. He was just afraid to take a risk. Ganyan ang fighting spirit! Ngayon pa ba? Eh may kakampi na ako.
“Hala ka, ‘La. Nilaglag mo na po si Terrence sa ‘kin. Hehe!”
“Jusko. Ayos lang ‘yun. At saka, gusto rin naman kita para sa kanya. Matanda na ako, Ineng. Ilang taon na lang ang itatagal ko sa mundo. Pero gusto ko bago ako pumanaw eh, makita kong maligaya sa piling ng napili nyang mapapangasawa ang apo ko. At masaya akong ikaw ‘yun, Tara.”
Hindi ko alam, pero naluha ako sa sinabi ni Lola Alicia. Napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa.
“Salamat po, ‘La. Sana nga po, ako ‘yung taong tunay na magpapasaya sa kanya.”
“Naku, Ineng, tiwala lang. Pero magtapos muna kayo ng pag-aaral nyo. Enjoy-in nyo muna ang kabataan nyo pareho, nandito lang naman din ako para sa inyong dalawa.”
“Opo, ‘La. Alam naman po namin priorities namin pareho.”
“Mabuti kung ganun. O, sya. Mauuna na ako, at tiyak hinahanap na ako ‘nun.” Aniya habang bumbitaw sa pagkakayakap namin sa isa’t-isa.
“Sige po. Ingat po kayo sa daan. Bye po.”
“Ikaw din. Bye, Ineng.”
Pagkawala ni Lola Alicia sa paningin ko, agad kong dinukot phone ko sa bulsa, para i-text si Terrence.
Tee (7:40AM) : Nakausap ko si Lola Alicia. May lovenat ka raw? Dahil ba ‘yan sa torrid kiss natin?😶 Joke not joke!😛 Pero pagaling ka na ah? Miss na kita... seryoso. xoxo
Nakangiti after maisend ‘yung message. Alam ko na kasi ang magiging reaksyon nya, kapag nabasa nya ‘yun; isang malaking ‘TSSSSSS!’ Sayang nga lang, ‘di ko makikita how cute his face is kapag ganun na pikon siya.
Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko ‘yung sepanx sa buong pagkatao ko. Ganito pala ‘yun?
//
Naaasar ako. Maghapon kong hinintay ang reply ni Terrence sa text ko ‘nung umaga pero wala. Tinext ko rin sya kagabi, para tanungin kong makakapasok sya ngayon, pero wala rin sagot. Tapos eto, tinatawagan ko ayaw naman sagutin.
“Ugh! Makakagat kita sa inis!” Ngitngit ko, habang dinuduro-duro ang mukha ni Terrence na wallpaper ko sa phone habang naglalakad sa papasok ng school. Nang biglang….
Blagh!
May nabangga ako. Isang mabangong lalaki: gwapo, maganda ang tabas ng buhok, nakaayos into spike with gel, may salamin pero bagay sa kanya at hindi baduy tignan. Wala na ring braces, ang ganda nang ngiti nya sa akin. At hindi na nakabutones ang polo nya hanggang leeg; instead, it was slighly ajar at kita ang panloob nyang white shirt.
“T-Tee? Terrence?” Kako, shookt.
“Yep. Bakit parang nakakita ka ng multo? Ang pangit ko ba lalo?”
Umiling-iling ako. Sunod-sunod.
“N-no. It’s...it was so bagay. Gwapo mo lalo.” Utal-utal na sabi ko, nawala bigla ‘yung inis ko kanina. Pero... bakit at some point may nasasagi akong lungkot sa transformation nya?
“Ganun? Eh bakit kunot ‘yang noo mo? Saka tagal mong dumating. Thirty minutes na ako naghihintay sayo rito.”
I make a face, “Sino ba ang hindi sumasagot sa text at call?”
He gave me that lopsided smile, my weakness.
“I want to surprise you kasi,” pero agad din naman nyang binawi. At pinalitan ng straight face, “Pero parang hindi naman yata nangyari. Halika na nga, late na tayo sa first class.” Dagdag pa nya, sabay hatak sa isa kong kamay, and eventually he intertwined it.
I bit my lower lip, to stop myself from grinning. Ang sarap magmura sa kilig. Tengenis!
At nagpatangay na nga lang ako ng tuluyan sa kanya. Without minding the chismosa’s at mahadirang froglets sa paligid who were inggit at nakikikilig sa akin.
Ito na ba ‘yun Lord? Dasal ko na lang.
***
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Short StoryMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...