Kasalukuyan akong nasa ere doing my stunts, nang magkagulo ang varsity players. Napansin kong may inaaway si Josh, sa kabilang side ng court. Natigilan ako ng makilala ko ang lalaki, si Terrence. Tinutulak-tulak sya ni Josh, habang hawak ang mop na panlinis nya sa sahig. Working student kasi si Josh; after classes, he’s doing in house janitorial services - dagdag allowance na rin aside sa pagiging scholar nya ng university.
“Guys, break muna.” sabi ko sa team mates ko, at pagkababa nila sa ‘kin. Patakbo ‘kong pinuntahan ‘yung komusyon.
Tinutulak-tulak pa rin nila si Terrence - pinagpapasa-pasahan na parang bola. Pero ang nakakainis, hindi man lang pumapalag ang kumag. Tapos sa akin ang galing mag-suplado? Iba rin eh! Sigh.
“Josh! Stop bullying, Terrence. Kundi, ako ang makakalaban mo!” Depensa ko kay Terrence at pumagitna sa kanilang dalawa.
Napangisi nang nakakaloko si Josh. Qiqil si aquoh, sa aswang na ‘to!
“Pinaliliwanagan ko lang sya, Tarah. For pete sake naman kasi! Bakit sya?! He don’t deserve you. Dapat sa akin. Alam mo ‘yun?! Pero lagpas mangarap ang isang ‘to eh!” Angil ni Josh, at balak pa sanang kutusan si Terrence pero tinapik ko ang kamay nya.
“Wow! I don’t deserve you too, sa totoo lang. Magmamadre na lang ako, kung ikaw lang din. Saka, pwede ba? Walang kasalanan si Terrence kung mahal ko sya. At lalong hindi nya kasalanan kung talunan ka at ‘di mo ‘ko makuha. Kaya ‘wag sya ‘yung pagbuntunan mo, pwede?! LEAVE. HIM. ALONE! Huli na ‘to, Josh. Kung ayaw mong isiwalat ko ang kasalanan mo sa ‘kin ‘nung prom night.” Tiim bagang na banta ko kay Josh, kasunod ang katahimikan ng buong gym.
Inabot ko ang isang kamay ni Terrence, at sabay kaming nagmartsa palabas.
“Bakit mo hinahayaang gaguhin ka ng mga ‘yun? Samantalang sa ‘kin, kung makapagsungit ka, wagas.” Sermon ko sa duwag na lalaking ‘to, habang pareho kaming nakasandal sa punong mangga, dito sa usual place nya. Nakakainis na kasi ang sobrang kabaitan.
“Bakit mo kailangang sabihin sa kanila ‘yun?” pag-iba nya sa usapan. I frowned.
“Ang alin? ‘Yung mahal kita? Eh tot---”
“Mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon, Tarah. ‘Di ba sinabi ko na sa ‘yo, tigilan mo na ‘yang trip mo.”
I tsked. Hayan na naman kasi sya. “Sorry not sorry, Terrence. I’m just being honest with what I feel na hindi mo matanggap-tanggap. Saka pwede ba? Don’t let me stop. Just go with the flow. Hayaan mo lang ako.”
Pakiusap ko, habang bumabalik sa isipan ko ang lahat. Ang first encounter naming dalawa, at kung paano humantong sa ganito. Why I fell this way with him - on one dimensional, boring, and predictable type of him?
It was our junior & seniors night, at hindi ko inaasahang malalasing ako. Kakarampot lang na wine ang ininom ko, but I felt like, my whole world were spinning. Nagpaalam ako sa mga ka-mutuals ko, dahil kailangan kong gumamit ng banyo. After I almost vomit my intestines out, biglang pumasok si Josh sa banyo. He grabbed me on my waist and pinned me on the wall, at dahil hilo ako at nanghihina, wala akong lakas to pushed him away. I was crying and cursing him nonstop, when he kissed me here and there.
“Pakipot ka pa ah? Tignan natin kung ‘di kita makuha ngayon.”
“Tangina mo! Gago! Get off of me!”
“Kapag napagsawaan kita, I will. Pagsisihan mong binasted mo ‘ko, Tarah.”
Pero bago pa man nya mahila ang undies ko pababa, biglang bumukas ang pinto ng banyo. There was Terrence, holding a mop at pinaghahampas nya si Josh. At nang makakuha ako ng pagkakataon, I kicked him on his ass and escaped. Inalalayan ako ni Terrence makalayo. Hanggang sa marating namin ang soccer field.
Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa nangyari. Umiyak ako ng umiyak. At hinayaan lang ako ni Terrence. We’re completely strangers that night, but when I cried my hearts out while enclosed into his arms at nakasubsob sa dibdib niya, I felt safe. I felt the warmth - the comfort while the rain poured upon us. Soaked and shaking, at the middle of soccer field. Sa unang pagkakataon na 'yun, yumakap ang isang estranghero sa akin at hindi ako nagprotesta, instead hinayaan ko lang na yakapin niya ako.
Pero simula nang gabing 'yun, I found my superhero - my night and shining armor in a man with thick eyeglasses and braces, with a mop.
“Iniligtas kita kasi kailangan,” basag ni Terrence sa flashback ko. Nakadama ako ng lungkot.
“Malabo ba talagang magustuhan mo rin ako, Terrence? Napapangitan ka ba sa ‘kin? Hindi ba ako kamahal-mahal na tao?” emote ko, pero alam ko na ang sasabihin nya.
“Hindi naman ikaw ang may mali, Tarah - ako. Maganda ka. Super ganda nga, kaya hindi ka bagay sa ‘kin. Pagtatawanan ka lang nila. At ayoko ng ganun. Lovable ka rin. Dahil kung hindi - hindi ka magkakagusto sa exotic specie na katulad ko.”
“Bakit ba ang hard mo sa sarili mo? Bakit ba pinagtutulakan mo ‘ko palayo? Tanggap ko naman ang lahat sa ‘yo. Ultimong pagka-fanboy mo kay Naruto at Doreamon tanggap ko. Isa lang naman ang gusto ko, eh. Hayaan mo lang akong mahalin ka, at iparamdam sa ‘yo na sincere ako sa feelings ko at hindi nangti-trip lang.” Untag ko. At nakikinig naman sya. Ilag man sya sa akin, but I know he listens. Takot lang talaga siya.
In the middle of silence, the cold breeze of the afternoon skies, blown onto us. We meet gazes. He’s reading my mind, me as well. And I know what will happen after this: he’s not going to kiss me - like mostly happening in every romatic movies - instead…“Ouch!” he flicked my forehead. “Nakakainis ka na! Alam mo ba ‘yun?! Haist!”
“Then stop. We can be friends naman, stop wooing me. It’s unlady like. Lalaki dapat ang sumusuyo sa babae, not the other way around.”
I sigh. He has a point.
“Basted na naman ako?” I said and pouted.
“No. Cause in the first place, hindi naman kita hinayaang ligawan ako. Mas magiging kampante ako, kung magiging magkaibigan tayo and you forget that crazy feelings you felt towards me; kasi, I don’t believe you. It’s not love, Tarah. You’re just thinking that you are.”
I hissed. Ano bang alam nya sa pag-ibig? Eh puro sa articles online lang naman sya nagbi-base.
“Whatever. Pero sige - call ako sa friendship sa ngayon. I know in time, mamahalin mo rin ako. And another but, ‘wag mo akong pipigilan to pull you out in your boring self, okay? Life is too short, Terrence, get loose. Enjoy.”
He scratched his head, at alam ko na ang kasunod. Deep sigh.
“Fine.”
“Great! It’s a deal then. Bukas, after rehearsals ko dalawin kita sa bahay nyo.”
He was shookt.
“What?! Why? No! Wala ako sa bahay bukas.”
“Tss! ‘Wag nga ako. Taong bahay ka kaya pag-weekends, and you can’t do anything to stop me. For now, I need to go back to the gym, naka-break lang ako. See you tomorrow. Bye.”
Di ko na sya hinayaang maka-protesta pa. Patakbo na akong bumalik sa gym at iniwan syang nagkamamot ng ulo.
***
BINABASA MO ANG
The Guy Who Gave Me #Breathless [Completed]
Short StoryMeet Terrence Miguel Faulkerson III. Ang lalaking bumihag sa puso ko, sa kabila ng makailang ulit na pagkabasted niya sa kagandahan ko. Sa tingin nyo, sasagutin kaya niya ako? Magiging kami ba nitong pinaka-choosy, baduy at supladong nilalang na 't...