Chapter 9

7 1 2
                                    


Hanggang sa makarating sa room, hindi kami umiimik. Hindi ko siya pinapansin. Wala rin naman akong dapat pang sabihin.

"I'll pick you up later." Tinignan ko siya na tila ba nagtatanong pero nagkibit balikat lang siya.

~~~~~~~^°^~~~~~~~

Hanggang sa matapos ang klase, halos wala ako sa sarili. Liban nalang nung kausapin ako ni Sir para utusan na magpunta sa higher year (Grade 12) para ihatid ang mga papeles na 'to.

'Room 102'

Kumatok muna ako sandali bago pumasok.

"Good Morning Sir! Uhmm--"

"Woy Axel! Siya ba 'yon?"

"Ayieeee!" Tila nagkakagulo sila bigla pero bigla ring natahimik nang sawayin sila ni Sir.

"Uhmm pinapabigay po ni Sir Tugaoen." Tinanggap niya naman at papaalis na sana ako nang makita ko si Pao. Dito pala ang section niya?

Nakatingin siya sakin pero agad ring umiwas. Problema non?

Umalis na rin ako dahil mukhang 'di pa tapos ang klase nila kaya dumaan muna ako sa Canteen.

"Ugh! I hate this!" Bumili nalang muna ako ng strawberry shake. Calm down Claire!

Naglakad lakad muna ako pampalipas oras.

May napansin akong bagay sa may paanan ko.

"Bracelet." Iginala ko ang mga mata ko para tignan kung sino ang maaaring nakahulog nito. May nakita akong babae sa kaliwa at lalaki sa kanan.

Mukhang sa babae 'to. Iniwan ko ang shake ko sa may lamesa kahit na hindi pa ubos at agad hinabol ang babae.

"Miss!" Kinalabit ko siya at ipinakita ang bracelet.

Humarap naman siya kaagad sakin. "Iyo ba 'to?"

"No." Tumalikod na rin siya kaagad. Bastos! Argh! Eh kanino 'to?! Binasa ko ang nakasulat at... "GCMJr." Junior?! Baka sa lalaki 'to kanina! Ack! Sayang oras.

"Tss." Nasipa ko ang bato na malapit sa'kin.

"Ouch!" Patay! Mukhang nakatama ako.

Tinignan ko ang taong natamaan ko at,

"Bakit mo iniwan ang shake mo? Alam mo bang, masakit maiwan?"

"Huh?" Mukhang ngayon ko lang naintindihan ang sinabi niya.

"Ah sorry!" Inabot niya sakin ang shake. Malinis pa naman siguro 'to.

"Wait." Paalis na sana siya pero ngayon ko lang napansin.

"Iyo ba 'to?" Tinignan ko siya at napansing siya iyong lalaki kanina na nakita ko rin.

Tinignan niya ang kaliwang kamay at... "Salamat."

"You're welcome." Mukhang importante pa naman sa kanya dahil sa reaksyon niya.

"Thank you ulit!" Nginitian niya ako kaya syempre nginitian ko siya pabalik. In fairness, ang gwapo ni kuya. (>~<)

"Sige, mauna na ako." Umalis na rin ako kaagad at naiwan siyang tulala 'don. Wth?


The Boy She Played WithWhere stories live. Discover now