Chapter 19

3 0 0
                                    

"Class Dismissed." Lumabas na ang prof. namin. Ako naman, inayos ko pa ang mga gamit ko at tsaka lumabas na rin.

Pumunta ako ng canteen para sana bumili ng shake pero iba ang nakita ko.

It's Paolo. With another Girl.

Kung hindi lang sana si Paolo kasama ang babae niya, kikiligin sana ako sa sweetness nila. Kung isa sana to sa mga ex boyfriend ko na lumalandi, ginulpi ko na sana sila. Pero hindi, nasasaktan ako. Bakit ganito? Ayoko ng pakiramdam na 'to. Hindi maaari. Ang emosyon na 'to ang makakapagpabagsak sakin. Hindi ako makakapayag!

Hindi ako lumapit. Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa mata ko. Umalis ako kaagad sa lugar na 'yon. Hindi ko kayang lumapit sa kanila ngayon. I need to calm myself.

Lumabas ako ng school at tsaka pumara ng taxi.

~~~~~~~^°^~~~~~~~

Bumagsak ako kaagad sa higaan pagkarating ng condo ko. Pagod na ako masyado para makapagpalit pa. Wala na rin akong ganang kumain.

*Baby Baby Blue--*

Pinatay ko na ang cellphone ko. Wala akong balak na sagutin ang kahit anong tawag mula sa lalaking 'yon. Maiinis lang ako.

"Aish! Kasalanan ko 'to eh!" Nagpabaya ako masyado sa emosyon ko! Aish! Badtrip naman oh! Pakialam ko ba sa kanya?! Ilang beses pa akong nagpagulong gulong sa kama bago ako dinalaw ng antok.

The Boy She Played WithWhere stories live. Discover now