CHAPTER 16 " MUSIC TO MY EARS "

9.2K 140 0
                                    

Hindi alam ni Lucy kung maniniwala siya sa mga vision na nakita ni Resha nang hawakan nito ang red bag at ang patay na pusa.

" Is this for real? Hindi ko kasi maintindihan ang lahat. Isang babae ang nakita mo Resha at hindi siya mukhang tao. Tapos humahaba pa ang leeg at nanlilingkis pa ng tulad sa ahas? " ani Lucy na naguguluhan sa nalaman.

" 'Yun ang mga nakita ko Lucy, hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang bagay o tawag sa gano'n, " agarang sagot ni Resha.

" Anyway, kung 'yun ang nakita ni Resha na vision d'yan sa red bag at patay na pusa. Atleast, alam mo na Lucy na hindi normal ang kumakalaban sa 'yo, " sabi ni Henrik kay Lucy.

" I'm a vampire and Resha is a witch, so ano'ng tawag sa nakita niya sa vision niya na babae? Snake Woman? Hahaha! This is crazy, " hindi pa rin makapaniwala si Lucy.

" Sorry Lucy, 'yun lang ang kinaya kong makita, " mahinang saad ni Resha.

Tumayo si Lucy sa kanyang inuupuan at agad lumapit kay Resha na parang isang kidlat sa bilis.

" Okay lang kung 'yun ang nakita mo. Ang pinagtataka ko kasi ay kung ano'ng tawag sa gano'ng klaseng nilalang, " paliwanag ni Lucy.

" 'Di ba sabi mo may suspect ka? Sino ba ang suspect mo? " tanong ni Henrik.

" Honestly, nu'ng una ang suspect kong nagpadala ng regalo ay si Mina. Pero nang sabihin ni Resha 'yung about sa vision niya tungkol sa babaeng humahaba ang leeg ay 'di ko na alam kung sino pa ang pwede kong maging suspect, " sagot nito kay Henrik.

" Wala ka ba'ng nakakaaway sa university? " tanong ni Henrik.

" Wala naman, aside sa ibang sophomores na nangbubully. Minsan ginagamitan ko sila ng glamour, " ani Lucy.

" Hindi naman kaya taga KNU ang nagpadala n'yan sa 'yo? Baka naman may nakakaalam na about sa tunay mong pagkatao, " sabi ni Resha.

" Hmm, sa tingin ko naman ay wala pa. Sa two weeks mong hindi pagpasok madalas ko lang namang makausap ay si Felix. Minsan si Ms. Debbie 'yung tita niya, " saad ni Lucy.

" Pero hindi ka ba nila napaghihinalaan? " tanong ni Resha.

" Hindi, dahil hindi ko sila ginagamitan ng glamour. Mahirap na baka mabuking nilang vampire ako dahil kaya kong mang hypnotize ng isip ng tao, " sabi ni Lucy.

" Pero kung ganito ang nangyayari. Kailangan na nating malaman kung sino ang kalaban natin. Dahil alam niya na ang bahay mo Lucy, paano kung isang araw makapasok na siya dito nang tuluyan, " seryosong sambit ni Henrik.

" Mabuti pa, ay dumito ka muna Resha.  Malaki ang maitutulong mo sa amin para mabilis nating malaman kung sino talaga ang nagpadala ng regalo, " ani Lucy.

" Sige, h'wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para matulungan ka Lucy, " nakangiting sagot nito.

---------

" Mandy, ano ba 'yung kinuha mo sa labas kanina? " tanong ni Manang Carol.

" 'Yung regalo kay Ms. Lucy, sabi nu'ng lalaking nag-abot nu'n ay para raw kay Ms. Lucy Campbell ito. Kaya kinuha ko na at dinala ko kay Ms. Lucy, " sagot ni Mandy habang tinitirintas ang buhok.

" Ah, baka naman kay Maestro galing 'yun, " ani Manang Carol habang nagpupunas ng  lamesa sa kusina.

" Hmm, sa pagkakaalam ko hindi gano'n magregalo si Maestro. Bukod kasi sa walang card 'yung regalo kanina ay magaan lang ito, " saad ni Mandy.

OUT FOR BLOOD I: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon