CHAPTER 49 " LUCY, MY LOVE "

6.5K 98 2
                                    

" Nakakainis talaga ang Lucy Hyun na 'yan. Akala ba niya matatalo na lang niya ako ng ganun-gano'n na lang! Kung hindi niyo ko pinigilan kanina, sana nasabunutan ko na siya! Grrr!!! " nanggigigil sa inis si Chelsea habang kausap ang kanyang mga kaibigan.

" You know Chels, hindi naman kasi puwedeng hayaan ka namin na gawin 'yun. Hello? Halos matatapos na ang first month sa suspension natin dito sa KNU. Baka kung nagkagulo kanina eh tuluyan na tayong maexpel dito, " ani Marie sa kaibigan.

" Tama Sis! Saka gusto ko pang mag-aral dito Chels dahil nandito si Felix d' Ultima. Kaya nga kahit mamatay na ako sa pangungulila sa kanya eh handa kong tiisin ang 2 months suspension natin para lang muli siyang makita! " hirit ni Nicole.

Napairap naman si Chelsea nang marinig iyon. " Alam niyo, just move on na lang. Imposible pang mapansin tayo ni Felix dahil sa Lucy Hyun na 'yon. Sa tuwing naiisip ko kasi ang pagmumukha ng Ugly Duckling na 'yon eh kumukulo ang dugo ko sa galit! "

" Sino'ng Ugly Duckling? " napakunot noo si Nicole.

" Sino pa edi si Lucy Hyun. Alam naman natin dati na nerdy at old fashioned siya. Sino ba'ng mag-aakala na sa Acquaintance Party natin noon eh magiging gano'n siya kaganda. As in mukhang mga famous model sa magazine kasama ba 'yung bestfriend niyang nagtransform din, " biglang sagot ni Marie.

" Alam niyo mga girls, dapat talaga turuan ng leksyon ang Lucy Hyun na 'yon. Kasi feeling niya eh sikat na sikat na siya dito sa KNU! Kung hindi lang talaga tayo napauwi ng gabing iyon malamang ako ang Queen of the Mask at hindi siya! " saad ni Chelsea.

Samantala, muling nagkita sina Chalix at Miyuki sa isang coffee shop.

" So, ito ang updates ng tauhan mo sa 'yo Chalix? Kung gano'n isa sa mga Lucy Campbell na pictures na 'to ang posibleng pumatay sa anak ko, " saad ni Miyuki.

" Gano'n na nga, sa tingin ko ay talagang napaghandaan niya na talaga  ang mga puwedeng gawin ng kalaban niya sa kanya. Imagine, 15 na Lucy Campbell ang nandito sa South Gyeongsang at lahat ito ay may-ari ng malaking bahay na 'yon, " sagot ni Chalik.

" Kayo ang makapangyarihang pamilya dito sa Changwon. Hawak niyo ang batas pero hindi niyo alam kung sino'ng mga dayo rito sa lugar niyo!? Mukhang humihina kayong mga d' Ultima ngayon o baka dahil wala ang kuya mo kaya sobrang hina niyo na!? " napataas ang kilay ni Miyuki.

" What do you mean? Humina ang kapangyarihan naming mga d' Ultima dahil wala ang Kuya ko at ako ang nandito!? " tumaas ang boses ni Chalix.

Napatawa ng malakas si Miyuki.
" Ikaw ang nagsabi n'yan at hindi ako. For now, doumo arigato gozaimasu sa mga information na 'to. Keep it up Chalix kung gusto mong mapantayan ang kapangyarihan dito sa Changwon ng Kuya Markus mo, " uminom ito ng kape.

---------

" Manang Carol, ilang araw ko nang napapansin ang isang kotse doon sa highway. Nakakapagtaka dahil madalas nakaparada ang kotse na 'yon doon, " sabi ni Mandy habang nakatingin sa binocular.

" Siguro tauhan 'yan nu'ng Miyuki Matsumoto o 'di kaya sa mga d' Ultima 'yan. Mukhang minamanmanan talaga nila ng husto ang bahay ni Ms. Lucy, " sagot ng matandang maid.

" 4 days ko na 'yang nakikita d'yan. Hindi kaya pasukin tayo dito sa bahay? Naku, h'wag naman sana! Nakakatakot! " ani Mandy at napayakap ang isang kamay sa braso ni Manang Carol.

OUT FOR BLOOD I: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon