CHAPTER 14 " SPILL THE BEANS "

8.5K 126 2
                                    

Hindi matanggap ni Resha ang sinapit ng kanyang Tita Alicia. Isang katanungan lang ang naiisip niya ng mga sandaling iyon.

" Sino'ng gumawa sa 'yo nito!!!? " ang kanyang sigaw.

Agad namang nilapitan ni Lucy ang kaibigang umiiyak na nakaupo sa sahig.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng kanyang kaibigan dahil sa nangyari. Tumulo rin ang kanyang mga luha ng hindi niya namamalayan.

Naaalala niya ang sinapit ng kanyang pamilya noon bago ito tuluyang nawala sa kanya. Alam niyang masakit iyon at mas sasakit pa dahil brutal ang pagkakapatay.

Tulad ng nangyari ngayon sa tiyahin ni Resha. Hindi normal ang pagkamatay nito. Hindi niya alam kung paano matatanggap ng kanyang kaibigan ang kahindik-hindik na sinapit ng tiyahin nito.

Hindi sila pumasok kinabukasan. Humingi siya ng abiso sa Kyungshin National University na pinapasukan nila. Malamang na hindi kaagad makakarecover si Resha dahil sa nangyaring insidente.

Matapos ang libing ay iniwan muna ni Lucy ang kanyang kaibigan sa sementeryo. Nais niyang mapag-isa ito tulad ng kanyang ginawa noong inilibing ang kanyang ama. Batid niya na marami pang gustong sabihin si Resha sa tiyahin nito nasa ngayo'y nahihimlay na.

" Tita Alicia, maraming salamat sa pag-aalaga sa akin. Maraming salamat dahil itinuring mo akong anak kahit na pamangkin mo lang ako... Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ngayong wala ka na. So-sorry dahil alam k-ko na sinu-suwa-way ko kay-yo kapag pinagsasabihan niyo ako. Hin-hindi ko malilimutan lahat ng ginawa niyo sa akin. Ipinapangako ko na magi-ging matatag ako, magiging mal-lakas ako. At igaganti ko kayo kung sino man ang gumawa sa 'yo nito! " nauutal si Resha nang magbigay ng pahuling mensahe para sa kanyang Tita Alicia.

Dalawang linggo ang lumipas,  hindi pa rin pumapasok si Resha sa Kyungshin National University.
Bagamat dinadalaw-dalaw siya ni Lucy paminsan-minsan. Alam nitong hindi ganoong kadali ang mag move-on para sa isang namatayan. Hanggang dumating ang araw na ikinagulat niya.

----------

" Mandy, Mandy, " tawag ni Manang Carol sa kasama nitong maid na nagsusuklay sa harap ng salamin.

" Yes, Manang Carol. Ano 'yun? " tuloy pa rin ito sa ginagawa.

" Parang may kumakatok yata sa pintuan ng bahay ni Ms. Lucy, " ani Manang Carol na nagluluto ng spaghetti.

" Really? Parang wala naman akong naririnig, " humarap ito sa matandang kausap.

" Alam mo mabuti pa Mandy, puntahan mo at baka may bisita si Ms. Lucy, " sabi ni Manang Carol.

Nagtungo si Mandy sa main door ng bahay ni Lucy. Totoo nga ang sinabi ni Manang Carol may kumakatok sa pintuan.

Wow naman kay Manang Carol. Kahit matanda na ay matalas pa rin ang pangdinig. Hihihi (Mandy)

Agad binuksan ni Mandy ang pintuan at nabigla siya sa nakita.

" Ah! Ikaw pala, kanina ka pa ba d'yan? " ani ng katulong.

" Hi-hindi naman, nandyan na ba si Lucy? " tanong ni Resha hawak ang isang dehilang maleta.

" Ayy, umalis sila ni Mr. Henrik pero pabalik na siguro sila. Halika pasok ka ako na ang hihila ng dala mo, "  nakangiting sabi ni Mandy at kinuha ang dehilang maleta ni Resha papunta sa living room.

OUT FOR BLOOD I: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon