CHAPTER 40 " MAKE A CLOSE WAY "

7.3K 119 0
                                    

" Hindi naman, kararating ko lang. Mukhang tapos na kayo kumain ha? " umupo ang binata sa tabi ni Lucy.

Nagkatinginan si Lucy at Resha. " Felix, we have to go now. Pupunta pa kasi kami sa library ngayon... "

" Sayang, hindi ako makakasama. By the way Lucy, ano pala 'yung sinasabi mo about kay Ms. Mina? " tanong ni Felix.

" Wa-wala, ang ibig kung sabihin kanina ay hi-hindi kami magkatulad ni Mina... I mean Ms. Mina Matsumoto. Maganda siya at negosyante samantalang ako ay estudyante lang. 'Di ba Resha? " ngumiti ito kay Resha.

" Oo, 'yun nga, sabi ko pareho silang maganda gano'n hehehe " hirit ni Resha na hindi kumportable sa sinabi.

" Hmm, I see, pero alam niyo na ba ang balita? " sabi ni Felix.

" Ano'ng balita? " bulalas ni Lucy habang nakatingin sa binata.

" Sad to say, patay na raw si Ms. Mina. Nalaman ko lang iyon kay Tito Chalix, " ani Felix.

" Ha!!? Pe-pero paano siyang namatay 'di ba siya pa ang host ng Acquaintance Party natin nu'ng nakaraan? " sambit ni Resha.

Alam kaya nila kung sino ang pumatay kay Mina. Mukhang malapit si Mina sa pamilya ni Felix. Paano nilang nalaman na patay na si Mina eh sinunog na ni Resha ang katawan nito. Wala na silang makikitang bangkay pa kahit sa commercial building na pinaglabanan namin. (Lucy)

" Actually, hindi nabanggit ni Tito Chalix kung alam na nila kung sino o ano ang pumatay kay Ms. Mina. Ang nagsabi lang daw nito sa kanya ay 'yung mother ni Ms. Mina na kaibigan niya, " sagot ni Felix.

Ibig sabihin, ang Tito Chalix niya at ang mother ni Mina ay magkakilala talaga. It means alam ng Tito niya na isang Rokurokubi si Mina at ang Mama nito. Sigurado akong may gagawin silang hindi maganda once na malaman na nila kung sino ang pumatay kay Mina. (Lucy)

" Pero 'di ba, nasa Japan ang mother ni Ms. Mina? Kung dito nga namatay sa South Korea ang anak niya, paano niya 'yon malalaman? " usisa ni Lucy.

" Oo nga 'no, napaisip tuloy ako. At saka wala namang binanggit si Tito Chalix kagabi sa akin nang magkausap kami kung nasaan ang katawan ni Ms. Mina, " sambit ni Felix.

" Hindi naman kaya buhay pa talaga si Ms. Mina. Baka naman mali ang impormasyon na nalaman ng Tito mo Felix, " hirit ni Resha.

" Mahirap 'yan Felix, hanggat wala tayong katawan na nakikita sa tingin ko mas magandang hindi muna tayo maniwala. Sana buhay pa si Ms. Mina dahil napakabait niyang tao, " ani Lucy.

Wala kayong katawang makikita dahil sunog na ito at naging abo. Imposibleng makita niyo pa ang bangkay ng Rokurokubi na si Mina. Kailangang mapalapit na ako sa pamilya ni Felix at makilala ko na ang Tito Chalix niya. Mukhang dapat ko na silang maunahan bago pa nila malaman na ako ang pumaslang sa halimaw na Mina Matsumoto na 'yun. (Lucy)

" 'Yun kasi ang sabi ni Tito, anyway akala ko ba ay pupunta kayo ng library ngayon? " tanong ng binata.

" Yes, halika na Lucy... " tumayo na si Resha.

" Wait lang, ah, Felix, nalaman ko kasi dati kay Ms. Debbie na si Ms. Mina ang gagawa ng wedding gown sa kasal ng girlfriend ng Tito mo. Kailan ba ang kasal nila ng Tito mo? " tanong ni Lucy.

" Ah, sa makalawa. In fact, naikuwento kita kay Tita Agusta, doon sa girlfriend ni Tito Chalix. She's looking forward na makilala ka Lucy. Ang sabi ko isasama kita sa araw ng kasal niya para maipakilala kita sa kanya at kay Tito Chalix na rin, " ani Felix.

OUT FOR BLOOD I: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon