CHAPTER 47 " FALL OUT OF LOVE "

6.9K 110 0
                                    

Isang masayang umaga sa Kyungshin National University dahil sa ipinagdiriwang nila ang Foundation Day nito. Lahat ng estudyante ng university sa morning at afternoon class ay magkasama dito.

" Oh, Resha, dahil sa wala naman tayong klase buong linggo magpakabusog tayo ha! " galak na saad ni Lucy sa kaibigan.

" Oo Lucy, kaya lang hindi kaya tayo tumaba nito? Halos 4 days na tayong kain ng kain sa mga booth na nakikita natin. Hahaha " ani Resha hawak ang isang tray ng mga pagkain.

" Ano ka ba, mas mabuti na 'to kaysa naman sa wala tayong gawin. Mabuti pa at humanap tayo ng mauupuan upang kainin ang nasa loob ng tray na hawak mo. Tapos pasukin pa natin ang ibang booth sa mga rooms mamaya! " masayang aya ni Lucy kay Resha.

Habang naghahanap sila nang mauupuan ay napansin nila ang isang kumpulan ng mga estudyante. Nakita nila ang mga afternoon class na mahilig mambully ng estudyante.

" Teka, ano'ng meron d'yan? " natanong ni Lucy nang mapadaan sila sa mga ito.

" Lucy, hayaan mo na sila baka madamay pa tayo d'yan, " sambit ni Resha sa kaibigan.

Inilagay ni Lucy ang kanyang hawak na pagkain sa tray na hawak ni Resha.

Agad siyang lumapit sa kumpulan ng mga estudyante. Tila naiintriga siya sa ingay ng mga ito. Laking gulat niya na pinagpapasa-pasahan ng mga kalalakihan ang isang estudyanteng lalaki. Tinutulak ito na parang bola at nagtatawanan ang mga ito. Kitang-kita niya na walang magawa ang kawawang estudyante sa ginagawa dito.

" Hoy! Ano'ng ginagawa niyo sa kanya!? " sigaw ni Lucy nang hawiin niya ang mga nakapalibot dito.

" Sino ka naman!? H'wag mong sabihin na ikaw ang girlfriend n'yan? Hahaha "

" Hindi! Teka, parang namumukaan kita. Tama! Ikaw 'yung mukhang daga na nambubully sa afternoon class ha! " mariing saad ni Lucy.

Nagtawanan ang mga estudyanteng naroon ng marinig ito. Bigla niyang itinuon ang kanyang tingin sa mga ito. Halos lahat ng nakapalibot sa kanya ay afternoon class na mga estudyante.

" Hoy! Babaing mukhang manikang nakakatakot. Hindi ako mukhang daga 'no! Saka bakit kaba nakikialam sa ginagawa namin sa kanya? Alam mo ba kung ano'ng nangyayari!? "

" Oo alam ko! Nambubully kayo, hindi ba kayo nainform na bawal 'yan dito sa campus. Isusumbong ko kayo kay Ms. Debbie sa ginagawa niyo sa kanya, " pinandilatan ni Lucy ng mata ang kausap niya.

" Miss, h'wag ka nang makialam. Ka-kasa-salanan ko naman ka-kasi eh, " ani ng lalaking nakasuot ng malaking reading glasses. Inayos nito ang kanyng buhok na one side at ang nagusot na damit.

" Oh, hindi ka naman siguro bingi 'no'? Ang sabi niya kasalanan niya, " saad pa ng isang estudyanteng lalaki.

" Hindi niya kasalanan, ang may kasalanan dito ay kayong limang mapapangit! Ginagawa niyo siyang katatawanan porke ganyan ang itsura niya, porke ganyan ang ayos niya dahil hindi siya lumalaban sa inyo. Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo sa kanya o sadyang walang hiya kayong lima!? " mariing sabi ni Lucy.

" Boo! Walang hiya pala kayo eh. Hahaha "

" Ano, magpapatalo ba kayo sa isang weirdo ng morning class!? Hahaha "

" Teka, hindi kaya 'yan si Lucy Hyun. 'Yung nasa video noong Acquaintance Party natin? "

" Oo nga 'no! Siya nga yata 'yan. Nasaan 'yung kaibigan niya? "

OUT FOR BLOOD I: The Revenge of Lucy CampbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon