Chapter 3

20.2K 715 177
                                    


Nakadaupang palad ko na ang iba't ibang uri ng klase ng tao dahil sa nature ng trabaho ko but i swear this woman who was standing in front of me right now is undeniably unbelievable. Alam na alam nya kung paano ako iinisin, makita ko pa lang ang mukha nitong si Color Benitez kumukulo na ang dugo ko.

"Ang malas ko naman at ikaw pa talaga ang nakita ko!" inis kong bulong sabay talikod.

"Hey that's mean missy!" natatawang sabi ni Ms. Benitez. "Ke aga aga ang init ng ulo mo,"

"Nakita kasi kita!" katwiran ko.

"Why?" natatawang tanong ni Ms. Benitez bago uminom ng kape nya. "Hindi ba ako kaaya aya sa paningin mo? Hindi ba ako maganda?"

Napaikot ang aking mata, masyadong bilib sa sarili ang babae na ito. Akala mo naman kung sino. But okay, ayaw ko ng magubos ng oras sa taong hindi naman worth it kaya lumakad ako palabas ng coffee shop.

"Still butthurt Ms. Gonzales?" sumunod pa talaga sya sakin para mang asar.

Ayaw ko na sanang patulan ang babaeng pinagpala sa kagandahan ngunit pinagkaitan ng kaakit akit na  pangalan. Pagalit akong humarap at buong inis na tinitigan si Colorlane,  Colorlyn o kahit ano pa mang pangalan nya wala na akong pakialam.

"Anong gusto mong gawin ko? Magtatalon sa tuwa?" taas kilay kong tanong kay Ms. Benitez. "Pagkatapos ng ginawa mo sakin? What about your public apology Ms. Benitez? I was expecting it today!"

Hindi man lang sya nayanig sa sinabi ko. Parang pumasok lang sa kanang tenga at pero lumabas sa kaliwala. "Oh i can do that." biglang ngumiti si Ms. Benitez. "Pay me then i will give what you want."

"Are you kidding me?" nagsalubong ang kilay ko. Nakangiting umiling si Ms. Benitez sakin. "Hindi ako nababaliw para bayaran ka!"

"Then don't demand anything from me Ms. Gonzales. Business is business."

"Whatever!" bwiset na bwiset kong singhal at itinulak si Color paalis sa daraanan ko.

"Bye! See you around!" may pahabol pa itong pangaasar.

"Bwiset talaga!" bulong ko sa hangin bago ako sumakay sa kotse. "May araw ka din sakin!"

Sa awa ng diyos ay buhay at ligtas akong nakauwi sa bahay. Sa sobrang inis ko kasi kay Ms. Benitez kulang nalang ay magkapakpak ang aking kotse sa sobrang bilis ng takbo.

"Ate Averi." bungad ni Aubree pagpasok ko ng bahay. May bisita ang kapatid ko na magandang dalaga.

Inihagis ko sa sofa ang hawak kong bag. "May bisita ka pala."

Sabay na tumayo ang dalawa. Sa unang tingin ay para silang ordinaryong magkaibigan pero syempre malakas ang radar ko pagdating sa kapwa ko lesbians pero hindi ko sila pangungunahan.

"Si Cassy pala Ate." pakilala ng kapatid kong si Aubree sa kasama nya.

Tinititigan ko si Cassy mula ulo hanggang paa. Ang kagandahan nya ay hindi nakakasawang pakatitigan, sexy rin ang pangangatawan nya na pwedeng makipagsabayan sakin sa entablado. "I'm Averi, Aubree's eldest sister." at nagkamay kaming dalawa.

"Cassandra Monteralba. Finally, nakilala narin kita." may bituin sa mata mi Cassy habang nakatingin sakin. "Aubree talks so much about you."

"Oh really?" sumulayap ako kay Aubree na todo ang pagkakangiti sakin. "I hope they were good things,"

"But of course Ate." umikot ang mata ni Aubree sabay hatak sa braso ni Cassy. "Come on,"

"Hey. No sex at home okay!" paalala ko sa dalawa habang umaakyat sa hagdanan papunta sa second floor.

Ms. Newspaper Magnet (Lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon